Saturday, October 16, 2010

The Silverscreen Beyond the Movie:Now Showing



The story happened years ago when my cousin watched a movie at the cinema for the first time with my uncle.., While they were inside the movie house.., my cousin is just quiet.., my uncle wondered if his son is concentrating on the movie. Apparently my uncle noticed that his son was occasionally glancing at the entrance door and then look at the screen.. My uncle wondered what’s really going on..,. Then my uncle asked.. what’s the matter son?? My young cousin answered.., “Nagtataka lang po ako kung pano naipasok ung malaking TV dito sa loob e ang liit lang po ng pintuan”.


At may isa pang kwento tungkol sa isang native<baluga>  na nanood ng sine.., nag freak out daw siya pag pasok sa loob kasi ang dilim.., sabi niya “ hala.., ganun pala pag nanood ka ng sine.., ginagabi ka..”, when he went out he said.., “hindi lang pala ako ganabi,, inumaga pa pala ako..”


Madaming mga kakatwang tagpo sa sine.., may ilang totoo at gawa gawa lang para pagkatuwaan ang pagka inosente ng ilang mga tao.. korni iba, pero bumebenta pa din.

The first time I saw a movie at the cinema was when I was perhaps 4 or 5 years old. I remember we watched a Robin Padilla and Vina Morales movie. Well it was good.. nothing unusual thing took place as far as my memory is concerned. I remember a chocoleit like drink and some chichirya.., malakas ung sounds at may mga  tanong akong di ko na maalala..., yun  lang.

Malinaw sa akin nun na ung image na nakikita ko sa sine e galing dun sa ilaw kaya di talaga siya tv..,  Puting pader lang o kaya puting tela ung surface kung san tumatama ilaw.. ayos pagkaka explain sa batang katulad ko nun kaya malinaw ung concept ng big screen sa kin nun.., pinaliwanag sa akin para din a siguro tumingin sa pinto at magtanong..
Nung bata ako un ang alam ko sa sine,, may malaking screen, may madaming tao at kelangan kargahin ako para Makita ko ung pinapanod ko.. kc naaalala ko.., nung hindi pa kalat ang mga sine dahil wala pang SM sa Pampanga.. kaya yun..,madami talagang tao pag may magandang movie,, kaya end part--standing room.
Hindi ko pa alam balcony nun,, kc madalas nakatayo kami kasi wala ng upuan.. naaalala ko nun sumasampa pa kami ng stairs para makanod ng sine,, siguro balcony nga un..

Habang lumalaki ako,, nagkakaron ako ng imahe ng isang sinehan,, salamat sa mga napapanod ko sa TV dat sa naririnig ko sa paligid.

Hindi lang pelikula meron sa loob.., may kalaswaan din.., kalaswaan na gusto kong masaksihan..,tingnan ko lang kung totoo..,  Balita ko may mga gumagawa ng di karapat dapat sa loob ng mga lumang sinehan.


Bilin ng mga matatanda.., huwag kayong magdala ng lansones pag manonood kayo ng sine..High school ako nung na gets ko ung bilin na un tungkol sa lansones at sine sa mga nag de date.. kaya pala ganun.. when you’re eating that fruit it feels like lips.. Bat di nalang kasi sinemplehan..,dapat ganito nalang habilin nila “wag kayong gagawa ng mga di karapat dapat na gawin pag nanood kayo ng sine,, baka di niyo maiintindihan ung pelikula kasi pag uwi niyo..,you have to submit a summary of the movie at gagawa kayo ng reaction paper tungkol sa pinanood niyo..”--- dapat ganun nalang..



Natapos ang elementary days ko e hindi na ko nakapanod ng sine,, kaya ganun nalang ako ka excited nung first year high school ako dahil manonod daw kami ng sine..Sabi ko.. yehey! Kahit hindi ko alam kung para saan panonodin namin..,
alam ko lang Philadelphia at si Tom Hanks bida.., at tungkol siya sa AIDS awareness.. Well., wala talaga akong masyadong pakialam nun.., alam ko makakanod na ulit ako ng sine after the robin padilla and sharon movie, ang concern ko lang.. ung miryenda.. Kaya nag ipon ako pambili ng snack.., I think I earned like 400+ pesos at pinambili ko lahat ung pedeng kutkutin dahil alam ko pag may sine.. dapat may miryenda.. at di naman ako mahilig sa popcorn.. 


Un na nga.., andami kong nabiling pagkain nun.. may chocolates, potato chips, candies, root beer, corn chips ,mane.., kulang nalang magbenta ako.. All throughout the movie.., kain lang ako kasama mga katabi ko.. kaya un.,. di ko naintihan ung pelikula,, nag rereact lang ako pag nag rereact ung mga tao sa sine,, at pumapalakpak pag may pumapalakpak lalo na nung may biniling pampers ung isang character sa movie,, at hanggang ngayon hindi ko maintindahan kung bakit nagpalakpakan ang mga tao sa Pampers at bakit nakipalakpak naman ako at kung ano nakakatawa sa mga scenes na nakitawa naman ako.. alam ko lang,, dina na masarap ang rootbeer pag din a malamig.., nakakasawa at ang alat pala ng malaking tostillas na super cheese flavor at hindi magandang ideya ang kumain ng tunaw na chocolates sa makulimlim na lugar.. kasi naman.., ginawa ko daw picnic ung movie watching.. mali pala ung pagkakaintindi ko sa snack at sa pelikula.. –at ngayon di ko maalala kung pinagawa nga ba kami ng reaction paper o pina summary ung movie.., malamang di ako nag submit o kumopya lang ako sa katabi ko nun na hindi masyado nagmeryenda. 

After that movie-miryenda experience, hindi na ulit ako nakanod ng sine kasi kahit tv lang solve na ko..,at may video city naman nun kaya ayos lang.. Pero nun.., nung kasagsagan ng EDSA dos.., habang pinababa ng mga Pilipino sa pagka pangulo si Erap e sinubukan akong ilusot para manood ng balahibong pusa ng kasama kong nakakatanda sa akin.., dahil menor de edad.., di ako pinalusot.. Tapos nung tumakas kami ng isa kong kaklase sa practice para sa graduation e tinangka naming manood ng pelikula ni maui taylor at katya santos.., --un dahil ata naka uniform pa ata kami kahit na nakabili na kami ng tickets e pina refund nalang sa min ung binayad namin.., kaya nung 18 years old nalang ako ulit nakanood ng sine pagkatapos nung nagmeryenda ako sa pelikula ni tom hanks.., approximately after 5 years siguro un..  At hindi porket 18 na ko e mga pang 18 pinanod naming nun.., naalala ko pa ung first movie I’ve watched at SM cinema.. So Happy Together at Enteng kabisote.. Mula nun,, e naging panata ko na manood ilang pelikula na kasali sa MMFF every year.., at wala akong namis ni isang Enteng Kabisote. <apir*>

Nung mga unang pagkakataon na asa loob na ko ng sinehan na hindi na bata at hindi puro estudyante at mga guro kasama ko e para akong timang na lumilingon lingon occasionally.., wala.., chine check ko lang kung totoo nga bang may kumakain ng lansones lalo na pag dumidilim paligid… at medyo nahiya din sa kakalingon kasi akala ng mga lovers ay iniispatan ko sila kahit totoo naman.. un.., nagsawa ako.. kasi wala naman akong nahuli.., either sa magagandang eksena sila naglalansones o mabilis.., o sadyang wala naman talagang ganun sa mga SM at Robinsons Cinemas.





DI ba nakakaasar ung nanonood ka ng sine tas may maingay sa paligid mo?? Kasi,, di ka makaconcentrate sa movie., lalo na pag English pa ung pinapanod mo.. , I had experienced that a lot of times. Kung makikipag kwentuhan ka lang.., dapat sa Physics at Math class nalang.., wag naman sa sinehan. Pero ung mga nagk kwentuhan.., pede naming bawalan pag nagparinig kana at sige pa din sila.., but there was one time, nanonood ako ng ayos na movie,, may maingay.., gusto mang paringgan sa kakaubo kunwari e di ka madidinig,, kasi tulog.. anlakas ng hilik.. ayaw naman naming lumipat ng lugar kasi ossupied na ung maayos na pwesto,, ung available na lang ung mga nakakalulang part.. kaya na choice kami,, nagpakalula nalang kami,, haha

Hindi ko lang maintindihan nun e bakit may mga natutulog pag nanonood ng sine.., until ako na mismo nakatulog sa gitna na isang pelikula.. unang dahilan.., puyat.. , --minsan kahit na gaano pa ka intresante ang pelikula kung kulang ka sa tulog e makakatulog ka talaga sa sinehan., kasi,, madilim, malamig, at walang istorbo dahil focused mga tao sa pelikula at sa miryenda,, ansarap matulog..
Tapos isa pang dahilan.., boring ung movie.., hindi pasok sa tipo mong pelikula.. –kasi  kahit gaano ka pa kagising.., kung boring ung movie makakatulog ka sa kalagitnaan ng pelikula..

So far.., I have Top 4 unforgettable movie house experience kasi may mga naranasan akong first time sa mga un..

4. nung nanood kami ng kami ng kaibigan ko sa iMax theatre.., kahit na Madagascar 3 at 2D lang ang palabas nun.., ay pinatulan na namen.., kasi gusto ko talagang manood sa iMax.. ayos un.. sobrang laki ng screen,,at ung mga seats panalo.. tsaka pala bago ka pumasok e mamimili ka na ng upuan mo.. wow ang gara.. at bawal lumipat ng upuan.

3. nung nanood kami ng mga estudyante kong kalahi nig Gu jun Pyo ng 3D.. Shrek 4 pinanood siyempre first time ko manood ng 3D e.. una wala akong makitang pinagkaiba maliban sa not so fashionable shades na pinasuot sa min, pero nung tinanggal ko ung 3D glasses e nakita ko na ng malinaw ung pagkakaiba ng normal at nung 3D.. sa 3D parang asa box pinapanood mo.. parang pede kang pumasok sa loob ng screen,, at may effects na parang lumalapit say o ung mga characters.., sa shrek.., parang lumalapit talaga say o ung mga white horses.. parang bubungguin ka ka nila at parang pede mo sila mahawakan

2. nung inaya crush na manood ng movie,, First time pumayag ni crush na manood kami ng sine.., eeee kilig parang high school haha.. kahit ayaw ko yung movie kasi di naman ako fan nung mga bida sa pelikula pero sabi niya yun yung gusto niya panodin.., yun nanood kami ng movie.., pero magkaibang sinehan.., kaya unforgettable sa akin ung line na  “Sana ako nalang ulet”.

1. Nung nanood ako ng pelikula pero hindi ko na maalala eksakto kung ano un,, BFGF siguro un.., nung nananood ako pero biglang gusto kong umihi.. un nagmadali akong pununta akong c.r.., un,, natapos at nagsasalamin ng biglang may pumasok na babae,, lumabas ako.., adik,. Mali palang CR napasukan.., kaya pala walang urinal para sa mga lalake,, bat di ko nahalata nung una un?? –First time kong umuhi sa CR ng mga babae.. ayos lang kung inisip nilang tagalinis ako ng CR na hindi naka uniform at walang dalang panlinis.. =)

Nanonood ako ng sine..
  1. pag gusto kong makipag bonding sa mga friends ko kahit wala munang bati bati pag nakasalang na ung pelikula, ewan ko.., I find it a good bonding activity.., kasi pagkatapos ng movie mag rereact na kami sa pinanod namen..
  2. pag gusto ko talaga ung movie.. kahit mag isa ako.. sige,, ayos lang mag sweet sweetan man ang mga may kapareha.., hindi ako masyadong maiinggit,, I went ti the movies for the movie, not to mind some sweet sweetan people.
  3. pag gusto kong mapag isa.. at mag release ng stress.. sine lang ako kahit walang kasama
  4. pag may nagyaya at libre niya.. =)
…ikaw anong dahilan mo pag nanonood ka ng sine??


Yan ang sine., madilim <nung bata ako pinapatay nila ang ilaw pag gabi habang nanonod ng tv tas sinasabi yan.., parang sine..>, may malaking tV. Some people call it cinema, movie house, movie theatre, big screen at the movies.. Pampalipas oras.., pang aliw.., at pang bonding time ng mga nag de date at mga magkakaibigan at ng buong pamilya..
 medyo hilig ko na manood ng sine.. lalo na pag Harry Potter., Spiderman, at Enteng Kabisote yan.. iba kasi pag sine e,, andaming tagpo na hindi mo makikita pag nanood ka lang sa pirated na dvd. Pero wala nga kayang naglalansones sa SM at Robinsons Cinemas??


No comments:

Post a Comment