Thursday, October 14, 2010

Para Po!: minsan ayoko, pero kelangan


Thursday, October 14, 2010


We do some things not because we want them to but because we have to. One of which I can think of.., is riding a jeepney. It’s not what we want to do everyday but we just have to; to get to school and get to work..

Sino dyan ang hindi pa nakakasakay ng dyip?? Swerte niyo kung hindi pa.., malamang may sarili kayong sasakyan o malapit lang kayo sa school., work,, o sa palengke. o di kaya.., wala kayo sa Pilipinas

Wala namang pilitan sa pagsakay ng jip.., di naman siya mandatory pero kung wala kang budget parang mandatory na din siya kung ayaw mong maglakad

I’m not saying na pangit sumakay ng jip it’s just that I have experienced some things na sa jip mo lang mararansan.. and i do not want them.., they are beyond my control.


Kung tatanungin mo lahat ng mga jeepney commuters, they  will cry for one thing,, siksikan sa jip lalo na pag sa station ka sumakay. kahit na 7 passengers lang ang capacity ng jip.., they will fit 8 people in it. pano pa kung may healthy kanga kasabay?? Kawawa naman ung huling passenger,, wala siyang lugar,, ipagsisiksikan niya literally ang sarili niya to fit in kasi gusto na niyang umuwi.. ehem,, palagi ko pong naeexperience yan kasi ayoko naming maghintay pa ng matagal.. kasi naman,, hindi aalis ang jip hanngat hindi pa siya nag uumapaw.. at kadalasan ako nga ang pupuno sa magic 20.

May mga jeepney drivers na pagong magpatakbo,, dahil nangdadagit sila ng mga pasahero.. madalas sila ang dahilan kung bakit nale late ang mga taong tantyado ang tamang bayahe,, isa ako sa mga kalkulado ang oras kung kelan dapat ako mag abang ng sasakyan, kung ilang oras byahe.., dahil ayokong maging sobrang aga sa work,, pag natyempuhan ko ang mga magdaragit.., patay ako dyan,, tapos yung susunod pang jip na sasakyan ko e magpapakarga ng fuel/ magpapabarya ng bills.. ang sarap lang magwala pag nararanasan ko un..

Nung minsan.., sobrang swerte lang ako sa mga jip na nasakyan ko.., ung una,, hindi dumating sa oras na alam ko.., siguro napa aga ng dating ung isa kaya akala ko na late siya,, o siguro tamang oras lang sinunod ni manong sanay lang ako sa late,, anyway un nga,, naghahabol na ko ng oras.. tapos nag leak pa ung tangke ni manong,, amoy gaas talaga ung jip.. yosi nalang kelangan sasabog na siguro kami.. kaya ginawa niya muna. Ang mga late na passengers e nagmumura sa isip nila,, ung iba nag tryke nalang.., ako di naman ako makaalis kasi 100 ung binigay kong pambayad.. di pa niya ko sinuklian.. sinubukan kong mag refund pero sabi niya sandali nalang.., hayun 15-20 minutes niyang kinalikot ang dapat kalikutin.., tas ung susunod na jip na sinakyan ko e nagpa gas.. tas ung pangatlong jip.., na trap kami sa may intersection dahil naabutan kami ng pulang traffic light,, haay super late ako.. ang pangit tuloy ng umaga ko nun..

May nasakyan din kami ng kaklase ko nun,, na hindi naisakay ang mga pasaherong gusto niyang dagitin sa daan dahil nagmatigas ang ilang pasahero na wala ng pwesto at pilit ni manong na kasya pa siya.., may pasahero na nag sabi wala na talagang lugar.., kaya hindi sumakay ung package deal na pasahero,,<package deal na pasahero- sila ung mga pasahero na hindi sasakay kung hindi lahat sila makakasakay.. all or nothing-- package deal passengers.bow> Ang resulta nag tantrums si Manong.., muntik na kaming hindi maka uwi ng buhay.. napanatag lang ako nung andun na kami sa lugar na malapit sa Ospital.. kahit may mangyari man sa amin,, may pag asa pang maligtas ang mga buhay namen..

Nung estudyante naman ako.., ayaw kong nagbabayad ng buo ang pera ko.., kasi hindi na binabalik ung 2 piso na sukli.. ewan ko kung nabingi lang si manong pagka abot ng pamasahe at hindi niya napansin na naka uniform ako at nagsabi.., “ma.., istudyanti pu”. Konsumisyon sa iba ang sukli nila.., ilang reminder na hindi pa binigay ni manong.., e andami naming nagbayad ng barya,,

Isa pang karaniwang hindi magandang experience sa pagsakay ng jip e ang tawad na ibibigay say o ni manong kahit di mo naman hinihingi.. Ganito.. papara ka pero hindi titigil si manong hanggang sa lahat ng mga tao sa jip e papara para sa’yo.. mga sang kanto lalakarin mo pauwi sa inyo o papunta sa istasyon ng tricycle. Hindi ko naman masyadong masisi si manong driver siguro kasi focused siya kaya hindi ka niya marinig o iniisip niya kung ano ulam pag uwi niya..

At hindi puro kasalanan ni manong driver kung bakit hindi maganda ang jeepney experience ng mga commuters. Minsan,, kasalanan din ng mga pasahero..

May mga pasaherong OA kung mag kwentuhan sa jeep…, akala mo., sila lang ang tao dun,, pagbaba mo.., memorize mo na mga hinaning nila sa buhay at kung anong gagawin nila pagbaba nila.. ingay ingay nila.. akala mo asa classroom lang sila..

May mga pasaherong <sori po*> araw araw new year sa kanya,, the fireworks.. ang lakas pa ng loob na humawak dun sa hawakan..

May mga pasaherong gustong pumwesto malapit sa pintuan.., ayaw nilang umusog kahit sa terminal pa sila bababa,, ewan ko kung mahiluhin sila, takot kung may holdapan, mag wa wantutri para mabilis silang makapuslit, o tamad silang mag abot ng pamasahe..
oo,, may valid reason ang iba at hindi ko naman nilalahat ang mga trip pumwesto malapit sa pinto.

May mga pasahero din na kahina hinala ang kilos.. kaya freaked out nag ibang mga nakasakay kasama na ako.., e papano lasing si kuya at ang sama makatingin..

Hindi lang puro kaasar na tagpo ang mararanasan mo sa jip.., minsan may mga nakakatuwang pangyayari din..

Una na dyan ang pagpapakita ng pagka pinoy natin.., minsan pag nagkasakay ang mga magkakilala kahit hindi close,, ay mag uunahan sila kung sino mga magbabayad.. ang sweet nun a..
Tapos ayos lang pag may maganda kang makasakay.., ansarap lang tumitig sa kanya.. sana mauna ka na lang bumaba sa kanya..

At may mga magagalang na drivers din na nagsasabi ng please at ang pleasant lang.. at merong mga ilan na didistribute agad sila ng sukli.., di mo na sila kelangang iremind.

May mga kakatwang tagpo din tulad nito..

Pasahero:SM po dalawa..<Si pasahero nag abot ng 1OO.. >
Manong: May piso po kayo??
Pasahero: heto po.., pakiabot po
--Paglipas ng ilang sandali ng makuha na ni pasahero ang sukli..
Pasahero: <galit ang tono> Pasahero: Manong magkano po sa SM??
Manong: 18pesos po..
Pasahero: <galit pa din ang tono> e bat 65 lang ho ito?? Dalawa po kami..
Manong: akin na ho
Pasahero:<inabot>
Mga Tao sa jip: <nag isip at nag compute.., ako kinuha ko cellphone ko para mag compute.. 18x2=36 100-36=64 --64+1=65> <sabay sabay sa utak.. TAE! Anong problemq neto?? >
Manong: Ito nap o ung sukli.., paki suyo po
Pasahero;<binilang at nakibilang din ako.., 64 sila.., tas tahimik na si pasahero>
At nadinig kong nag bulungan ang mga katabi ko sa nagyari.., si manong pasahero.., tahimik.., narealize na niya siguro ang totoong nangyari.. nalugi siya ng piso.. di naman kasalanan ni manong driver un
Haha.. lalo pag may ganyang mga tagpo..,minsan ansarap sumakay ng jip

Yan ang mga jeepney encounters,, at sa Pilipinas mo lang sila ma experience.. kasi wala sila sa ibang bansa nyan.. may mga nakakaiksi ng buhay at may mga nakakatuwa naman,, pero overall, malaking tulong sila kasi imaginin mo walang jip.. hasel siguro..

sabay sabay.. Para po!

No comments:

Post a Comment