Malinaw na naipangako ko sa mga nagdaan kong entries na kakayanin ko ang laban na pinasukan ko ng laban ngayon.., kelangan kong kayanin at ang pagsuko ang huling bagay na dapat kong maisip..
Pero nabanggit ko na bang kakompetensya ng account na nagpa realize sa akin na di pa ko handa na pumasok sa mundo ng mga call boys at call girls?? Oo.. kalaban siya kaya equally complicated siya.. naku.., napasubo ata ako..
Andito na rin lang naman ako.., might as well na ibigay ko ang sandaang porsyento ng kung anong kaya kong gawin.., itodo na.., bahala na sa kung saan makarating,, siguro dapat i convert ko ang malupit na naranasan ko sa kuko ng isang telecom account sa isang leksyon.. isang advantage.. dapat mas kayanin ko to.. hala.. tila mas lalong bumigat ang pressure.. pag napag tagumpayan ko to.. i'll be so totally back..
Product training.., ang part na dapat ay sineseryoso.., bawal laruin.., bawal idaan sa joke.., bawal tulugan.., kung hinde.., goodluck pag sinabak na kayo sa pagtutuos sa mga customers na nangangailangan ng tulong at nangangailangan ng taong mamumura.. haha
Hindi siya katulad ng language training na enjoy lang.., heto.., dapat ay nakakundisyon ang utak mo para iabsorb lahat ng mga hinihinging iabsorb ng utak mong hindi kataasan ang internal at external memory.., kaya nga nun.., feeling ko ay kelangan ko nang magpapalit ng utak dahil tila ay nadamage sa dami ng mga impormasyon na dapat namin matandaan o kahit makuha man lang ideya..
kaya sa pagkakataong ito,, ako si boy notebook.., take lang ng take ng mga notes.., parang high school na lecture lang lecture.., kasi parang mas tumatatak sa akin ang mga pinag aaralan pag sinusulat ko.. kahit hindi naglelecture ang iba,, ako sulat lang,, para may mabasa din sa bahay,, sulat lang ako kahit sabi ng trainer na hindi naman kelangan dahil sa knowledge base naman namin ang mga pinag aaralan namin at hindi adviseable ang mag memorize.., well,, tuloy pa din ako sa pagsulat.. kelangan ko tong gawin.., hindi kaya ng utak ko na tandaan ang lahat,,
sa product training.., kalaban mo ang sarili mo.. ako.., mukhang di lang sarili ko ang kalaban ko.., kung hindi ang mga taong may ayaw sa akin dahil sa mga pinanggagawa ko na hindi ko maiiwasan masyado lalo na kung naiinip ako at naghahanap ako ng outlet para makatakas muna sa pagkabuang,, kaya bumabato ako ng mga hirit na minsan ay kinakataaas ng kilay ng iba lalo ng mga taong nayayabangan sa akin dahil minsan e di ko mapigilang magmarunong dahil gusto kong malaman kung alam ko nga ba talaga,, haay,, hirap maging ako,, at dahil sa mga tendencies ko na magkorek ng mga ilang pagkakamali kaya mainit ang mata ng mga ilan sa akin..
oo., kasalanan ko .., at sinusubukan kong magpaka low profile..
May mga pagkakataong gusto kong mag quit.., dahil nakaka frustrtate minsan.., feeling ko kasi wala naman sa mga tao dun na gusto akong manatili.., sabi ko nga.., kung may botohan lang sa kung sino ang dapat tanggalin sa grupo namin.., landslide winner ako..,
Pero inisip ko din.., na lumalaban ako hindi para i please sila,, hindi para makuha ko ang approval nila sa kung ano ang dapat kong sabihin at gawin.., andun ako.., para sa trabaho.., kaya nanatili ako.., at nagp pray na lang ako na sana transition na at may mga bago na kong ka team..
oo.., may mga pagkakataong napagod na ko sa mga nakapaligid sa akin sa training,,sa mga nauna kong scores sa mga assessments,, yung tipong perfect score ang lahat.., tapos ako na mayabang e red mark.., naku.. pero nung lumipas ang mga araw,, naayos naman.., siguro dahil nakapag adjust na sila sa ka epalan ko.. buti nalang at hindi ako umalis..
pero may mga taong nagtyaga naman sa akin at kinaya kung ang ugaling meron ako.. nagpapasalamat ako sa kanila.., dahil sa kanila.., nakatawid ako..
Naging masaya naman ang product training.., may mga kulitan moments,,at mga petiks moments,, hala.., goodluck na lang talaga sa amin,, pero alam ko.., pag sama sama kaming humarap sa laban,, kaya naman.
Overall,, naging masaya naman ang 2nd stage ng training, lalo na pag break o lunch time.. hehehe.. kasi may baong pagkain ang iba naming kasama na ni s share,,, wow.. isa yun sa mga dahilan kaya masayang maging part ng wave namin..
Madami ding mga nakaka praning na naganap.. may time na nalate ako ng isang beses.., may pagkakataon na napagalitan kami dahil sa mga scores.., behavior at sa mga cellphones.. at sa mga hinaing ng iba tungkol sa pagtanggap ng calls..
ay oo nga pala.. pag c callboy nga pala ang pinasukan namin.. kaya dapat wag magreklamo o matakot sa pagtanggap ng mga tawag,, but i have to defend my takot.., na feel ko kasi nung time na nag alinlangan ako sa pagtanggap ng mga tawag na hindi pa ko masyadong handa,, pero sabi ko nga.., dapat maaga pa lang ay harapin na namin ang mga takot namin.. para pag totoo na,.. ang tapang lang namin.. hmmp.
as early as product training.., nakatanggap na kami ng mga calls.. at sa akin.., hindi lang call.., sup call.. hala ako ang buena mano.. pero at least naranasan ko na siyang maaga.., may natutunan naman ako sa call na yun.. oo,. meron nga..
nung asa floor kami para tumanggap ng mga filtered calls.., pray lang kami ng avail avail avail at log out time.. baka ma bembang na naman kami sa mga customers na hindi alam at hindi nila dapat malaman na natututo pa lang kami kung papano lumipad
Nalampasan namin ang product training.., pero may 3 hindi na namin kasama.. nakakalungkot.., pero ganun talaga.., kaya sa buhay namin.., hindi masyadong adviseable ang maging emotional..
What comes after product training?? ang madugong nesting.., kaya super goodluck.., mag uumpisa na ang pagbaligtad ng mundo namin..