i got the first stage of the training cleared.., ayos naman.., hirap lang ako sa schedule kasi kelangan ko lang lumakad ng mabilis pag uwi para may masakyan akong jeep.. kasi pagpatak ng 10pm-- yung paglabas namin., paubos na mga jeep na bibyahe pauwi sa amin.. na endure ko naman yung uwian time.. nakakadating naman ako sa antayan kung saan ako susunduin ng 11 or before 11pm.. sa dulo kasi ako ng mundo nakatira.., ang layo sa high way at kelangan mo pang bumiyahe ng pagka layo layo..
ok na sana ang pagdating ko ng 11pm.., naaasar lang ako pag mas maaga ako kesa sa susundo sa akin.. o sa kapatid ko na kasabay kong uuwi.., na iirate ako.. dumarami ang galit ko.. e dapat naman kasi pagdating ko e uwi na agad.. ayoko sa lahat ang naghihintay pauwi.. lalo na at pagud paguran ako.. maldito much?? hindi naman masyado.. may rules lang ako na valid naman na hindi nasusunod..
sa training.., ayos naman.., refresh kung refresh.. may mga bagay na kelangang matutunan ulit.. tulad ng papano hindi mabangasan sa mukha dahil sa pagka epal.. natututunan ko naman siya ng pakonti konti..
first week yata yun nung may kinorek ako sa grammar out loud.. ewan ko nga ba,, di na ako nakapag isip masyado nun,, basta sinigaw ko na lang.. do does did..-- auxiliary verb + base form of the verb.. palibhasa yun ang ginagawa ko sa huling mindong ginalawan ko.., ang magtama ng mga obvious na grammatical errors..
nagpa sorry naman ako sa taong natamaan ng hagupit ni boy grammar.. nag explain akong automatic lumalabas sa akin yun lalo na pag aux verb issues..
nagka coaching ako sa katabi ko na pareho ko ng propesyon pero may dumaan muna sa daang kelangang magpuyat.., na mejo hindi tama nag ginawa ko.., dapat daw in private na lang.., para hindi mapahiya yung tao..-- hindi ko naman intensyon mamahiya o magmayabang sa kung ano man ang alam ko.., pero parang yun ata ang nangyari,, i just created a not so good image..
feeling ko nga kung kelangang mag vote out sa training e unanimous na ako ang unang masisipa.. attitude problem much?? ewan attitude ba yun?? kung oo press 1.., kung hinde.., ililibre kita ng pizza pag nagkita tayo..
ang totoo.., nahiya ako pagkatapos nun.., feeling ko napaka insensitive ko.. pero ang intention ko lang naman talaga e malaman din ng mga mejo naguguluhan sa aspetong yun kung ano ang tama., sa akin ayos lang na itama nag pagkakamali ko sa harap ng mga learners na katulad ko.., sabi ko nga hindi pare pareho ang mga tao.. ang totoo.., sana hindi na lang ako nagsalita para mali na lang siya hangang sa may ibang magsabi sa kanya na pag ginamit mo ang do does did sa sentence.., dapat hindi ka gumamit ng past tense ng verb..
Pero anlaki ata ng epekto ng ginawa kong yun.., i just created a hater.., kasi napansin ko na yung taong yun e naghihintay na magkamali ako at kumukoment sa mga hirit ko kung may pagkakataon siya,, haaayy.. anlaki yata ng kasalanan ko..
sa ngayon.., makikita mo nalang sa mukha ko kung naka dinig ako ng mali sa grammar.. hindi mo naman mahahalata na may napansin akong mali kung hindi mo din napansin yun at npatingin ka sa akin.., ansama ko talagang tao..-- hindi ako perpekto pero may mga alam akong pakiramdam ko ay dapat malaman mo din kaya ako nag rereact minsan,, hindi para ipamukha sa yo ang pagkakamali mo.., kung hindi para hindi kana ulit magkamali dun.. kung may mapansin ka mang pagkakamali sa akin.., malugod kong tatanggapin ang pagtatama mo.., hindi ko ito pepersonalin,, tao lang naman tayo nagkakamali.., pero natutunan naman kung ano ang tama..
Natapos yung first week ng training sa isang call simulation.., and if you would ask how i did it.., palpak.. kinabahan pa din ako at may mga bagay akong nakalimutang gawin muna dahil nilamon ako ng kaba.., pero ang sabi ng nag assess sa akin na masyado daw akong sounded formal.. i just need to loosen up.. naintindihan niya wala pa akong alam sa product kaya hindi muna big deal kung ano man ang kapalpakan ang nangyari pero sa susunod,, hindi na yun mapapatawad..-- mabuti na siguro at nagkamali ako doon pa lang,, para mas tumatak na sa akin ang dapat,, =)
Well.., nalampasan ko ang stage 1.. at at stage 2?? product training,, ang medyo madugo at bawal ang tutulog tulog.. kaya naman.. sana
No comments:
Post a Comment