Saturday, October 30, 2010

Tupe vs. his konsensya ROUND 1



Konsensya ni Tupe: Sigurado ka ba sa gagawin mo??
Tupe: Alin?? Ang pagligo??
KnT: oo..
 Tupe: mukha ba kong di sure?? Heto na ngat nasa banyo diba??
KnT: Sira ka ba?? E diba’t may lagnat pa?? tsaka kelan ka pa nahilig sa pagligo?? Di ba may sked ang pagligo mo.., kada kabilugan lang ng buwan tsaka pag may lakad ka lang?? Teka may lakad ka ba??
Tupe: wala naman.., gusto ko lang maligo ngayon.. tsaka napanod ko sa tv.., pwede naman daw e..
KnT: anong hindi?? Anong channel yan?? Anong show?? Kelan pinalabas?? Mens ba yan?? Yun parang pwede naman maligo.. ikaw pag may nangyari sayo.., kargo de konsensya pa kita..,
Tupe: diba konsensya naman kita.., kaya matagal mo na ko kargo.. tsaka pag nangyari sa kin sasabihin ko pinigilan mo ko..
KnT:eee.. kulit mo..,  bango mo nga at presko pakiramdam mo.., patay ka naman..
Tupe: Patay agad?? Wala ba munang ospital??
KnT:  oo.., Patay ka kung nagtaon at pag nalaman pa nila na naligo ka e tiyak.., dobol dead ka..
Tupe: Tsaka mas maayos na mamatay ng mabango kesa buhay ka naman at amoy pandecoco na expired na mint flavor.., si mama kasi pinahiran ako ng langis na gawa sa niyog tas vicks  sa bandang ulo para daw umayos pakiramdam ko..
KnT: ayaw mo yun mahal ka ni mama?? Para say o din naman yun e..
Tupe: Gusto.., nagpapasalamat nga ko ke mama.., ang ayaw ko lang e yung oil na amoy pandecoco.. dat is why I’m washing my self up.., tsaka bawal bawal ka diyan?? Nagpakulo naman ako ng tubig para di naman ako lamigin.., sarap kaya maligo ng may lagnat.., try mo??
KnT: Tanga! Bahala ka..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 
Score: Tupe: 1   Konsensya ni Tupe: 0

Fever


Martes ng hapon pagkatapos kong magsawang mag internet at manood ng smallville at mag isip sa susunod kong entry ay napagpasyahan kong matulog.. nung biglang may makapa akong katabi ko at nahawakan ko braso niya.., nagpumiglas siya pero nakuha ko ang hawak niyang salamin pero ayaw niyang ibigay.. hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin na tingan ko siya.., pero naiharap ko yung salamin sa kanya.., nakita ko ang mukha ako.. sumigaw ako at walang boses..,  tapos.., bigla akong nagising.. Paggising ko.., e ang taas na ng temperatura ko.., anak ng kamote.., I’m hot..

Wala sina mama nun.., a kina lola.., kasama ko lang e ang kapatid kong may lagnat din.., pareho kaming nagbabaga sa init..,  walang mag aasikaso.., walang pipilit na kumain.., at walang magbabawal sa kin para maligo. Mainit lang ang timpla ko pero di naman ako nahihilo o masakit ang ulo.., kaya naligo ako sa  paniniwalang baka kulang lang ako sa ligo kasi.., tagal pa kasi ng fullmoon e.. pagkatapos maligo, wow.., bumaba ang temperature ko.., parang normal na ulit siya at fresh na fresh na ko.., pero pagkatapos ng isang oras e naramdaman kong lumamig at medyo bumigat ang ulo ko at ang sakit na niya.., hala.., it’s official.., May lagnat na nga ako..

Dahil giniginaw ako sa init at sa sakit ng ulo e hindi ako napag concentrate sa panonood ng survivor.., ang saklap..,  At wala pa din sina mama.., at hindi pa nila alam na may lagnat na din ako.., para kasing dumodoble ang sakit na nararamdaman ko pag wala si mama.. kaya lumipat ako ng school dahil dun. Pero hindi ako mama’s boy.

Lumipas ang oras at hindi na ko umasang uuwi pa sina mama kasi baka dun na sila matulog at maaga nalang silang makakauwi bukas,, pero mga lampas 10 pm e dumating na sila kung kelan parang bangag na bangag na pakiramdam ko.., Pinilit nila akong kumaen pero di talaga ako makakaen.. The next morning masakit pa din ulo ko at mainit pa din ang body tempt ko. My sister asked me kung alam ko pa daw mga pinagsasabi ko kagabi..,  kung ano ano daw.., sabi ko.., may lagnat lang ako.., hindi ako lasing.., sabi niya nagdedeliryo ka..,

Pina check kami ng kapatid ko ke doc habang papunta dun e parang nawala ang sakit naming sa ulo at bumaba ang tempt. Hala.., baka kulang lang kami sa gala.. Pero nung nandun na kami ke doc 39.7 ang narecord nung iniipit sa kilikili.. tinanong ako kung ano pa masakit sa kin e sina bi ko sa bandang bewang.., sabi ni doc e pa examine ko daw urine ko.., baka may infection ako dun.., sabi ko mama e wag nalang.., inom nalang akong madaming tubig..
Pumunta kami kina lola para magtawas.. hindi ng kili kili.., yung tawas na ginawa ng mga manggagamot pero hindi ng mga doctor.., yung lalagyan ka ng oil sa noo at papatungan ng bond paper para makita kung  ano ang dahilan ng lagnat tapos susunugin yung bond paper para itaboy yung mga bad spirits.
--wala namang masama kung magpatawas ako.., amoy lang ng oil ang hindi ko gusto..

Uuwi na sana kami nang sabi ni lola e maiwan muna ko.., wow.., ganun pala yung may sakit inalagaan ka ni lola.., I felt loved. Asikasong asikaso ako. Kung hindi lang masakit ang ulo ko at sobrang ginaw.., I wanna be sick for quite a while....ang sarap magkasakit.. pero I know she is worried pero nangingti lang ako sa pag aalaga..
Hindi sa wala akong nararamdamang care mula ke lola nung maayos ang pakiramdam ko.., it’s just that doble o triple yung pag aalaga..

The next morning, dumating si mama at parang gusto akong ipacheck sa hospital kasi daw baka na dengue ako.., kwento kasi ni Tita may isang binata na nilagnat lang tas namatay kasi hindi nila alam na may dengue siya.., e yung unang doc kasi e hindi na ni check kung me dengue nga ako.., kahit na masakit ang ulo ko e sinabi kong wag nalang.., pero napansin ni mama mga red spots ako sa may exposed areas.., un nag alala siya..

Pag kumakain.., unang subo ko pa lang e nasusuka na ko.., pinipilit kong kumain kahit hindi ako makain para may maisuka,, ang hirap kasing sumuka ng wala namang isusuka.., parang pinipilit mong  isolve ang isang mathematical problem kahit di mo naman alam ang formula.., I love my apetite.., 3 kutsara lang kanin e pinipilit kong ubusin.., wow ang gara.., tapos isusuka pa siya.., wow.., papayat ako neto..effortless diet.

Nung umalis sina mama e naligo ako ng maligamgam na tubig sa katawan kasi nga ang pangit ng amoy ko.. amoy gamot, mint, at pandecoco na hindi na pwedeng kainin. Tsaka parang ayos na ko.. pagdating nila mama.., hindi nila nahalata..

Ang gulo ng pakiramdam ko.., magiging ok, tapos mainit na naman.. tapos ok na ulit.., unstable. Hindi ako pumayag sa gusto ni mama na dalhin ako sa ospital.., kaya nagpadala nalang ako sa isang manggagamot.., ang one million dollar question ni manggagamot pagkatapos niya akong interviewhin at pagktapos magtunaw ng kandila sa isang baldeng tubig habang may binubulong, “May Kaaway ka ba??” “wala naman po..” Kasi wala naman akong nakitang complications.., tanong ko kung healthy ba.., pinakita niya yung hugis ng kandilang tunaw at babaeng naka upo ang lumitaw..,ang taba ng hugis.., positive.., nabati ako ng anak ng kapit bahay naming nung sabado habang namimitas ako ng kalamansi.., may kulam power daw kasi ang pagbati nila.., wala namang masama kung maniwala kasi  .. Yun nagpahagod ako—ngayon, ayos na ulit ako.., nakaka recover na.

Hindi ako sakitin.., si mama kasi palaging gulay ang pinapakain sa amin.., pero di naman kami pinapasuot ng bracelet na kontra usog kaya tinablan ako ng lagnat..  sana di ko naiwala yung kontra usog ko nung bata ako.. kaya magpapagawa na ko ng pangontra nakaka hasel kasi

Monday, October 25, 2010

Walang Kapit, Walang Short Cut, Walang Choice


Bata ako noong may nakita akong ad sa tv.., na parang kinukumpara ang mga tao sa langgam. Ayon sa naaalala ko e pinupuri ang mga langgam kasi buti pasila marunong pumila kaya maayos silang tingnan at may disiplina sila.

Peace and order.., yan yung 2 magandang dahilan kung bakit tayo pumipila.., bukod pa sa dalawang yan e wala na ko maisip kundi ang mga dahilan kung bakit ayaw ko pumila..

Ang pumila ay ang isang bagay na hindi mo maiiwasan lalo na kung di ka maimpluwensyang tao o wala kang kakilalang pwede kang idaan sa fast lane.

Ang maghintay at magpasensya yan lang ang pwede mong gawin at maramdaman pag nasa pila ka.., pwede ka ding mainis pero di naman makakaiksi ng pila yun.., walang makakapagpaiksi sa pila kundi ang kakilala mong maimpluwensya o kung sino man na may matinding kapit sa kung saan ka man nakapila.

Noong asa elementarya ako.., tuwang tuwa ako pag  nakapila.., natutuwa lang ako at ang ayos naming tingnan.., it’s either flag ceremony o dumating ang milo para magpainom ng malamig na milo para sa mga bata. Ayos namang pumila noon kasi yung milo na walang bayad.wow..

May isa palang pila nun na naasar ako nung elementary, yung pila para sa igiban ng tubig.., minsan kasi may sumisingit at  may mga palakasan.., kung bata ka,, madali ka lang singitan ng mga nakakatanda sa yo.., minsan dahil nagkakainitan sa pila ay may basaan. Happy Fiesta.

Sa simbahan pala may pila din.., pag nag co communion.., nung mga unang pagkakataong pede na kong gumaya sa mga matatanda na pipila tas may papakain si Father e ayos sa akin.. Ngayon ako mangungumpisal, Yun yung motivation ko para magsimba.. bata e.. Ayos nun kahit wala namang lasa yung ostia e gustong gusto ko pumila para dun hanggang sa mambasag ng trip si Father. Nung magsimba ako at mag communion e pinauna ko yung mga babae at ilang matanda kaya ako na nahuli sa pila.., nung turn ko na.., biglang tumalikod si Father. Kung kumikidlat lang nun.., nagpatama na ko o kung kumakain man ng bata ang lupa e nagpakain na ko.. grabeng pahiya ang naramdaman ko.., I do not know if it’s intentional o akala ni father na wala pa ko sa age para tumanggap nung binigay niya o naubusan siya. Mangiyak ngiyak akong bumalik sa upuan nun.. Buti nalang halos lahat e nakayuko, nakapikit at nananalangin..  Yung nakakita lang sa akin yung ilang kalaro ko na tinukso ako nung pauwi na kami..

Habang lumalaki ako at dumadami na kelangan kong pilihan.. 
Nakakasawa.

Nung High School.., ayos namang mag enroll.., bigay mo lang card mo at bayad ka lang,, tapos na.., kung pipila ka man e hindi ka maiinip.., ang bilis lang.., para ka lang bumili ng gamot sa botika

Nung college naman ako.., swerte ako kasi scholar.., di na ko pipila dun sa cashier. Isa yung advantage ng mga scholars sa nauna kong school. At dahil lumipat akong school at may kelangan na naming bayaran bilang mga scholars e kelangan naming makipagbuno para maka enroll. Ang enrollment nung college ang pinaka ayaw kong parte ng college life ko.., hintay kung hintay.. sa may registrar’s window.., number system,, at may konting palakasan depende kung kakilala mo yung mga S.A’s dun at pede iparaan para matapos ka na dun.,May mga steps kasi na yung papel mo ang pipila e.., basta patong patong lang sila.., pano kung matabakan ka?? Forever kang maghintay hanggang sa magutom ka..
Minsan takot din ako sa window na yun dahil may mic. Pag may nalaktawan kang step o may nagawa kang di karapat dapat.., di lang ikaw makakarinig., buong school alam. Kaya bawal magtanga tangahan.

Akala ko nun yung nilipatan kong school lang ang may mic na may basag na sounds na may namamahiya.., yung ibang school, meron din pala nun.

Ayos lang sa may registrar’s window.., antay ka lang hanggang sa matawag ka. Sa cashier, kelangan mo na pumila. Mainit, matagal, at minsan nakakaasar dahil sa mga sinisingit na may matinding kapit, may mga pagkakataong kelangang pakainin o hugasan ang pwet ng cashier ang kanyang batang anak na dala niya sa trabaho.., dahil dun, minsan naabutan na ko ng lunchbreak, black out <dahil gumagamit ng kung ano mang ilaw ang cashier para sigurahin na hindi peke yung mga binayad naming sa kanya>, at end of the world kahit dalawa o isang tao nalang ako na susunod.  Minsan pag hapon e biglang mababalitaan mo na pumunta ng Sm ang cashier kaya kelangan mo nalang bumalik kinabukasan. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa penalty para sa mga late enrollees e di ko na tyatyagain mag enroll sa takdang araw ng enrollment namin.

Akala ko e pagkatapos ng graduation nung college e pila nalang ng sa Jollibee ang kelangan kong tyagaan.., hindi pala.., minsan ang haba haba ng pila sa terminal ng sa jip sa bilihan ng tiket at sa jip mismo dahil nahuli ng dating ang mga nakaduty ka na le late ako sa work minsan.., Tapos pala nung asa Manila pa ko e totoong ang grabe ng pila sa bilihan ng tiket pang MRT kaya pala sabi sa akin e yung stored value bilhin mo.., minsan bumili ako nun pero minsan ko lang nagamit e naiwala ko.., o kaya nayuyupi ko kaya saying yung mga balance nung card na hindi ko naman nagamit. Kaya minsan e tinyatyaga ko pumila para sa one way card.

Nung finally e napag desisyunan ko na mag file ng application sa PRC para makapag exam e nakita ko na din ang bilin ng isa kong kamag aral. Hindi naging possible na maaga ako dun sa pila ng mga sasakyan.., dun palang e inabot na ko ng alas dyes.., Ayos lang mga pila sa mga naunang steps. Yung kuha ka ng form doon tas I fill out mo, tapos magbayad ka doon tapos bili ka ng envelope.., andali ko lang natapos sa mga yun.., tapos nung sinabi na ng kaklase ko over the phone <kasi mag isa lang ako nagpa register. Masama akong tao. Kaya sa phone na lang ako nagpapaguide sa kaklase kong nakapg exam at pumasa na>punta na daw ako ng 3rd floor at nasa 2nd to the last step na daw ako.., Sabi ko.. Sigurado ka?? Andali naman,, aga ko namang natapos.. tapos sabi niya Oo.., tapos tumahimik na siya.. Yun dumiretso ako sa third floor, nagtanong ako sa mga nandun para maka siguradong naintindihan ko yung instructions na binigay ng kaklase ko.., mukha namang tama ang pagkaka intindi ko,, una may pinilahan ako.., pero napag alaman kong hindi pala dun.., pangalawa pumunta ako at nakipila dun sa mga may sa window na may ng nag aassess ng mga applications pero di ako iniintertain.., meron palang mahabang pila yun.., buti pala walang nang away sa akin, naintindihan nila sigurong nalilito ako sa mga nangyayari. Hanngang sa malaman kong nasa ground floor pala yung dulo pila. Mga mag aalas kwatro na ko natapos sa PRC. Sobrang haba ng pila. At may bagay akong narealize na nakakaasar sa pagpila.., bukod sa paghihintay.

Ø      Pila ka tas hintay ka lang ng turn mo.., malaman mong wala ka pala sa pila dahil nakapila ka sa mga nakaharang lang sa daan kasama ang mga may sinasamahang nakapila na akala mo e nakapila din
Ø      Pila ka tas mali pala yung lane na pinilahan mo

At may mga natutunan ako
Ø      Wag matakot magtanong kung nasa tamang pila ka.. mamili ka, ang mahiya o pumila sa hindi naman pila
Ø      Siguraduhin mong ngawa mo na yung dapat mong gawin bago ka pumila kung hindi mababale wala ang paghihintay
Ø      Kung ayaw mong magutom sa linya e dapat may baon ka



Isa sa mga ka bwisit na tagpo sa pila e pag bago yung cashier sa Supermarket, grabe ang bagal.., tapos na yung taong kakapila lang sa ibang lane e ikaw nakapila pila pa din.. isa pa ay kapag may biglang mauuna say o kasi yung mga kaibigan niya e nakapila kung saan siya biglang nagkapila.., kaya natuwa naman ako dahil may nakaisip ng number system.

May nakakatuwa ding tagpo sa pagpila bukod sa crush mo yung cashier at yung nasa harapan mo tulad nung asa supermarket ako, at napansin ng naka cart na una sa akin e konti lang mga pinamili ko at nung may nag save nung pila ko na hindi ko naman talaga kakilala para magawa ko yung dapat kong gawin.. kakatuwa pag may mga mabaabait kang kasama sa pila
  
Kahit saan basta madami nang naghihintay na mapagsilbihan may pila.. tulad sa mga istasyon ng mga pampublikong sasakyan.., sa bilihan ng kahit anong  tiket.., eskwelehan.., government offices,, <tulad ng prc.., nbi.., dfa>..,sa supermarket lalo pag akinse at katapusan, at sa counter ng jollibee.., minsan nga yung ibang establishamiento ay nag iipon ng mga tao para masabing pinilahan sila.. kahit ano na lang at saan na lang pumipila ka.., ganun ba talaga sa buhay natin?? E pano pag deadbols na tayo?? May pila kaya sa heaven's gate?? Pipila pa din kaya tayo para marinig si San Pedro kung saan niya tayo idedestino??

Sa impyerno kaya?? May pila kaya din dun?? Siguro meron.., pero malamang talamak ang singitan at palakasan system at siguro meron ding mga demonyong fixers tapos pepekehin ha o tatakbuhan ka.. What the hell..





Sunday, October 24, 2010

WTF!





If I ask you  words  that starts with F what words would you give me?? <thinking** time’s up> So what’s on your mind??

Patalastas:
Sa classroom habang may recitation sa English.
Tupe: ihhh ma’am bat nyo ko pinapahirapan ng ganito.., nung si avin e peyborit book lang naman tinanong niyo sa kanya tas pinakwento niyo bat ako ganito??
Teacher: Tupe if you have to say something.., say it in English
Tupe: Ma’am.., what I am trying to say is why?? <isip ng isusunod ns dialogue na inglisin ang reklamo niya kanina hanggang> Ma’am, what’s the question again??
Teacher: So what would you feel if  the book that you wrote has become a bestseller.?
Tupe: happy??
Teacher: aside from that, what would you feel if your hardwork paid off., and many people appreciate what you’ve done..
Tupe: hmmm
Teacher: It starts with the letter F
Tupe: hmmm..Froud??
Mga kaklase: Fut@ ka tupe.!!

Now back to regular programming..

Well if you would ask me words start with F, I’d give, first , frustrations, family, friends, fears, and finally.

I believe that first idea that pops on your mind is a reflection of your environment, your character, your angst. It’s because it won’t pop out that easy if it’s not a resident word in your consciousness. Probably, you hear it or use it often because of what’s or who’s around you.., or perhaps you feel it. I remember, one of the trainees I had said that you would know the person’s background< their culture and the people around them> based on the words they use. 

Well I respect those who would not agree with me, but think it over. I make sense don't I?
<well you can post your objections and I’ll be glad to accept them, not that glad-glad but glad that somehow you got affected>

I brought you this to uncover a part of me.., para may mapag kwentuhan lang.. ^^  One way of knowing a person is through the words the use and the words on their mind. 

Umpisahan natin sa unang F- first. Syempre una,first e,, iba ang una, nagmamarka, tumatatak, gumuguhit, at may iniiwang spot. Kung tatanungin kita ng mga bagay tungkol sa first love, first kiss, first failure, and first everything, siguro madami kang makukwento sa kanila kesa sa tatanungin kita tungkol sa lovelife ng dinisect mong palaka sa biology class mo nung college.

I’ll share my first job  experience after college.., Well.., hmmm.. Next! Ayaw ko na isipin yun.., I don’t want to talk about it…, not that I don’t remember anything. Yan yung power ng first, natatandaan mo pa kahit gusto mo na siyang burahin sa alaala mo.., nevertheless your first made an impact to your life.., nakatulong siya para ikaw kung sino ka ngayon.

My 2nd F- Frustrations. Who doesn’t have one?  Well, ang galing naman kung ganon., perhaps you are very much contented with what you have kung wala ka neto or you live in a perfect world.

Frustrations, frustrations frustrations, they could make or break us. Yan ang mga pangarap natin na hindi natin nafulfill kaya nagiging frustrations sila kasi tanggap na natin na kahit nao mang gawin natin.., we can’t get them..

Ano ang frustration mo at anong ginagawa mo para di mo na siya maramdaman? Syempre pag frustrated ka.., you do not want to be frustrated all your life tama?? Kung hindi.., isa kang malaking frustration na nabuhay..

Ako, andami kong frustrations sa buhay.., nung high school dancing, frustrated dancer ako e, hindi man ako marunong sumayaw e dahil persistent naman e naging member ako ng dance troupe ng isang araw nung first year , pagkatapos ng unang practice naming e tinanggal na ko.., pero nung Senior year e napabilang ako sa mga street dancers ng school na nag top sa buong Pampanga. Syempre proud ako dun.., kahit na hindi ako born dancer e kinaya ko. Ampangit ko sumayaw pero kinaya ko yun.

Nung college naman e writing ang frustration ko..,imagine, I got a grade of 3 in writing in the discipline at sa pagsusulat sa iba’t ibang disiplina—meaning pasaway ako magsulat kaya huwag kayong magtaka sa mga periods at comma na dumodoble, e pasaway nga, dahil siguro hindi ako super technical magsulat. Heto ako ngayon, tinutuloy ang page express ko on writing dahil sa frustration ko sa pagsusulat. I earned some follewers nun sa nauna kong blog kaya naniwala akong may karapatan akong mag blog kahit pasang awa ang grado ko sa writing. At nung gumawa kami ng movie para sa isang school project e ako ang asa written by kaya may mga ilang imperfections pero ayos lang kasi kinaya ko sumulat ng script. ^^

At may isa akong frustration na hindi ko na siguro masusubukang gawin ., e ang mag join sa Ginoong Pilipinas <wow> at ang mag model.. <may ganun kasing ganung na program sa utak ko kaya frustrated gwapo ako.. gwapong frustrated..wow,, o baka frustrated lang maging gwapo >

.. Gawin mo lang kung ano gusto mong gawin at ibigay kung ano kaya mo para hindi ka malamon ng mga yan.. <wala bang talent coordinator diyan??niyo  Discover naman ako =) > Kung hindi ka pinanganak para dun, move on. At least sinubukan mo.

My next F is Family.., isa sa mga importanteng bagay sa isang tao ay ang pamilya. Sila ng dahilan kaya nandiyan ka.., kung bakit ganyan ka ngayon.

Lumaki ako sa isang kumpletong pamilya, swerte kumpara sa mga batang produkto ng broken home. Well, kumpleto man ang pamilya ko.., Gaya nga pagkakasabi ng mga dati kong estudyanteng koryano.., I have 7 pamily., father, mother, younger sister, younger sister, younger brother, younger sister and me. Though complete,that doesn’t mean I have a perfect family. Minsan ito ang cause ng mga ilang frustrations ko sa buhay, iba kasi pag may problema sa pamilya, dagundong ang epekto sa buhay, yanig kung yanig. Nevertheless, sila din ang dahilan kung bakit may pangarap pa din ako, kung bakit di ko naiisipang tigilan ang paghinga ko.., I can say my family is my power source and my kryptonite at the same time. They say, no matter where you’ve been and wht you have gone through, at the end of the day.., uuwi at uuwi ka padin sa pamilya mo at tatanggapin ka nila nagtagumpay ka man o hinde.

Another F is for Friends. They say, friends are the family that you can choose. I’d probably agree with that. I’m fortunate I have good ones.

Hindi ako perpekto, madami akong topak, may mga kahinaan, pero may mga taong nagtyaga sa akin na hindi ko naman kadugo.  Madami akong natutunan sa kanila.., maybe ang 60 percent ng mga katangian ko ngayon e galing sa mga kaibigan ko., nun kasi, lalo na nung binubuo ko palang ang sarili ko, I’m with my friends more often.

Kung bakit hindi ako umiinom, nags smoke, at nagsusugal dahil I have good friends.. ^^,

I have only few but I know I can trust them. I’m lucky, yes I’m lucky I found them dahil hindi naman lahat e makakatagpo ng mga taong tulad nila..

2nd to the lasr F is Fears. OO takot.

Ikaw ano ang mga kinakatakutan mo sa buhay??


Nung bata ako hanggang HS., andami niyan, andami kong mga kinakatakutan at hindi matanggap sa buhay.

Ø      Death--- Not of me, but of people who are important to me, who is not?? 
Ø      being alone.., like walking without anyone by your side
Ø      sa labaha--- kaya ayokong magpagupit noon kasi dahil sa may labaha part, feeling ko masusugatan ako, kaya malimit parang bird’s nest ang buhok ko, until nauso na yung mga barbering gumagamit ng razor at hindi kana bine blade.
Ø      Mawala sa isang lugar--- dahil ayokong maging palaboy kasi di ako marunong umuwi sa mga lugar na unang beses ko pa lang pinuntahan
Ø      Sa mga ghost stories na inimbento ng mga kalaro ko
Ø      Bloody Mary--- kahit di ko naman talaga siya kakilala



Ngayon, at halos naiintindihan ko na ang lahat na dapat kong maintindihan dahil sa mga naransan naten,, I could say, the world made me strong and independent. Pero may mga ilan pa din akong mga kinakatakutan na hindi ko pa naaalis at siguro, hindi na.

Ø      ipis --- takot ako sa ipis, ayoko ng ipis.., nun, I can’t even kill them, pero ngayon napapatay ko na sila,
Ø      patay na butiki --- ayos lang sa akin ang buhay pero ang patay na butiki e hindi ko kaya
Ø      -plema---believe or not, takot ako sa plema,
Ø      -sa mga taong nag ta tao po pag may isa ako sa bahay--- ayoko silang harapin.., takot ako e..
Ø      Sa mga taong tumatawag sa akin sa daan pero di naman nila ko kakilala--- nun may tumawag sa akin at pinapalapit ako sa kanya e tumakbo ako palayo.
Ø      Being rejected--- oo.., hanggang ngayon, takot pa din akong mareject.

Heto asa last F na ko.., Finally. Isa sa mga paborito kong tagpo kasi last na. sa mga speeches, lalo na sa mga ceromonies, pag nadinig ko na yung magic word na Finally e sumasaya na ko na hinahanda ko na ang mga palad ko para pumalakpak..

Finally bow^^

Final Hirit..
Ano ang ultimate  F word ngayon ang madalas gamitin ng mga kabataan para mai express ang kanilang saloobin. Clue:ito ang in na in na F word na galing sa mga dayuhang nag iingles..  Timer Please.

<Twing twing twing twing.. alaululululalalulululuu..>
FACEBOOK--- the ultimate F today..

See how words can unveil a part of a person.. kaya importante ang salita para malaman natin kung anong klaseng tao ang kausap naten. at isang kasangkapan ang facebook para makilala mo ang isang tao.<WTF?!?>

Bakit Ngayon Lang?






Kaasar, di ako makapagsulat, tatlong araw na kong walang napopost na entry. Wow, writer’s block?? O tamad lang?? siguro naenjoy ko na naman kasing manood ng Smallville at magbasa ng ibang blog at nagpapakundisyon.., tulog, nood ng tv, internet, tv ulet.., paulit ulit hanggang sa wala na ko oras para magsulat.

Ayon sa narinig ko e kung nahihirapan kang magsulat, e sumulat ka ng anumang tungkol sa yo.., madali iyon. Nandito ako para magkwento sa mga pinagka abalahan ko kaya hindi ako makapag post ng entry. This kind of entry is not what i picture my blog to have. I guess I have to do this because I did not picture my page having no post at all. Maybe once in a while I'll post something like this, yung magk kwento lang ako sa pinagkakaabalahan ko sa kasalukuyan. 

Well gaya ng dati, ayos pa din ang Smallville.., asa kalagitnaan na ko ng season 5 kahit na hindi ko pa napanood ang buong season 4. Andaming nangyari, nanalo sa pagka senator si Jonathan Kent pero namatay, tas nag break na sina Lana at Clark. At si Lex, parang magiging all out enemy na ni Clark. Ano kayang nangyari dun sa season na yun at ganon na mga tao sa season 5?? Siguro, in time.., matatapos din ako sa pag download ng season 4. Sana bago ako mapuntang season 9 e matapos na ko sa pag ddownload ng S4.

Ayos magbasa ng blog ng iba.., andami mong napupulot at mga narerealize.., I found some cool bloggers and I hope some people would find me as one of them.., naks, nangarap na naman ako. Palagay ko ang masyadong pagbabasa ko e isa sa mga hadlang kung bakit wala akong entry na matapos.., bukod sa nawiwili ako e minsan nakakakita ako ng mga halos kapareho ko ng naiisip.. well it’s cool.., pero ako kasi pag nakita ko na sa iba.., parang gusto kong ibahin at iimprove,, kasi pag sinulat ko siya gaya ng nasa isip ko e para siyang ginaya, kasi super sang ayon lang ako sa mga ideya nila, galing galing. Ayoko ko namang gumaya though nakaka tempt kaya nilagay ko naman sarili ko sa planning box. Kahit impluwensya basta wag lang gaya, importante kasi sa akin ang gawa ko mismo e. Nakakapresure kaya siguro nung mga may performance contest sa high school e tinatago ka muna before your turn para di ka makapanggaya o mapressure.

Kung napapansin niyo, iba na naman ang pamagat ng blog ko, I do not find the previous titles I had catchy e. Gusto ko pamagat palang ng blog, pukaw na atensyon mo kasi yun naman talaga ang dapat. Now I’m mixing my personality and catchiness. Hope I could come up with a good title para din a ko magpalit pa.

Andami ko nang mga naiisip pero wala pa talaga akong nasisimulan. Again, I have to step somewhere. Warm up warm up warm up. Kung hindi parang tatamarin na ko at wala na ko masulat.


Tulog, tv , kaen, internet,-- mga bisyo ko habang pinili ko munang maging palaboy sa bahay kahit na alam kong dapat e inaayos ko na buhay ko kasi lumilipas ang mga araw at wala pa kong love life, ang saklap pero choice ko e..

Ngayon.., talagang kelangan ko nang magsulat kahit laman lang ng utak ko sa ngayon., para makapag warm up na at masulat ko na yung mga gusto kong  ishare sa lahat. Try kong mag post ng lampas sa isang entry sa isang araw para makapag catch up though parang isang entry lang ata talaga ang capacity ng utak ko. Well, siguro kelangan ko na malampasan yung ni.set ng utak ko. At siguro din kelangan wag ko na habaan ang mga entries ko para makaya pa ng utak ko lumampas sa isa. <wow. Cost cutting>
May nagbabasa man o wala sa mga sinusulat ko, sa ngayon magpapatuloy pa din ako at mangangalap ng mga paraan para may mga magbasa ng di ko inaabisuhan.  Ganito yata talaga pag nags start ka, you’ll have to begin from scratch. Tapos hopefully, may mga maipon din akong mga parokyano. Yun naman talaga ang hangad ng mga manunulat di ba? Ang may magbasa sa mga hinabi ng utak nila. Ngayon sige.., express lang ako ng express at kunwari, nagbabasa talaga ng mga gawa ko.., at sana bukas may sumita sa akin kung bakit wala pa yung susunod na post ko.. =)




Thursday, October 21, 2010

Enter Password: *********


Tinatanong ni batang pinsan si Tita kung ilang bilog daw ba ang ilalagay para ma access yung computer nila na nilagyan ni Tita ng password. Akala ni batang pinsan e sa bilang lang ng bilog  nagkatalo sa password..

Nilagyan ni Tita ng password ang pc kasi  pag wala daw siya ginagamit ng mga pamangkin niyang adik sa Friendster ang pc ng walang permiso niya.., tsaka daw bumabagal ung computer niya dahil sa mga nakikigamit.., kasi daw pag nasira ang pc siya ang magpapagawa,, in other words, pinipigilan ni Tita na mag prosper ang cyber social life  namin.., pero minsan pag nagpakabait kami at asa mood siyang maging mabait kasi nautusan kami.., e binubulong ni tita yung password sa amin,, minsan pag sinumpong siya ng inis.., pinapalitan niya.

Ako naman, First year college  nung una akong makakita ng naglo log in sa Friendster. Akala ko yung password ng kaklse ko ay puro asterisk. Inisip ko, bat ganun ang password niya,, andaling tandaan hanggang sa ako na ang magkaron ng sarili kong account at napansin kong kahit anong I type mo sa field na yun e puro asterisk ang lilitaw.

Minsan nung nag lolog in si batang pinsan sa facebook e super takip siya sa keyboard baka daw mag peek ako at baka malaman ko yung p/w niya. Little did he know na di niya nalipat yung cursor sa password field kaya litaw na litaw ung password niya at basang basa mo. Tinukso ko siya,, “haha.., takip ka ng takip sa keyboard e pinakita mo naman sa screen ung p/w mo. Vinerify niya kung alam ko talaga.., sabi ko oo.., nakita ko e.. <which is not true kasi ambilis niyang pinindot yung backspace nung mapansin niyang litaw sa monitor ang secret code niya>. Lumabas si pinsan para itanong sa mama niya kung masama daw ba pag alam na ng iba ang password mo. <bata pa kasi si pinsan, ang alam lang niya, hindi mabuti pag nasilip ng iba p/w mo kasi yung bilin sa kanya>. Nag alala si pinsan na baka buksan ko yung account niya at ibenta ko ang mga naipundar niyang bahay sa Farmville.

Password.. isang bagay na dapat ikaw lang ang nakakaalam.., bawal ipagkalat.., bawal ipagsabi., kung ayaw mong access ng iba account mo at ang pc mo,,

Understandable naman sa bank account o sa atm account kung kaya dapat ikaw lang may alam ng secret code mo.., at kung may mga malulupit kang sikreto sa mga social networking sites <tulad ng mga hubad na larawan at mga malalaswang mensahe na hindi mo binubura>  o isa kang sikat na personalidad..

Pano kung hindi?? Importante pa ba na hindi ma access ng iba ang account mo?? Kung wala ka namang tinatagong kung ano man.., anong halaga ng secret code?? Nangangahulugan bang ayos lang na ipagsabi ko sa iba ang p/w ko e wala naman akong tinatago.

Galing ako sa isang trabaho kung saan importante ang seguridad.., andami naming tools na kelangang buksan at nangangailangan ng password at paminsan minsan.., kelangan kaming magpalit ng mga p/w.. at mahigpit din verification namin sa mga customers.. dapat maipasa nila mga verification na itatanong namin sa kanila.. Pag hindi.., magsosori kami at hindi naming sila maeenterrtain kung hindi pag general concern ang dahilan nila ng pagtawag. May mga nag iinit ang ulo pag ganon.., lalo na pag nakalimutan nila daw yung information na hinihingi namin,, may ilan na naiintindihan naman na pinoprotekhan namin ang kanilang account laban sa mga manloloko. Patay kami pag may nakalusot na hindi pa naipasa yung verification.

Dun ko nalaman ang kahulugan ng fraud, identity theft, at bullsh*t. Dapat pala napanod ko ng maaga yung ‘Catch me if you can ‘ ni Leo di Caprio at Tom Hanks. Ayos yung pelikula.. hanep sa istorya.., tungkol siya sa manloloko na nagpanggap bilang ibang tao na makakuha ng maraming pera at magaling siyang mameke. Pero ang galing din ng nanghuhuli niya,, in the end,, nahuli yung manloloko pero ginawa siyang kakampi kasi magaling siyang kumilatis  ng mga peke.. Dapat pala.., pinanood ko na noon pa yung movie na yun.., di na sana ako nagmukhang ewan nung nabanggit sa amin yung tungkol sa identity theft at fraud.., mga ilang paliwanag kinailangan ko bago ko sila naintindihan talaga.., Nung una ko madinig yung fraud..,  akala ko yun yung pag masaya ka sa na accomplish mo at gusto mong isigaw ito sa buong mundo kasi fraud ka dito.. =)

Peke peke peke.., yan ang iniiwasan natin at kinakagalit natin,, ayaw naman nating may gumamit ng identity natin para makapanloko iba tama?? Sila may ginawan ng masama pero tayo ang magbabayad.., ang saklap. See the reason kaya dapat protektahan natin sarili natin not just only physically??

Kaya nung mawala yung recent school ID ko nung minsang nagbyahe ako sa syudad.., napraning akong konte.., baka may kumuha at gamitin ako sa kasamaan,, hala lagot ako. Sabi ng kapatid ko.., nahulog lang yun.., "filingero ka.., aanhin naman yun?? e andami namang pamatay ng daga na available sa counter.., tsaka ayaw mo yun?? may bahay na magiging daga free dahik sa ID mo.." Sabi ko.. "hindi mo ko naiintindihan., andami kayang pedeng mangyari..", at pinanod ko nalang sa kanya yung catch me if you can para di na mapagod yung utak ko sa kaka explain.. Well.., until now, wala pa naman napabalitang may niloko yung pangalan ko kaya siguro nahulog lang talaga yun. nakakapraning kasi pag andami mong alam.

Dati, akala ko mga posers.., yung mga nag popose lang.., parang mga model, ganun.. korni.. ^^, pero yun nga yung akala ko dati sa mga posers. Mali pala yun.., napakalayo sa totoong kahulugan nito.. Posers—sila yung nag po post ng pictures at identity ng ibang tao sa mga social networking sites para maattract yung atensyon ng ibang tao.., madalas yung mga mukhang artistahin at mga artista ang mga biktima kasi madaming mahuhuthutan ang mga posero pag attractive mga ginamit nila.. Kung ikaw.., anong mararamdaman mo pag nalaman mong may poser ka?? Ako.., masama ang loob ko sa mga posers.., kasi sa dinami dami nila, wala man lang nagtangkang magpanggap bilang ako.. <ngayon…, naririnig ko sa ulo ko yung kanta ni daughtry.. ‘be careful what you wish for., cause you might just get it all.’ Kaya ngayon ba bawaiin ko na yung statement ko sa mga posers. Joke lang yun.., who want to have posers anyway??>

Let’s go back to the password thing.., kung identity nga natin delikado na pag may gumamit.., e pano pa yung totoong account naten?? Kakabaliw yun kung nagkataon. Parang nanakawan ka ng cellphone at yung mga importante mong contacts andun lahat. Pano kung kung nakakauha ng phone e di lang ibenta yung phone kung hindi lilinlangin mga taong kakilala mo bilang ikaw?? You just committed a crime you didn’t actually do.

Yung iba.., nahahack yung account.., kasi siguro mayaman siya, gwapo  o madami siyang bahay sa farmville.  Pede ding ordinaryo ka lang. Kasi, ang mga manloloko kahit sino pedeng biktimahin.  At gagamitin nila ang account mo para makapanloko bilang ikaw.

Kaya importanteng protektahan mo sarili mo laban sa kanila.., ngayon, ang secured na ng mga social networking sites,, iset mo lang preference mo sa security settings.. at importante din na mga kilala mo lang nandun,, kasi mahirap na panahon ngayon.
Pag na hack naman account mo.., I reset mo agad yung p/w. kaya mo pa din gawin yun kung natatandaan mo yung mga security questions. Kaya dapat talagang tandaan ang mga s.Q dahil sa mga pagkakataong nakalimutan mo ung p/w mo o may pumalit.

Para di matandaan yung p/w mo at di mahack account mo.., ingat ka sa pagpili ng password.. kasi yung iba.., naka predictable nung secret code nila..
They go for their birthday, their surname, First name, name of their baby, asawa, crush, idol, zodiac sign,  tas yung iba yung alias naman nila..
oo.. andun nako, isa kasing panuntunan sa paglikha ng pass code e yung madaling tandaan.., pero wag naman sana predictable..Mahirap kasing pumili ng password,, kasi ang unang batas sa paggawa nun e dapat ikaw tanda mo.., kaya nung matagal na,, ginawa kong temporary password yung password mismo.. Nung hinihingan kami ng sangkatutak na password e kung anu ano pinaglalagay ko.., iba iba.., kaya isa man sa mga yun e wala na ko matandaan.. 

Sabi nga sa password tips e dapat not less than 4-6 characters, may malaking character, may number, at hindi madaling i.predict. Sabi nga ni Sheldon Cooper,  hindi secured na password ang 1234. Yung ngang kakilala ko na nagsabi ng password niya e hindi ko natandaan kasi para siyang bar code na may mga letters na wala namang mabuong words at may mga numerong wala namang kahulugan para sa kanya.. di mo talaga  matatandaan kung minsanan lang sasabihin sayo..  Dapat mga tipong ganun.., pero dapat ikaw.., tanda mo yun.. Yung isang kaibigan ko naman e di ako makapaniwalang 'yes' lang ang p/w niya nun sa pc niya.. kasi nung i.try naming buksan ang pc niya na password protected.., may lilitaw na clue.., yung clue question goes something like.., Do you love Jesus?? sabi ko.., imposible namang yes lang yun..,  pero ni text muna namin siya para sigurado kami na tama nga yung p/w na ieeenter namin.., yun.. positive.., yes nga siya.., akala ko pa naman e harder than that.., tipong..with all my heart.., indeed.., absolutely.., ofcourse golf course..--mga ganun.. Ako naman.., yung clue question ko sa notebook ko e 'who are you??' palagay mo,, ano password ko??

Pwede kang kumuha ng adjective na alam na alam mo pero di mo bukambibig, pedeng pangalan ng isang character sa movie, maaari ding model ng kotse, model ng robot, basta wag yung makita ka palang alam na yung gagawin mong password. Tapos haluan mo nalang ng ibang character.., kung gusto mong maayos na password.. magpa convert ka ng mga salita sa mga j3J3m0Hwn.


Ako.., andami kong account,, may fs,fb, twitter, hotmail,ym, pero 2 lang password ko sa kanila.., kasi pano kung maipagpalit palit ko sila??Hasel kasi pag ganun.., ako naranasan ko na nakalimot ng password ko sa trabaho ko dati.., kasi yung isa kong ka trabaho e tinitingnan akong mag reset ng p/w.., tas sinasabi pa niya na bubuksan niya daw yung account ko.., e natakot naman ako kasi yun yung sabi samen.., dapat ikaw lang nakakaalam kung pano buksan yung account mo.., e dun nakasalalay yung trabaho mo e.., kaya na tense ako at nakalimutan ko yung code,, kaya sinabi ko sa supervisor namen.., yun pina reset niya yung kakareset kong password.. yun pahinga muna ko sa trabaho..system down ako.. wow.. At pinasalamatan ko sa isip ko yung team mate kong nambwisit sa akin ^^

Yung iba.., ipinapaalam sa iba yung p/w nila para maipakitang wala silang tinatago.., madalas yung kapalitan nila nung password e yung ka loveteam nila., para sa transparency.., pero I don’t encourage that.., pano kung mag break kayo?? Tas bitter siya,, tas palitan yung p/w mo?? Pangit.., wala ka nag lovelife.., wala ka pang facebook.., saying naman yung mga naipundar mo sa Farmville.. Transparency is good.., but I think trust is just what you need.. kaya din a kelangan makipag palitan ng p/w. Yung iba naman pinapaalam yung p/w nila sa iba para may mag manage sa farm nila..,-- alam ko.., ginawa ko na kasi dati

Password. Passcode., security code, security key.., ano man tawag diyan para mabuksan mo yung account mo na nirerequire yun e dapat ikaw lang talaga nakakaalam para protektahan ang identity mo mayaman, sikat, gwapo , madaming sikreto o walang sikreto, o ordinaryong tao ka man.. , kasi may pinoprotekhan yan.. IKAW.


Wednesday, October 20, 2010

Ako @ ang Cyberspace



I was a high school student when I heard stuffs about the internet. They said, everything you need to learn and see is there. I said wow . . I also learned that the charge for internet consumption on internet cafes that time is not as cheap as today. So I didn’t use the internet though we have to because of the research project we had.

It was my first few days in college when I actually use a computer with an internet access. I saw the 12 hour eligibility to use the internet in our school without paying because the payment was already charged in our tuition. So I let my classmate know about that wonderful opportunity because the charge back then was 30/hour., imagine how much money we need not to spend from our allowance.., 360 pesos.. =)

When I got the power of the world wide web on my finger tips., I checked on Friendster which I first heard from a morning show on tv. They described it like a slum book where you have to put some information about you. And you can also connect with other people by using it, I find it cool, and a good time to let time pass. I added my friends from high school who I really miss, and my new friends from college and some people I do not know personally. I received some messages and some testimonials from. Those things and more made me hooked on that site.  Tsaka paramihan ng friends laban nun.., kaya add lang ng addd at accept lang ng accept. Di ko alam nun yung tungkol sa mga posers.

There are many stuffs I discovered on the net like the yahoo chat, the good sites where you can learn some interesting facts, the sites where you do not want to be caught in school accessing it, and I had my email address.

Thanks to my mentors <my classmates who have already accessed the net before I did>who taught me the ropes. I could have done more stupid things without them.


The most stupid thing I’ve done was signing in yahoo mail without a registered account. I wasted much time because I didn’t know that you have to undergo the long process of registration.


I was innocent and eager to discover a lot of things. And as a naughty teen ager, I want to see the not for kids sites. First time ko makakita nun.., kinabahan ako para sa buhay ko kaya sumilip lang ako ng konting konti dahil ayokong mahuli sa school. Major news yun kung nagkataon kahit di lang ako ang nag vivisit ng mga pinagbabawal na websites, alam kasi galing ko sa iba kong kamag aral at nadinig ko sa mga ka dorm ko kung anong sites ang bawal. Nung sususnod ko na tangkain sumilip sa forbidden sites e na block na pala mga yun.., may nahuli siguro. Sabagay.., mga bata kami kasi nun at careless kami dahil pede nilang imonitor yung mga binibisita naming web sites. Kaya yun.., major source ng kalikutan ng imahinasyon ng mga pilyong college freshies e ang ym kung saan pede kang makipag chat at pedeng utuin mo ang foreigner na ka chat mo at ipagawa ang gusto mong ipagawa.., I did not do it.., nakinood lang ako at kinabahan pa din sa delikadesa ko. At na diskubre ko na may mga taga Friendster na nagpapakita ng skin.. ung skin na di pedeng ipakita.. =).


Medyo na addict ako sa internet nun dahil sa mga bagay na ini enjoy ko.. like reaching my friends via Friendster.., visiting some tv network sites dahil kapanahunan at kainit initan ng mga artista search sa tv.., and chatting with foreigners.., ayos medyo nahasa typing and language skills ko nun.., hanggang sa maubos yung 12 hours ko at binibili ko yung mga codes sa medyo murang halaga ng ilang kaklase at room mates ko na walang hilig mag internet. Minsan nahingi ko nga lang yung 4 hours sa kaklase ko pero dahil adik.., nagawa kong pagsamantalahan ang kanyang kaibaitan.., natandaan ko yung code kahit di yun ang binigay 
niya sa akin.. , nung ubos na ung 4 hours na binigay niya sa akin.., binuksan ko din ung code na di naman niya binuksan,, I didn’t intend to exhaust the time left on the code pero dahil lulong nga pag gamit ng internet e napasubo ako.., di ko naman naubos ung 2 hours na natitira sa code na yun, Naharap lang ako sa konting iskandalo nung na monitor ng tao sa mother computer na ginagamit ko yung code na hindi ma access ng taong pinagbigyan ng mabait kong kaklase. Akala ko nun ipapa OSA<ang presinto sa school> ako dahil dun pero nagpaliwanag ako at handa ko namang bayaran yung ginamit kong time at handa akong mag public apology sa ginawa ko pero buti nalang ayaw na ng usapan nung taong inagawan ko ng karapatang mag Friendster.

<sa kaalaman ng mga mambabasa,, di katulad ngayon na sasabihin mo lang sa taga bantay ng café kung ilang oras o minuto ka magi internet,, nun kasi.., bibigyan ka ng code para i-enter sa  computer para makapg net ka na at un papatak na ang metro mabagal man ang connection, o mag hang man ang computer >.

Hiyang hiya ako sa ginawa ko nun kaya matagal tagal akong di bumisita sa internet café ng school, mga one week yun. At nagpasori ako mabait kong kaklase. Tinanggap naman niya yung apology at naintindihan niyang tao lang ako at lulong ako sa Friendster. Madalas akong mag Friendster at mag join sa mga chatrooms kesa mag research. Internet café ang escape ko sa stress dulot ng pag aaral at konsumisyon sa mga ka room ko nun.

Nag transfer ako ng school nun kasi kelangan kaya di ako nakapag internet ng matagal tagal kaya naka close yung unang email add ko at nawala yung mga pictures ko sa Friendster kahit wala naman akong totoong picture sa mga yun.

Ewan ko ba at parang may pumipigil na mag internet sa akin nun.., mahiyain kasi ako at ayokong pumasok sa isang lugar na walang kasama kaya halos sang taon akong di nakapag internet, Naaalala ko.., sa Jollibee papunta sa Laguna.., libreng mag internet kaya di ko pinalampas yun nung nag tour kami..

Ang hindi ko pag iinternet siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit maaayos ang grado ko sa bagong school at naka ipon akong konte para ipang mall once month. Nag iinternet nalang ako nun pag kailangan kasi di ako kumportable na magbabad sa internet habang ang mga tao sa paligid ko nag reresearch at nag c counter strike. At naisip ko nun.., kaya kong maging masaya kahit walang Friendster,, pero aminado akong namimis kong tumingin tingin sa mga profile ng may profile.. 2 years siguro ako nakatagal na hindi mag internet for past time.. Inenjoy ko ang real world at natatalikuran ko na ang mundo ng cyber space..

I was graduating student nung ang ka computer kina lola at nagpa internet connection si Tita.. Nag flash back tuloy sa alaala ko nung mga araw na babad ako sa i.C.., Yun, pag asa mood si tita at may chance ay nakikisingit kami <pinsan ko at ako> para mag Friendster. Sa wakas,, nagkaron din ako ng sarili kong picture sa account  ko na yun.., kaya ayos.., ang yabang ko.. kasi nung mga panahong yun,., di pa uso card reader at iilan lang ang mga may profile na picture talaga nila nakalagay.

Nawala sa uso ang testi<yung pambobola slash pagsasabi ng mga kaibaigan mo kung anong klaseng tao ka >. Ang pumalit e shoutout kung saan mo ilalalagay ang motto.., paniniwala.., o cool quotes na nakalap mo..

Nauso pa nga din nun yung paglalagay ng layout sa profile at music sa Friendster. Paastigan at pakikayan ng account nun ang labanan para maka impress at maka attract ng katerbang friend request.. At uso din yung pag paggawa ng slideshows ng mga photos mo at ilagay un sa account mo.., naiimagine ko ngayon kung gano kaporma ang mga ibang account na kinainggitan ko..

Madami akong kakilala nun na di lang iisa ang account nila sa Friendster at may mga account pa sila sa mga ilang social networking sites na nauso tulad ng high5, my space, tagged, atbp.. Ako.., nagging loyal sa nag iisa kong account sa Friendster.., I said, “why would I want many accounts when all I need is one to reach my friends?? “. Tsaka para sa akin,, sapat na talaga ang isang account.




Yun,, may mga nakilala ako sa fs na ayos naman at mas nakilala ko ang sarili ko at mga bagay na gusto sa pag e fs.. Dun ako nag express ng mga nararamdaman ko nung mga panahong akala ko e nagmamahal ako at nung nagtapos ang pinakamagandang kwento sa buhay ko..,


Nag sulat ako sa bulletin sa Friendster tungkol sa nararamdaman ko..—kung gano ako kasaya at kawasak dahil sa mga nangyari sa buhay ko.., may mga ilang naki simptya at naka appreciate ng mga gawa ko until nag decide akong sumulat ng blog sa Friendster,,

Isa akong taong Friendster dahil aliw lang ako sa mga tao <totoo man sila o hindi>, sa mga kwento.., at sa kung anong pedeng makita sa Fs. Kahit nga sa cellphone ay nag f Friendster ako nun e.. aliw naman ako kasi ang pagbabasa lang ng blog ang di mo nagagawa at pag pasok sa mga group accounts.

Isang araw.., nagising ako, at may iba nang pinag uusapan ang lahat.. Tawagin nalang natin siya sa pangalang Facebook.., ang nagpabagsak sa lipad ng Friendster,, pero di ko lang pinansin ang Fb nun ano pa sabihin nila kasi fs loyalist ako.., hanggang sa  parang wala na kong maka usap sa fs at magkaron na ko ng sariling account dahil sa tita kong gusting madagdagan ang mga neighbors niya sa Farmville..
Inexplain sa akin ang kagandahan ng Fb sa Fs.., actually.., matagal nang may naka banggit sa akin nun pero di ko lang pinapansin kasi I’m just hoping na gumaya nalang ang Fs para din a ko mmag create ng bagong account at din a ko mag simula sa scratch.. At may bumanggit din sa akin tungkol sa Farmville. Para siyang bagong counter strike nun,, kinahuhumalingan ng halos lahat.., pero I didn’t get affected.., kasi sa c.s nga di ko kinalokohan e..

Pero dumating ako sa point na parang tinanggap ko na din na panahon na para mag move on.. Ang lahat ay nasa fb na.. e bakit pa ko magbababad sa isang mundo saw ala namang tao?? At pangako ko nun sa sarili ko na gagawin ko ng tama ang lahat.. hindi ako mag aadd ng di ko naman kalala.., kaya tamang simula to.. at tagumpay si tita,, may na recruit siya at neighbor niya ko sa fv.

Sa phone.., mas ayos mag fs kesa mag fb kasi parang boring mag fb sa phone.., di ko maenjoy ang mga dahilan kung bakit ako nag sign up.., ang games at ang chat.. pero dahil nung kalaunan e nasira ang internet capability ng cellphone ko.., madalas sa computer na ko mag internet.


Hanggang sa nakita ko sarili ko na nawiwili na ko mag post ng status at kumoment.., maglaro sa mga fb games.., at gumamit ng iba pang applications sa Fb. Yun.., nagging totoong taong fB na ko..,yun ang fs kasi nalaos at nagging green pero minsan bumibisita pa din ako dun..

Bukod sa mga social networking sites,, naloloko din ang mga taong internet sa youtube,, kasi madami ka makikita dito.., mga samut saring video.., at ikaw pedi kang sumikat sa pamamagitan nito.., bastat malikot ang iyong utak o may pambihira kang talento at marunong kang mag upload ng videos..


ako.., nung panahong sumisingit lang ako at nagbabayad ng oras para makapag net.., hindi ako masyadong maaliw sa youtube,, kasi naman ang tagal mag loading ng ilang ,mga videos.. I find it unnecessary lalo na pa gang konti ng oras ko mag net o wala akong ganang manonood ng palabas na installment..

Ngayon na hindi na ko sumisingit at nagbabayad ng oras ayos na sa akin maghintay ng konti para makanod ng mga videos sa youtube

Ito mga dahilan ko para mag youtube
-may video na kalat na ako nalang di nakakanod
-may namiss akong controvercial episodes sa mga variety shows, talk shows, at sa mga reality shows
-may naiisip akong panodin na mga episodes ng tv shows na inenjoy ko nun e.g maskman, bioman,
-gusto kong matawa
-I wanna watch some tv shows na hindi naman nakakarating sa atin e.g Australia’s got talent, X factor, at mga petitions ng mga fans na I adopt sa Philippines ang mga Asian novelas with the characters na gusto nilang gumanap.. pero di naman sila pinag bibigyan ng mga tv networks.=)
-gusto kong matuto ng mga accents e.g bisaya, Ilocano,
-bored ako

I can say na enjoy pampalipas oras ang pa you youtube. Madami akong mga natutunan. Example: madami nga baka di na tayo matapos , at madami akong mga nadiskubreng tao.., mga magagaling tulad ni joe mc elderry, mga nakakatuwa tulad ni Charlie so cool like.., mga nakaka inspire tulad ni susan boyle, at mga baliw tulad ng mga nag aaway na fans sa you tube kung sino nga ba ang manggagayang istasyon.. 2 ba,, o 7??

Ngayon.., may twitter na din ako.., una,, I find having another social networking account is unnecessary pero nainip lang ako nacurious kung ano nga ba meron sa twitter,, Yun,, natuwa naman ako,, kahit 5 lang ata follwers ko e andami kong kung anong nasasagap dahil sa mga pina follow ko..

Di lang yun.., aliw din ako magbasa ng blogs ng ibang tao,, nakakatuwa yung kwento ng iba,, kaya tuloy naisip ko din magsulat ulit,, sana naman may nagt tyaga ng mga ginagawa ko.


Powerful.., that's one adjective to describe the internet.. bukod sa madami kang pwedeng malaman.., e madaming tao ang pwede mong abutin.. nagkalat na ang mga social networking sites at mga applications na iniinstall para maka chat mo ang mga gusto mong ma chat.. kilala mo man o hindi.. wala ng excuses sa communication barrier kaya pwede nang mag work out ang long distance relationship.. dahil ang mura lang makipag communicate tas kita mo pa kausap mo.. cool. Nun uso lang yahoo messenger.., tas sumulpot ang msn.. tas ngayon halos lahat nags skype..


Di lang sa research,communication, at entertainment purposes magagamit ang net,, pedi ka din mamili gamit ito. Ayos.., di ka na kelagang lumabas pa para mag shopping.., pedeng pede mo na gawin yun sa bahay mo at sabe.., makakamura ka ng konte.., basta galingan mo lang kumilatis.. Ako.., muntikan na ko ma engganyo bumili ng notebook sa net dahil convenient pero medyo natakot ako e.., siguro dahil ayokong umabot sa puntong tumatawag ako sa customer service para isumbong na defective yung item na nabili ko.., Praning lang siguro ako dala ng di ko pa na t try.. Pero in the future,, baka ma try ko din..


Sabi nila.. , pwede ka din daw maka earn ng income sa pag iinternet.., basta madiskarte ka at alam mo kelangan mong gawin.., may mga yumaman na at pinarangalan dahil dito tulad ng gumawa ng facebook at ng sulit.com.., galing di ba??


May mga ilan namang mga nanamantala gamit ang net.., porket halos lahat pwedeng gawin dito may mga nakaisip na manloko.., ingat lang sa kanila.., wag mag bigay ng mga financial details at ng mga ilang inpormasyon ng basta basta pag sinabing nanalo kayo.. at yung iba naman.., nagpapanggap sa katauhan ng iba para makapanggulang.


Ako minsan naaaliw akong sumabaybay sa mga buhay ng ilang taong intersante sa para akin.., sinusubay bayan ko lang mga status nila,,  kung cyber stalking man yon <parang hindi naman diba???>.., wala naman akong masamang intensyon.., basta natutuwa lang ako.. Ang alam ko lang.., nag didiscover lang ako ng kung ano ano.., at minsan sa kakapindot pindot ng kung anu anong sites.., e napag alaman kong may naging model na pala sa mga kamag aral ko.., galing naman.

Siguro nga middle name ko e internet because I’m just fascinated with the things it has,, you can never get enough of it. I can spend long hours surfing on the net and I’m enjoying it kasi di lang iisa ang magagawa mo.., Nun nga sa work ko dati.., halata atang adik ako sa internet kasi pagkatapos mag lunch e punta na ko sa lounge para mag fb.., madalas, nauuna ako…, online lang para I check ang mga dapat I check.., mejo limitado oras kasi di lang ikaw ang marunong mag computer..,  until nagkaron na ko ng sarili kong notebook,, di ko na kelangang mauna dun sa nag iisang computer sa lounge.. online lang ako anytime I want at hanggang kelan ko gusting tumigil for as long as vacant time naman. Search lang ng mga bagay na intersante at pulutin ang mga karapat dapat pulutin.. wag dapat paniwala na yayaman ka dahil may nag sabi sayong may napanalunan ka.., madaming manloloko sa internet,, asa sayo yun kung papaloko ka..


Kung may bisyo at kinaadikan ako.., ito na yun kasi I do not drink.., I do not smoke, I do not go to parties, discos, bars, neither I am shopaholic,,

I just find the internet as a great avenue for self discovery, self expression, and has a good entertainment value. You just have to know your limitations and all the things here are good,