Kaasar, di ako makapagsulat, tatlong araw na kong walang napopost na entry. Wow, writer’s block?? O tamad lang?? siguro naenjoy ko na naman kasing manood ng Smallville at magbasa ng ibang blog at nagpapakundisyon.., tulog, nood ng tv, internet, tv ulet.., paulit ulit hanggang sa wala na ko oras para magsulat.
Well gaya ng dati, ayos pa din ang Smallville.., asa kalagitnaan na ko ng season 5 kahit na hindi ko pa napanood ang buong season 4. Andaming nangyari, nanalo sa pagka senator si Jonathan Kent pero namatay, tas nag break na sina Lana at Clark . At si Lex, parang magiging all out enemy na ni Clark. Ano kayang nangyari dun sa season na yun at ganon na mga tao sa season 5?? Siguro, in time.., matatapos din ako sa pag download ng season 4. Sana bago ako mapuntang season 9 e matapos na ko sa pag ddownload ng S4.
Ayos magbasa ng blog ng iba.., andami mong napupulot at mga narerealize.., I found some cool bloggers and I hope some people would find me as one of them.., naks, nangarap na naman ako. Palagay ko ang masyadong pagbabasa ko e isa sa mga hadlang kung bakit wala akong entry na matapos.., bukod sa nawiwili ako e minsan nakakakita ako ng mga halos kapareho ko ng naiisip.. well it’s cool.., pero ako kasi pag nakita ko na sa iba.., parang gusto kong ibahin at iimprove,, kasi pag sinulat ko siya gaya ng nasa isip ko e para siyang ginaya, kasi super sang ayon lang ako sa mga ideya nila, galing galing. Ayoko ko namang gumaya though nakaka tempt kaya nilagay ko naman sarili ko sa planning box. Kahit impluwensya basta wag lang gaya, importante kasi sa akin ang gawa ko mismo e. Nakakapresure kaya siguro nung mga may performance contest sa high school e tinatago ka muna before your turn para di ka makapanggaya o mapressure.
Kung napapansin niyo, iba na naman ang pamagat ng blog ko, I do not find the previous titles I had catchy e. Gusto ko pamagat palang ng blog, pukaw na atensyon mo kasi yun naman talaga ang dapat. Now I’m mixing my personality and catchiness. Hope I could come up with a good title para din a ko magpalit pa.
Andami ko nang mga naiisip pero wala pa talaga akong nasisimulan. Again, I have to step somewhere. Warm up warm up warm up. Kung hindi parang tatamarin na ko at wala na ko masulat.
Tulog, tv , kaen, internet,-- mga bisyo ko habang pinili ko munang maging palaboy sa bahay kahit na alam kong dapat e inaayos ko na buhay ko kasi lumilipas ang mga araw at wala pa kong love life, ang saklap pero choice ko e..
Ngayon.., talagang kelangan ko nang magsulat kahit laman lang ng utak ko sa ngayon., para makapag warm up na at masulat ko na yung mga gusto kong ishare sa lahat. Try kong mag post ng lampas sa isang entry sa isang araw para makapag catch up though parang isang entry lang ata talaga ang capacity ng utak ko. Well, siguro kelangan ko na malampasan yung ni.set ng utak ko. At siguro din kelangan wag ko na habaan ang mga entries ko para makaya pa ng utak ko lumampas sa isa. <wow. Cost cutting>
May nagbabasa man o wala sa mga sinusulat ko, sa ngayon magpapatuloy pa din ako at mangangalap ng mga paraan para may mga magbasa ng di ko inaabisuhan. Ganito yata talaga pag nags start ka, you’ll have to begin from scratch. Tapos hopefully, may mga maipon din akong mga parokyano. Yun naman talaga ang hangad ng mga manunulat di ba? Ang may magbasa sa mga hinabi ng utak nila. Ngayon sige.., express lang ako ng express at kunwari, nagbabasa talaga ng mga gawa ko.., at sana bukas may sumita sa akin kung bakit wala pa yung susunod na post ko.. =)
No comments:
Post a Comment