Tinatanong ni batang pinsan si Tita kung ilang bilog daw ba ang ilalagay para ma access yung computer nila na nilagyan ni Tita ng password. Akala ni batang pinsan e sa bilang lang ng bilog nagkatalo sa password..
Nilagyan ni Tita ng password ang pc kasi pag wala daw siya ginagamit ng mga pamangkin niyang adik sa Friendster ang pc ng walang permiso niya.., tsaka daw bumabagal ung computer niya dahil sa mga nakikigamit.., kasi daw pag nasira ang pc siya ang magpapagawa,, in other words, pinipigilan ni Tita na mag prosper ang cyber social life namin.., pero minsan pag nagpakabait kami at asa mood siyang maging mabait kasi nautusan kami.., e binubulong ni tita yung password sa amin,, minsan pag sinumpong siya ng inis.., pinapalitan niya.
Ako naman, First year college nung una akong makakita ng naglo log in sa Friendster. Akala ko yung password ng kaklse ko ay puro asterisk. Inisip ko, bat ganun ang password niya,, andaling tandaan hanggang sa ako na ang magkaron ng sarili kong account at napansin kong kahit anong I type mo sa field na yun e puro asterisk ang lilitaw.
Minsan nung nag lolog in si batang pinsan sa facebook e super takip siya sa keyboard baka daw mag peek ako at baka malaman ko yung p/w niya. Little did he know na di niya nalipat yung cursor sa password field kaya litaw na litaw ung password niya at basang basa mo. Tinukso ko siya,, “haha.., takip ka ng takip sa keyboard e pinakita mo naman sa screen ung p/w mo. Vinerify niya kung alam ko talaga.., sabi ko oo.., nakita ko e.. <which is not true kasi ambilis niyang pinindot yung backspace nung mapansin niyang litaw sa monitor ang secret code niya>. Lumabas si pinsan para itanong sa mama niya kung masama daw ba pag alam na ng iba ang password mo. <bata pa kasi si pinsan, ang alam lang niya, hindi mabuti pag nasilip ng iba p/w mo kasi yung bilin sa kanya>. Nag alala si pinsan na baka buksan ko yung account niya at ibenta ko ang mga naipundar niyang bahay sa Farmville.
Password.. isang bagay na dapat ikaw lang ang nakakaalam.., bawal ipagkalat.., bawal ipagsabi., kung ayaw mong access ng iba account mo at ang pc mo,,
Understandable naman sa bank account o sa atm account kung kaya dapat ikaw lang may alam ng secret code mo.., at kung may mga malulupit kang sikreto sa mga social networking sites <tulad ng mga hubad na larawan at mga malalaswang mensahe na hindi mo binubura> o isa kang sikat na personalidad..
Pano kung hindi?? Importante pa ba na hindi ma access ng iba ang account mo?? Kung wala ka namang tinatagong kung ano man.., anong halaga ng secret code?? Nangangahulugan bang ayos lang na ipagsabi ko sa iba ang p/w ko e wala naman akong tinatago.
Galing ako sa isang trabaho kung saan importante ang seguridad.., andami naming tools na kelangang buksan at nangangailangan ng password at paminsan minsan.., kelangan kaming magpalit ng mga p/w.. at mahigpit din verification namin sa mga customers.. dapat maipasa nila mga verification na itatanong namin sa kanila.. Pag hindi.., magsosori kami at hindi naming sila maeenterrtain kung hindi pag general concern ang dahilan nila ng pagtawag. May mga nag iinit ang ulo pag ganon.., lalo na pag nakalimutan nila daw yung information na hinihingi namin,, may ilan na naiintindihan naman na pinoprotekhan namin ang kanilang account laban sa mga manloloko. Patay kami pag may nakalusot na hindi pa naipasa yung verification.
Dun ko nalaman ang kahulugan ng fraud, identity theft, at bullsh*t. Dapat pala napanod ko ng maaga yung ‘Catch me if you can ‘ ni Leo di Caprio at Tom Hanks. Ayos yung pelikula.. hanep sa istorya.., tungkol siya sa manloloko na nagpanggap bilang ibang tao na makakuha ng maraming pera at magaling siyang mameke. Pero ang galing din ng nanghuhuli niya,, in the end,, nahuli yung manloloko pero ginawa siyang kakampi kasi magaling siyang kumilatis ng mga peke.. Dapat pala.., pinanood ko na noon pa yung movie na yun.., di na sana ako nagmukhang ewan nung nabanggit sa amin yung tungkol sa identity theft at fraud.., mga ilang paliwanag kinailangan ko bago ko sila naintindihan talaga.., Nung una ko madinig yung fraud.., akala ko yun yung pag masaya ka sa na accomplish mo at gusto mong isigaw ito sa buong mundo kasi fraud ka dito.. =)
Peke peke peke.., yan ang iniiwasan natin at kinakagalit natin,, ayaw naman nating may gumamit ng identity natin para makapanloko iba tama?? Sila may ginawan ng masama pero tayo ang magbabayad.., ang saklap. See the reason kaya dapat protektahan natin sarili natin not just only physically??
Kaya nung mawala yung recent school ID ko nung minsang nagbyahe ako sa syudad.., napraning akong konte.., baka may kumuha at gamitin ako sa kasamaan,, hala lagot ako. Sabi ng kapatid ko.., nahulog lang yun.., "filingero ka.., aanhin naman yun?? e andami namang pamatay ng daga na available sa counter.., tsaka ayaw mo yun?? may bahay na magiging daga free dahik sa ID mo.." Sabi ko.. "hindi mo ko naiintindihan., andami kayang pedeng mangyari..", at pinanod ko nalang sa kanya yung catch me if you can para di na mapagod yung utak ko sa kaka explain.. Well.., until now, wala pa naman napabalitang may niloko yung pangalan ko kaya siguro nahulog lang talaga yun. nakakapraning kasi pag andami mong alam.
Dati, akala ko mga posers.., yung mga nag popose lang.., parang mga model, ganun.. korni.. ^^, pero yun nga yung akala ko dati sa mga posers. Mali pala yun.., napakalayo sa totoong kahulugan nito.. Posers—sila yung nag po post ng pictures at identity ng ibang tao sa mga social networking sites para maattract yung atensyon ng ibang tao.., madalas yung mga mukhang artistahin at mga artista ang mga biktima kasi madaming mahuhuthutan ang mga posero pag attractive mga ginamit nila.. Kung ikaw.., anong mararamdaman mo pag nalaman mong may poser ka?? Ako.., masama ang loob ko sa mga posers.., kasi sa dinami dami nila, wala man lang nagtangkang magpanggap bilang ako.. <ngayon…, naririnig ko sa ulo ko yung kanta ni daughtry.. ‘be careful what you wish for., cause you might just get it all.’ Kaya ngayon ba bawaiin ko na yung statement ko sa mga posers. Joke lang yun.., who want to have posers anyway??>
Let’s go back to the password thing.., kung identity nga natin delikado na pag may gumamit.., e pano pa yung totoong account naten?? Kakabaliw yun kung nagkataon. Parang nanakawan ka ng cellphone at yung mga importante mong contacts andun lahat. Pano kung kung nakakauha ng phone e di lang ibenta yung phone kung hindi lilinlangin mga taong kakilala mo bilang ikaw?? You just committed a crime you didn’t actually do.
Yung iba.., nahahack yung account.., kasi siguro mayaman siya, gwapo o madami siyang bahay sa farmville. Pede ding ordinaryo ka lang. Kasi, ang mga manloloko kahit sino pedeng biktimahin. At gagamitin nila ang account mo para makapanloko bilang ikaw.
Kaya importanteng protektahan mo sarili mo laban sa kanila.., ngayon, ang secured na ng mga social networking sites,, iset mo lang preference mo sa security settings.. at importante din na mga kilala mo lang nandun,, kasi mahirap na panahon ngayon.
Pag na hack naman account mo.., I reset mo agad yung p/w. kaya mo pa din gawin yun kung natatandaan mo yung mga security questions. Kaya dapat talagang tandaan ang mga s.Q dahil sa mga pagkakataong nakalimutan mo ung p/w mo o may pumalit.
They go for their birthday, their surname, First name, name of their baby, asawa, crush, idol, zodiac sign, tas yung iba yung alias naman nila..
oo.. andun nako, isa kasing panuntunan sa paglikha ng pass code e yung madaling tandaan.., pero wag naman sana predictable..Mahirap kasing pumili ng password,, kasi ang unang batas sa paggawa nun e dapat ikaw tanda mo.., kaya nung matagal na,, ginawa kong temporary password yung password mismo.. Nung hinihingan kami ng sangkatutak na password e kung anu ano pinaglalagay ko.., iba iba.., kaya isa man sa mga yun e wala na ko matandaan..
Sabi nga sa password tips e dapat not less than 4-6 characters, may malaking character, may number, at hindi madaling i.predict. Sabi nga ni Sheldon Cooper, hindi secured na password ang 1234. Yung ngang kakilala ko na nagsabi ng password niya e hindi ko natandaan kasi para siyang bar code na may mga letters na wala namang mabuong words at may mga numerong wala namang kahulugan para sa kanya.. di mo talaga matatandaan kung minsanan lang sasabihin sayo.. Dapat mga tipong ganun.., pero dapat ikaw.., tanda mo yun.. Yung isang kaibigan ko naman e di ako makapaniwalang 'yes' lang ang p/w niya nun sa pc niya.. kasi nung i.try naming buksan ang pc niya na password protected.., may lilitaw na clue.., yung clue question goes something like.., Do you love Jesus?? sabi ko.., imposible namang yes lang yun.., pero ni text muna namin siya para sigurado kami na tama nga yung p/w na ieeenter namin.., yun.. positive.., yes nga siya.., akala ko pa naman e harder than that.., tipong..with all my heart.., indeed.., absolutely.., ofcourse golf course..--mga ganun.. Ako naman.., yung clue question ko sa notebook ko e 'who are you??' palagay mo,, ano password ko??
Pwede kang kumuha ng adjective na alam na alam mo pero di mo bukambibig, pedeng pangalan ng isang character sa movie, maaari ding model ng kotse, model ng robot, basta wag yung makita ka palang alam na yung gagawin mong password. Tapos haluan mo nalang ng ibang character.., kung gusto mong maayos na password.. magpa convert ka ng mga salita sa mga j3J3m0Hwn.
Ako.., andami kong account,, may fs,fb, twitter, hotmail,ym, pero 2 lang password ko sa kanila.., kasi pano kung maipagpalit palit ko sila??Hasel kasi pag ganun.., ako naranasan ko na nakalimot ng password ko sa trabaho ko dati.., kasi yung isa kong ka trabaho e tinitingnan akong mag reset ng p/w.., tas sinasabi pa niya na bubuksan niya daw yung account ko.., e natakot naman ako kasi yun yung sabi samen.., dapat ikaw lang nakakaalam kung pano buksan yung account mo.., e dun nakasalalay yung trabaho mo e.., kaya na tense ako at nakalimutan ko yung code,, kaya sinabi ko sa supervisor namen.., yun pina reset niya yung kakareset kong password.. yun pahinga muna ko sa trabaho..system down ako.. wow.. At pinasalamatan ko sa isip ko yung team mate kong nambwisit sa akin ^^
Yung iba.., ipinapaalam sa iba yung p/w nila para maipakitang wala silang tinatago.., madalas yung kapalitan nila nung password e yung ka loveteam nila., para sa transparency.., pero I don’t encourage that.., pano kung mag break kayo?? Tas bitter siya,, tas palitan yung p/w mo?? Pangit.., wala ka nag lovelife.., wala ka pang facebook.., saying naman yung mga naipundar mo sa Farmville.. Transparency is good.., but I think trust is just what you need.. kaya din a kelangan makipag palitan ng p/w. Yung iba naman pinapaalam yung p/w nila sa iba para may mag manage sa farm nila..,-- alam ko.., ginawa ko na kasi dati
Password. Passcode., security code, security key.., ano man tawag diyan para mabuksan mo yung account mo na nirerequire yun e dapat ikaw lang talaga nakakaalam para protektahan ang identity mo mayaman, sikat, gwapo , madaming sikreto o walang sikreto, o ordinaryong tao ka man.. , kasi may pinoprotekhan yan.. IKAW.
No comments:
Post a Comment