To say that I'm happy after I saw my name on the list of the Sept.26 LET survivors would be an understatement.
Magdamag akong di nakatulog pagkatapos kong malaman na pasado ako.., titig lang ako sa exam result at binantayan ko yun baka kasi kung matulog ako e may magtanggal nun..
Titig.., ngiti.., titig.., pikit mata.., titig.., ngiti.. yan lang ang ginawa ko.. di pa din ako makapaniwalang kung papano at napasama ako sa mga mapapalad na nakapasa..
Hindi na ko magtatanong pa kung papano ako pumasa baka kasi ngayon din ay i recheck ang papel ko.
Ilang araw akong lutang at bukas lang ng bukas ng mga sites kung saan may exam results para tingnan kung andun lahat ang pangalan ko.. Basta.., ngiti lang ako pag naiisip kong I’m in a no dream sequence.. this is really happening. At nagdasal pa din ako nun kahit siguradong pasado na ko, na sana, wala namang lumabas na balitang nagka leakage, kung hindi papasabugin ang tumbong ng kung sinuman ang pangahas na nagkalat at gumamit ng leakage sa exam. Kasi ako malinis., utak lang at sex appeal ang ginamit ko sa exam, tas sinamahan ko ng sangkatutak na dasal.
Pero kapag tinitingnan ko pangalan ko.., sinisigurado kong LET results nga binabasa ko at hindi resulta ng drug test. Yun naman kasing test na yun, kahit na hindi na ko mag aral at hindi ko i.take.. alam kong papasa ako dun. Nagpapatawa lang. mabuti na at malinaw, baka kasi may taga PRC na makabasa neto, baka irevoke yung license ko kahit di pa siya narerelease. – wala pong bakas ng droga sa dugo.. inborn lang ang pagka adik.
Nag flash back sa akin mga pinagdaanan ko sa tuwing nakatitig ako sa pangalan ko sa exam results.., andaming balakid, Hiya, pagdududa sa kakayahan, at ang kakulangan sa preparation, pag atras ng kasama ko sanang pupunta sa PRC.., pero buti nalang at di ako nag paapekto this time, kung hindi, hindi ko ma eexperience to. kaya ngiti ako hanggang batok.
Dahil sa inggit at sa mga taong nasa paligid ko na tumulak sa akin para maging matapang e naging possible ang akala ko ay hindi mangyayari sa buhay ko.
Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng tagumpay ko. Wow.. feeling best actor awardee lang..
Ke Mama na sinasabihan akong mag review pag nakikita niya kong nagf facebook at nanonood ng TV. Buti at di niya hinampas sa akin ang notebook ko sa mga pakakataong dapat review ang inaatupag ko.. kung di.. iiyak talaga ako.. ang mahal ng notebook ko e..
Sa pamilya kong andiyan sa likod ko kahit anu man ang mangyari sa akin.
Sa mga Tita kong sumuporta sa akin sa pag aaral ko nun.
Ke Tita na nagsabing kina R nalang ako makitulog night before the exam para di ko na problemahin kung saan ako tutuloy night before the exam.
Sa Pinsan ko at sa kanyang kabiyak na si R na pinaramdam sa akin na ayos lang na makituloy ako. kahit mejo nag aalinlangan ako nun dahil hindi pa yata kami nakapag usap ni R bago pa ako makituloy sa kanila. Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko at hindi ko pinansin ang hiya,, kasi kung nagpatalo ako sa pakiramdam na yun, malamang sobrang na stress ako before the exam dahil maghahanap pa ko ng matutuluyan sa isang lugar na di naman pamilyar sa akin,o hindi ko na lang sinipot yung exam. Biruin mong hindi siya umuwi ng weekends para may matuluyan lang ako.. I know thank you isn’t just enough. Ambait, buti at hindi nasayang ang sacrifice niya..
Sa kaklase kong si S na inistorbo ko ng halos buong araw nung nagpunta ako ng PRC mag isa.., siya ang gumabay sa akin over the phone sa kung anong kelangan kong gawin para din a ko magtanong sa mga nagpaparegister sa PRC at makipag textmate. Isa siya sa mga pinag hugutan ko ng inggit dahil nauna siyang humarap sa laban kesa sa akin at nagtagumpay.
Sa lahat ng mga guro ko..
Ke Ma’am H, Ma’am D, at Ma’am L na naging mga English techers ko nung H.S kaya dina bago sa akin ang pagdanak ng dugo pag while having class. Mahigpit kasing pinagbabawal sa mga klase nila ang magsalita ng ibang wika lalo na kung iniimbento mo lang ang pagiging Chinese mo at kumakanta ka lang pala ng butsikik. EOP, English O Piso kami sa klase ni Ma’am L, magbabayad ka ng piso sa bawat hindi ingles na sabihin mo pag nahuli ka--EOP; Ke Ma’am H., wala atang charge at hindi naman masyadong mahigpit,, nabanggit ko lang siya dahil isa sa mga all time favorite teachers ko, ambait kasi at ayos magturo. Sa Klase naman ni ma’am D na balita ang pagiging mahigpit e tikom ang bibig naming pag hindi English sasabihin namin, may charge din ata sa klase niya Dahil bawal magsalita ng Vernaculars na akala ko e telescope nun, naging bihasa ako mag sign language at naging man to beat ako sa larong charades . ^^
At para makumpleto ang mga English teachers ko nung high school., sama na natin si Ma'am G. na bumatok sa akin nung sinubmit ko sa kanya yung draft nung essay na ginawa ko kasi nawala yung isusubmit ko sa kanya, hindi ko alam kung sinabotahe ako o burara lang talaga. pero nawala yung pinaghirapan ko e, kesa naman walang maisubmit, yung draft na lang kaya ang pangit ng sulat ko at puro bura bura. Akala ni Ma'am G. e ganun talaga ako magsulat sa personal.Sinumpa ko siya ng ilang buwan kasi umalog yung utak ko sa pagbatok niya, pero pinatawad ko din siya dahil binigyan niya ko ng suman,, Salamat sa kanya, dahil dun, pinag igihan ko ng konti ang hand writing ko. Oo dahil sa suman naging pang architechture student ang sulat ko. joke lang sa arki student hand writing part. pero totoong nag improve ang sulat ko dahil sa suman.
At para makumpleto ang mga English teachers ko nung high school., sama na natin si Ma'am G. na bumatok sa akin nung sinubmit ko sa kanya yung draft nung essay na ginawa ko kasi nawala yung isusubmit ko sa kanya, hindi ko alam kung sinabotahe ako o burara lang talaga. pero nawala yung pinaghirapan ko e, kesa naman walang maisubmit, yung draft na lang kaya ang pangit ng sulat ko at puro bura bura. Akala ni Ma'am G. e ganun talaga ako magsulat sa personal.Sinumpa ko siya ng ilang buwan kasi umalog yung utak ko sa pagbatok niya, pero pinatawad ko din siya dahil binigyan niya ko ng suman,, Salamat sa kanya, dahil dun, pinag igihan ko ng konti ang hand writing ko. Oo dahil sa suman naging pang architechture student ang sulat ko. joke lang sa arki student hand writing part. pero totoong nag improve ang sulat ko dahil sa suman.
Ke Ma’am P. na naniwalang kaya kong pumasa. Naaalala ko nung nakasakay ko siya sa dyip at nangumusta kung magta take daw ako ng LET, sabi ko hindi po busy po kasi ako nung filing., sabi niya, try mo mag take, kaya mo yun. Wow at biglang lumaki ang ulo ko nun. hulaan niyo nalang kung saan banda.. ^^
Ke Sir B. na sobrang naging impluwensya para pag igihan ko ang lahat. Na challenge ako sa sinabi niya sa akin nun nung nag enroll ako sa isang major subject na pang 4th year kahit na 3rd year palang ako kasi irreg student ako.., transferee e. Pede naman kasing kunin yun kasi tapos ko na yung isang major na pang 3rd year. Tinanong niya ko kung “ are you sure you are taking subject?” Ngumiti lang ako para di ako maihi dahil kinabahan ako sa tanong niya.., What if hindi, Pero nagtanong siya ulet ng same question. This time, sumagot na ko ng Yes Sir, at yuko para di niya mapansing naiiyak na ko at gusto ko nang I drop bukas na bukas din ang subject na yun. Pero dahil alam ko naman na di niya ko pababayaang malihis ng landas e tinuloy ko ang subject nay un kahit na pakiramdam ko minsan e left out ako sa discussion kasi alam na ng mga kaklase kong seniors ang tungkol sa mga yun, plantsa na lang sila, ako kelangan pa kong labhan. Pero nakahabol naman ako.. Idol teacher si Sir. Dahil sa kanya, somehow, I considered teaching to be a career I want be to like him though I know marami pa kong kelangang matutunan at maranasan.
Ke Ma’am T. na binugbog kami sa mga performances.., siya yung isa samga teachers na ayos mang hostage ng mga grades. Ang drama, kung di niyo gagawin yan, wala kayong finals.. –ma’am peace po ^^. dahil sa kanya, natanggal hanggang sa 2nd layer ang mga hiya namin sa katawan, dahil din sa kanya e muntik na kaming magsaksakan magka kaklase dahil sa movie na pinapagawa niya sa amin na hindi namin maumpisahan, script palang kasi e di namin mapagkasunduan,, nagmakaawa na nga kami nun sa bahay niya pero hindi kami pinagbigyan na mag play nalang. Dahil dun naranasan kong maging writer kaya andaming imperfections ng debut movie naming pero dahil sa pinagawa niya, nararagdagan ang mga kaya naming gawin tulad magpacute at mabulol sa harap ng camera at sumira ng camera dahil sa mga acting namin na halatang ang iba ay di pa graduate sa mga dula dulaan days. Dahil ke ma’am R. din, naibenta namin ang kahihiyan naming sa halagang 2,000 php nung pina join kami sa isang dancing competition. We landed 3rd. kasi tatlo lang kami naglaban laban. Ang hilig magpagawa ng mga kung ano anong bagay ni Ma’am R. kahit na nag rereklamo kami at SSShhhh,.. wag kang magsusumbong kung kilala mo siya ha?? pinag uusapan na hindi siya masyadong mahilig mag discuss kaya kung ano anong pinapagawa niya sa amin,e wala kaming nagawa kung di gawin ang mga pinapagawa niya.. Accept lang kami ng mga acting projects kahit di kami taga performing arts at gawa lang kami ng mga projects na minsan we find it so pambata, siguro kasi nalaman niyang di ako gumagawa ng mga projects ko nung elementary. Pero In the end nakita ko din naman purpose ng mga lahat ng pinagawa niya sa amin para mas tumatak ang mga pinag aaralan namin at para maragdagan ang mga bonding moments namin at para masanay kami sa atensyon at hindi mahiya sa mga tayo. Dahil ke ma’am R. natutunan kong huwag bumitiw kung hindi kelanman e hindi mo na magagawa ang dapat naranasan mo kung kumapit ka lang. Accept lang ng mga challenges na akala mo ay di mo kayang gawin.. pag ginawa mo kaya mo, pag hindi tamad ka lang o duwag,, kasi kaya mo yun e.
Sa mga kaibigan ko hindi ako iniwanan. Sila yung isa sa mga nagpapalakas ng loob ko.
Ke D. na niremind ako na magreview. Siya yung nagsabing dapat alam ko mga dapat unahin.. kasi pede naman akong magsawang manood ng mga series at movies after the exam. Nahiya naman ako sa kanya,, sa kanya kasi tumitingin nun pag exam na pinag uusapan. Sa kanya ako kumukopya nun pag hindi ko alam isasagot ko sa mga quizzes at exams nung h.s kahit ang liit ng sulat niya at super guard. Nakakapuslit ako ng mga sagot minsan at nahuhuli niya ko, buti ni minsan di ako sinuplong. Isa si D sa mga maagang nagturo sa akin kung papano tumayo sa mga sariling paa. At isa din siya sa mga impluwensya ko kung bakit malakas ang pananalig ko ke Lord.
Ke Z. na cool lang. Siya ata yung unang sinabihan ko na babagsak ako sa exam right after taking the test at sabi niyang “ hindi yan”. At siya din ang nagsabing hanggat ala pang resulta, hindi pa ko bagsak..nakaka good vibes pag siya na kausap ko tungkol sa board nung hindi pa nirerelease results. Basta positive lang siya. Nakaka uplift kahit na tanggap na tanggap ko na ang pagt take 2 ko sa exam.
Astig magbigay ng kompinsya at sumuporta ang mga kaibigan ko, hanggang sa dulo, walang bitawan.. Salat man ako sa mathematical skills, i know i can count on them like 1,2,3 as they can count on me. no wonder hindi ko pa naiisipang magpalit ng mga kaibigan..
Sa mga iba ko pang kaibigang nagsabing kaya yan, at sinasama ako sa mga dasal nila..
Sa lahat ng mga taong naniwalang kaya ko bago ko pa paniwalaan ang sarili ko na kaya ko nga, Kung pinapalakas niyo loob ko ang dahilan nun.. it worked ^^
Sa taong unang nagbalita sa akin na pumasa ako na hindi ko pinaniwalaan,, sorry, kasi kahit naman sino atang magbalita sa akin nun e pagdududahan ko ang kredibilidad ng balita nila. Nagkataong ikaw yun at hirap lang talaga ako maniwala hanggat di ko nakikita na totoo nga. Sanay kasi ako sa mga nagt trip. Sensya na..
Sa mga reviewers ko na pinansin ko lang nung ilang araw nalang bago ang exam na at ibinigay ko na sa kapatid ko right after the test. Aaminin ko, dahil pag nakikita ko sila e naaalala ko ang lahat ng mga mapapait na naranasan ko sa kamay ng LET. Ayoko kasing makita ang mgamali kong sagot na andun sa mga reviewers baka mabangasan ko ng matindi ang sarili ko dahil hindi ako nag aral ng maayos. Nung mga panahong di pa narerelease ang exam results, naasar ako pag nakikita ko sila kasi asa kwarto lang sila ng kapatid ko kaya madalas e tabunan ko sila kong ibang libro. Pero after seeing my name on the passers' list e kinamusta ko yung 2 reviewers at nginitian at nagpasorry,, buti wala silang buhay kung hindi katakot takot na sumbat maririnig ko. Ngayon, kung kelan wala ng exam, pinapansin ko na sila at nginingitian. Minsan e kinakantahan ko pa sila at hinahainan ng prutas at itlog pagdating ng ala sais ng gabi
Sa taong unang nagbalita sa akin na pumasa ako na hindi ko pinaniwalaan,, sorry, kasi kahit naman sino atang magbalita sa akin nun e pagdududahan ko ang kredibilidad ng balita nila. Nagkataong ikaw yun at hirap lang talaga ako maniwala hanggat di ko nakikita na totoo nga. Sanay kasi ako sa mga nagt trip. Sensya na..
Kahit sa unang site na sa una e pinagdudahan ko din ang kredibilidad kaya naghanap ako ng ibang source., Di na talaga nakumpleto yung saya ko nun hanggat di ko ako nakakita ng isa pang source..
Sa mga reviewers ko na pinansin ko lang nung ilang araw nalang bago ang exam na at ibinigay ko na sa kapatid ko right after the test. Aaminin ko, dahil pag nakikita ko sila e naaalala ko ang lahat ng mga mapapait na naranasan ko sa kamay ng LET. Ayoko kasing makita ang mga
sa aking sex appeal ako na kahit minsan man ay di ako binigo pag tipong nilalaglag na ko ng utak ko . Parati niya kong sinasalba pag hindi na gumagana ng maayos ang utak ko.
sa aking naging inspirasyon, salamat sa pagbuhay uli ng natutulog kong puso. mahal pa din kita kahit kasal ka na. Lana lang. at sa bagong inspirasyon ko.., magkikita din tayo..
Sulit hanggang sa huling patak ang tulong, suporta, mga tinuro at lahat ng mga naibahagi niyo sa akin.. Iniaaalay ko po sa inyong lahat ang tagumpay na to dahil di ko to kinaya kung mag isa lang ako.
Maraming Salamat Po !!
Alam kong umpisa pa lang to ng mas malaking laban.., pero hanggat asa likod ko kayong lahat, wala akong di makakaya..
Ikaw na magta take.., takot mag take, at ayaw mag take ng board exam.. kaya mo yan.. ako nga kinaya ko kahit na hanggang ngayon ay nagtataka ang mga taong nakakita ng mga ginagawa ko nung mga panahong dapat ay nag rereview ako.
Hindi mo talaga malalaman na papasa ka kung di ka naman mage exam.. Mamamatay ka lang sa inggit at lalamunin ka kakulangan ng tiwala mo sa sarili mo.. Hanggat takot kang bumagsak.., hindi ka pa nakahandang pumasa.. tapang lang..
Ibinibigay lang talaga ni Lord ang blessing sa mga taong handang tumanggap nito. Tinitingnan niya kung gaano ka kahanda at kung gaano mo ka gusto ito.
Natural ang mabigo, pero pwede namang bumangon. Huwag kang matakot.., hindi ka nag iisa sa laban.. may mga taong naniniwala sa yo.. dapat ikaw din, maniwala ka sa sarili mo.
No comments:
Post a Comment