Oo.., kasama sa plano ko mag take ng board exam kahit ayaw kong magturo dahil sa pag sosolve ng grades at sa paggawa ng lesson plan at sa pagbebenta ng tocino..—mahina ako sa sales talk. Wala gusto ko lang magka lisensya para cool. Yan ang nasa utak ko habang nag aaral ako nung college.
After graduation e parang naalis sa plano ko yun.., parang ayokong mag LET <board exam para sa teachers>. Katwiran ko?? E hindi naman requirement sa kurso ko ang board.., blessing lang siya.., at pwede siyang tanggihan. Pero ang totoo ay natakot ako para sa kahihiyan ko, ayoko kong mag take ng mag take ng mag take hanggang sa kilala ko na lahat ang mga nagt trabaho sa PRC. Kasi naman, nakaka straight ng buhok sa kili kili ang mga naririnig kong mga kwento tungkol sa board exam. Para daw siyang raffle, swertihan.. kahit na cum laude ka na e maari ka pa ding di pumasa pag di siya para sayo,, e wala pa naman akong swerte sa raffle.
Oo.., duwag na kung duwag,, mahina na kung mahina ang loob.., at sabihin mo nang wala akong karapatang mabuhay at bubunutin ko ng isa isa ang mga buhok mo sa ilong pag sinabi mo yung pangatlo dahil sumosobra ka na.. Di mo na kailangang ipamukha sa akin. Alam ko okay, alam ko kung alam mo lang.
Pero pag tinatanong ng mga tao kung may plano akong mag take ng board exam,, ang sagot ko e Opo, para maisend ang message sa kanila na may pangarap ako at isa dun ang makumpleto ang pagka graduate ko ng kursong pwede kang maging guro.
At pag tinanong nila kung kelan.., sagot ko ay pag handa na ko.., sa loob ko e pag nangyari yun,, di niyo malalaman,, magugulat nalang kayo dahil nakasabit na ang aking walang buhay sa pang Ginoong Pilipinas na katawan sa harap ng TV <wow.., nanuod muna ng tV para di mainip bago malagutan ng hininga.>
Dahil wala naman talaga akong malalaking plano sa buhay ko bukod sa sumali ng Survivor Philippines at magmura ng mag mura sa mga cast aways na nag vote sa akin pag out na ko sa game at mag audition sa Pinoy Idol at sabuyan ng tubig ang judge na sasabi ng masama sa pagkanta ko, e sinali ko na plano ko ang mag take ng LET.. alam yan ng mga kaibigan ko. Pero sabi ko sa kanila.., e magiging sikreto yun pag nagkataon para naman kung hindi ako palarin e hindi ako mahihiyang lumakad ng naka speedo sa kahabaan ng EDSA habang kumakanta ng ‘Saan ako nagkamali..’
Kasama na nga siya sa plano pero hindi siya priority at plano ko lang siyang isikreto na para lang akong natae sa salawal. OO alam kong pag bumagsak ako e maaamoy nila at idedeny ko lang siya, at pag pumasa ako malalanghap nila at aaminin kong ginawa ko nga.
Lumipas ang mga LET at dinedma ko lang sila dahil nag bi busy-han ako sa buhay at nagkukunwaring may importante akong ginagawa kaya hindi ko mabigyan ng panahon ang pagkuha ng transcript sa school at pag reregister sa PRC.Tandaan pag ayaw.., maraming dahilan..
Naging call boy ako dahil malakas daw ang kita dun.., pero di ko kinaya dahil parang bumibigay ang katawan at ang utak ko sa mga nangyayari gabi gabi at madaling araw sa trabaho. Pinanindigan ko kahit nahihirapan ako, dahil nung college sinama ko siya sa plano kong gawin para mabuhay. Nung mga panahong yun e mura pa siguro ang katawan koat kelangan pang mas hasain ang utak ko sa mga kaganapan e pinili kong mag bagong buhay, pero plano ko ding bumalik pag handing handa na ko. <Para sa mga may planong mag tanong kung magkano ang singil ko e wag niyo nang ituloy. Call boy ang term naming ng mga kaibigan ko para sa mga boy na nagta take ng calls at bukang bibig ang thank you for calling>
Nagturo din ako ng Ingles sa mga amoy kimchi. Ayos naman yung experience., minsan e kelangan marunong kang magpigil na hindi masinghot ang hangin kung gusto mo mabuhay hanggang sa matapos ang klase niyo--- note: MINSAN, dahil may mga estudayante namang walang ganoong amoy at kaya namang I tolerate,, may mga kaamoy lang natin,, at may mga marunong maligo ng umaga nagbabasa ng buhok.
At madalas e kelangan mong magpasensya at ipakita sa kanila alam mo at sigurado ka sa mga pinagsasabi mo kahit na minsan e nalito ka na din dahil hinilo sa mga tanong nila.
Hindi din madali maging ESL teacher dahil ang mga kausap mo e hirap magsalita ng lengwahe kung saan kayo pwedeng magka intindihan. Alam ko.., kaya sila nandito para matuto ng Ingles pero gusto kong magsulat ng liham sa Wish Ko Lang korea na sana naman ay pabaunin ng kahit konti pang Ingles,, wag lang yes or no me at ok ok.
Oo, bilang ESL teacher ay mananahi ka din at magmimistulang construction worker. Kelangan mong tahi tahiin ang mga ideyang binigay nila sa yo para maintindihan mo sila at kelangan mong I construct sa maayos na sentence ang mga sinasabi nila para matuto sila.
Yun ang mga pinagka abalahan ko at naging alibi ko para hindi makapag board exam. Hanggang sa isang araw ay nainggit ako sa mga ka work ko na mga nursing graduates at mga educ. grads na eexcite pag labasan na ng resulta sa board exams. At dobleng inggit ko sa mga pumapasa. Kitang kita mo ang inggit sa mga mata ko na parang “ ang sarap naman ng cake na yan.., sana balang araw ay makakain din ako niyan”
Dahil gusto kong magkaroon ng karapatang ma excite pag labasan na ng alam mo na..,exam results, at para may pagkaabalahan ako pag naisipan kong mag resign dahil pagod na pagod na kong mag explain sa tamang pagbigkas ng Long at Wrong at really, ay niyaya kong magparegister ang kaklase ko nung college at pumayag naman siya. Pero may nangyari lang,, katangahan na naman at hina ng loob dahil takot akong pumunta ng PRC mag isa dahil sa mga nagbebenta ng mga pekeng metered stamps ay ginawa ko na namang dahilan nag trabaho para di makapag register kahit na medyo buo na yung loob ko na magtake dahil ayokong magtanong ng “pano kaya kung ako din nag take?? Buhay pa kaya ako?? O tinakwil na ko ng buong angkan namin dahil I’m a big F—Fa cute lang at walang alam. At yun.., mas pinili ko ang 500 pesos na incentive at hindi na muna ulet mag LET.
Pumasa ang kaklase kong inaya kong mag exam at hanggang bumbunan na ang inggit ko. isang take lang siya kaya hanga ako sa kanya. Niluto siya ng panahon hanggang sa naging handa siya at ako?? malapit na yatang maging tutong,homaygad.
Kaya pagkatapos ng 2 taon pagkatapos kong nag graduate ng college ay tinanim ko na sa utak ko na mag Le LET ako.., kung bumagsak man ako.., so be it.
Desidido man na ako ay may balakid pa din.., nabalitaan ko sa co-teacher ko na parang wala daw LET this September kasi barangay elections. Kaya nakahinga ako ng maluwag nalungkot sa nabalitaan ko. Talaga yatang di ako mag le LET this year.. buti na lang sayang naman.
Pero dahil sa mga sabi sabi paligid at sa kaklase ko,ay napag alaman kong may gaganaping board exam para sa mga guro this September. Kaya napressure nabuhayan ako ng loob pero pressured. At umandar na naman ang pagka Boy Aya ko.., nagyaya ako ng mga kaklaseng di pa nakakapag LET.. Pumayag sila.., pero ako parang nagdadalawang isip pa din ako dahil sa 500 peseos sa incentive kung wala kang absent. Nakapunta na ng PRC ang mga nakayayaan ko ay yun pa din ako at nag iisip kung mag aabsent ako o hinde.
Ayon sa naka post sa www.prc.gov at hanggang June 30 lang ang registration. Malapit nang matapos ang hunyo at nag iisip ako kung 500 o chance na dumugo ang utak magka lisensya at makumpleto ang kulang sa pagka graduate ko. .
Bago natapos ang Hunyo ay nalaman ko sa kaklase ko nung college na extended ang registration para sa BE hanggang july15 kaya yun.., hindi ko na kelangang mamili bet. Incentive and PRC day ko. Sakto naman at yung holiday dahil sa proclamation ni PNoy ng June 30 ay na move sa amin ng july 2 dahil nagpaka Gloria ang admin namin kaya nag momove ng mga holidays. Ayos naman yun,, kahit na ang lahat ay nasa SM at ineenjoy ang mga sahod nila ay nagt trabaho kami pero.. kami lang ang makaka enjoy ng 3 araw na sunud sunod na walang pasok at pwede naming lakarin ang mga dapat lakarin sa mga Gov’t offices,, ayos yun para sa akin,, din a kailangang mag sacrifice incentive.
Ako nga si Boy Aya na di makalakad mag isa kaya aya ng aya,, e na aya ko yung co-teacher ko na sumabay na lang sa akin punta ng PRC para may kasama ako dahil ayokong mag isa—minsan tanga ako sa direksyon.., baka din a ko makauwi ng Pampanga. Payag naman siya,, until, the day before us going to PRC, nag back out siya.., ala daw siyang cash dahil mas pinili niyang mag Enchanted Kingdom na lang kesa lakarin yung sa lisensya niya at samahan ako para makauwi pa din ako sa pamilya ko kahit na pumunta ako sa lugar na hindi naman ako pamilyar.
Tae.., taena talaga, mauudlot na naman ba ang pag le LET ko <kung kelan nakahanda na mga kelangan kong dalhin tulad ng mga batong ikakalat ko sa daaanan ko at pupulitin ko pag pabalik na ko para di ako maligaw> dahil kung sakali e luluwas akong mag isa sa Maynila. Nag isip ako,, at pinag isipan ko talaga siya ng maigi,, umabot ang pag iisip ko ng 2 minuto. Napag desisyunan ko na lalaban ako.. kung hindi ngayon?? Kelan pa?? OO.., napunta ako sa Now or Never situation..
Pinili kong pumunta ng Maynila mag isa.., pero nag load ako na hindi ko na madalas gawin dahil nagtitipid ako para ke Oshi.., yung notebook ko.., para mabili ko na siya,, anyway,, humingi ako ng tulong sa mga kaklase kong alam ang bandang PRC Manila over the phone,, Buti at marunong na ko sumunod ng mga instructions,, nakarating ako sa PRC bago mag 10am,, over the phone din.., ginabayan ako ng kaklase kong pasado na.. hindi ganon karami ang mga proseso.., pila lang.. at pinangako ko sa sarili ko na ayaw ko nang umulit magpa register para magkalisensya,, kaya gagawin ko ang lahat para pumasa.. handa akong magpakama sa mga judges. Siyempre joke lang,, wala namang mga judges pag board exam tama??
Habang nakapila ako.., naisip ko.., pagkatapos sumakit ang ulo ko sa mga di natin kalahi.., parang gusto ko naman magturo ng mga batang naiintindihan talaga ang mga gusto kong iparating,, kaya gusto ko na din magka license para mapag silbiham ang ating bayan.wow --parang pulitiko lang.
Nakauwi naman akong buhay, pagod, pero masaya dahil nakagawa kong magparigister sa PRC mag isa. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na sinamahan ako at ni.guide over the phone. At pakiramdam ko nung moment nay un e naragdagan na ang mga kaya kong gawin.
Araw araw ay nakikipag tawaran ako sa sarili ko kung kelan ako mag sisimulang mag review,, natapos ang july, dumating si august, at di ko pa nasisimulan ang magbasa basa at umintindi ng mga kelangan ko may bala naman ako sa kakaharapin kong engkwentro.
Kaagaw ng atensyon ko si Oshi.., siyempre bago siya at dini discover ko pa siya,, andami kong kina aliwan sa internet,, ang review?? Iniisip ko lang siya pero di ko siya ginagawa.
Sabi ng isa kong kaibigan e dapat alam ko ang priorities ko,, kaya na guilty naman ako,, paminsan minsan e binubuklat ko ang reviewer ko sa bahay at sinasagot ang mga ilang katanungan mula sa isang reviewer site sa internet. 15 minutes lang e napupunta na ang atensyon ko sa Smallville.
Last day ng August, bumili ako ng isa pang reviewer sa NBS.., pingako ko sa sarili ko na dapat wag ko nang balewalain ang pagrereview,, yung iba nga na puspusan ang pag rereview na e bumabagsak,, ako pa kaya na 15 minutes review every weekends lang??
Kelangan mo na tong seryosohin tupe,, sayang naman ang 1,400 na ginastos mo sa pag reregister, ang mga binili mong reviewers at ang kahihiyan mo.
OO.., hindi ako sumunod sa plano na isi sikreto ang pag ttake ko ng exam.., alam na ng lahat pati ng mga friends ko Friendster na hindi ko naman kilala at walang pakialam sa akin..
Dumating ang September,, sakto,, wala na ko trabaho at makaka review na ko.., pero naging kaagaw ng atensyon ko sa pag rereview si Lana Lang.. kaya di ganun ka puro ang oras na naibigay ko sa pag rereview sa last 25 days before the big day.
Araw araw.., nagc count down ako.., kinakabahan.., na pepressure,, <dahil yung pinsan kong nursing grad e RN na,, sang take lang siya.., ang galing> at nahuhumaling ke Lana Lang at ke Blair Waldorf.., ala na patay na pag rereview ko..
Nagbabasa naman ako dahil nanghihinayang ako sa mga nagastos ko sa pagbili ng mga reviewers.., kung pagkain sana nabusog pa ko.. kaya pinilit kong tapusin yung bagong librong binili ko.. hindi ako nagmemorize.., di na din kaya ng utak ko.., gahol na ko sa oras para mag memorya kaya inintindi ko nalang mga kaya kong intindihin.. at pinilit na intindihin ang mga di ko maintindihan.. kelangan kong gawin yun kung ayaw kong masiraan ng bait sa UST.
Nga pala.., tinulungan din ako ni oshi.., pag tinatamad na ko mag review, nagsasagot ako ng mga katanungan on the internet,, mas gusto ko ang Prof.Ed kesa sa Gen. Ed.
Nabanggit pala ng kaklase ko ang kapangyarihan ng C, kung di ka sigurado o di mo alam ang sagot, Choose C.., malaki ang percentage na C nga siya. At medyo napatunayan ko sa internet review ko na possible yung power of C. kaya tinandaan ko yung P.O.C isa siya sa baon ko.., pero for emergency purpose only lang siya. Mga Fresh na natutunan ko..,Stock knowledge, Comprehension, Logic, at Instinct ko ang gagamitin ko sa exam.
Lumalapit ang big Date.., bumibigat ang pressure,, kaya nag c cram na ko.
Bago dumating ang araw ng exam,, natapos ko naman ang Libro at may mga natutunan naman ako sa pagbabasa ng mga exam tips sa net at sa pagsasagot ng mga sample test questions at natapos ko ang season 3 ng smallville.
Ready or Not.. LET here I come..
No comments:
Post a Comment