Sunday, January 4, 2015

the blessed kid says Thank You: My Year End Review, my bucket list, my gratitude, my hopes.and prayers

i wrote this few minutes before 12 am of Sept 30 '14 ticks in., ngayon ko lang na post kasi may mga bagay na ayaw kong maunsyami, i claimed them as i prayed and worked to get them., mejo kinabahan lang ako, kasi what if things will go the other way? ako pa rin yung batang ayaw ipakita yung masterpiece not unless it's done.

friends, ito na yun., yung sinulat ko nung September.



this is a part of me that i can't lose as it helped me to be who i am for the past years. i'm really amazed.how things happened, pero totoong dati ko lang inilista dito, ngayon, nasa buhay ko na at nangyari na.
Naging posible ang lahat dahil kay God, dahil not on single second He left me. I owe everything to him. At dahil binigyan Niya din ako ng Pamilya na alam kong hanggang sa huli, kakampi ko, mga kaibigan na hindi ko.man madalas makasama, alam kong nandito lang sila palagi, at sa mga taong nakapaligid sa akin na tumutulong sa akin na ipakita yung mga kaya ko pang gawin the best way i can.

my last year was a blast.
oo, aamin.akong may mga pagkakataong gusto ko munang tumigil at huminga ng konti, pero, pag may gusto.kang marating, bawal maramdaman ang pagod., dapat tuloy tuloy lang; Sayang kasi.ang narating mo na, di naman kasi titigil ang mundo para sa yo at hindi ka hihintayin ng mga magagandang bagay na gusto mo, you have to chase for them, you need to work the hardest you can and let them see that you are deserving person to get them.

in my last year, there are some painful lost and beautiful achievements na dapat i celebrate.

one of the people i look up to had to take his final bow. he's been a great big beautiful part of who i am.
siguro kung wala ang impluwensya niya sa buhay ko, ibang tao ako, at malamang hindi ka matutuwa sa akin. i'm just thankful na he's my mama's father., kasi mabuti sa mama kasi pinalaki siya ng tama at mg may puso.
And forever he lives because of the love he gave at sa mabubuting ugaling minana namin.

typhoon haiyan in nov of 2013 tested my country, it helped me to see kung anong puso meron ang Pilipino, dahil don, nakita kong matitibay ang puso ng lahi ko, kaya ang pagsuko ang pinakahuling gagawin ko.

dahil mas naging determinado ako, yung career growth na inilista ko lang last year, last july i got my first promotion. :)
di naman posible ang lahat kung wala ang mga mentors ko. i owe them big time. kaya yung goal ko parati is to make them proud. i hope i did.
one thing that i must do now is keep the fire burning and maging full pledged na team leader.

lumalaki pa din ying puso ko pag may tumatawag sa akin ba boss, kinikilig pa din ako pag naririnig ko yun sa iba., na parang wow, ako?? :) :) :)

totoong mas madaling maging agent, dahil hawak mo ang oras mo, auto in ka lang, break, auto in, lunch, auto in, break, log out at uwi na . Basta sumunod ka lang at gawin mo ang tama, solve na araw mo.
ang pagiging TL is very challenging. kelangan makisama ka ng tama, di lang sa mga tao, pato na din sa oras mo, at sa mg madami pang bagay.
alam.kong madami pa kong dapat matutunan at nakahanda ako sa kung ano man ang ibabato sa akin.
i have to stick to my game plan
'make them proud buddy'

yun pala, nakapag ipon ako ng konti and i gave them to mama para di na mag alala sa bahay namin pag may acts of nature. Di pa masyadong tapos yung bahay, pero good thing is, it's almost done. :)

may mga bagong lugar akong napuntahan, filled w/good experiences , mga bagong alaalang babaunin, pero.di pa din ako sumusuko sa e.k

bilang pagbawi sa kapatid ko kasi i was one of the reasons kung bakit di siya natuloy sa abroad dati, i lent her what i have at sumuporta sa kung ano man ang plano niya. I just trust that sana tama nag desisyon ko :)

just like my previous years., last year was a battle between my dreams and staying awake.

last year brought me lessons that i can bring this year.

*give what you think you owe them. they deserve it. do it like wala ng bukas, we'll never know.
*be at your best at all times, show them they can count on you. be the person who is always there., and make sure that the time you have to ask sonething, mahihirapan silang humindi ( i mean this in a positive way, not i'm doing something to be paid back)
*things don't go easier, we just become tougher :)
* smile, enjoy, and don't forget to have fun.


at yung mga bagay that i'll work on..
*enchanted kingdom day
*vacation na kelangan kong sumakay ng eroplano
*i'll keep people's trust and make everyone proud speacially mama , the people who are with me on my battle, and the people who are helping me., proud :)
*sana ma confirm yung TL post ko. :)
*being a better person at sana mas fit. kaya Gym., see you soon. :)
*more ipon para sa future
*tsaka Lovelife, after all, i'm not getting any younger :)

For all the love I felt i have no reason not to be very thankful.

Lord.,
maraming salamat po sa nagdaang taon ko, sa lahat po ng mga blessings, sa mga taong pinakilala niyo, sa mga lessons, at sa pagmamahal na pinaramdam Niyo sa pamamagitan ng mga taong nakapalagid sa akin,.

Lord, please make all the people i love safe.
kayo na po bahala sa lahat ng mahahalaga sa akin.

patawad po sa mga pagkukulang ko, at sa mga nagawa ko pong di tama., Lord please help me to become.a better version of my self and help me to deserve all your love.

salamat po sa lahat panginoom ko, this I pray in Jesus name

Amen.

Friday, May 10, 2013

The Untold Chapter




There are things I keep to my self., iilan lang ang mga nakakaalam., lalo na pag lovelife ako,, ipapaalam ko lang pag break na o pag nakapag move on na ko., o minsan, di ko na talaga pinapaalam.. Ewan ko, this is the last topic I want to talk about. Ayokong masenti. Dati nakapag sulat na ko tungkol dito sa na una kong blog na binura na, siyyeettttt, Pero dahil andami ko ng utang na kwento, bahala na gagawin ko ulit, sana walang makabasa neto sa bahay kung hindi aasarin nila ako. hehe

Ayoko ng lovelife, madaming buhay napapariwara dahil dyan, may mga pag aaral na di natatapos, mga
pagkakaibigang nasisira, mga pangarap na di natutupad, at higit sa lahat mga tagahiwat sa mukha.--daim**

naiinis ako sa mga malakas maka pbb teens., maka magkahawak ng kamay saa dyip, sa mall, sa kalye, sa simbahan, at sa cr, joke lang.. joke yung sa simbahan kasi di naman na ko nagawi sa simbahan e.

bitter much dahil walang lovelife?? hehe

the last time I had that was years ago., yung may feelings. Yung di para maki uso lang. Ang saya ko nun, kasi di one sided katulad ng mga nakaraang bisyo
o ko,noon, ayos lang sa akin na maging third party kahit di nila alam na kasali pala ako, I become the silent party crasher. Mahal ko kasi yung tao e., nagtyaga akong maghintay ng pagakakataon., pero wala e. di ako pinagbigyan ni destiny., mas malakas yung kapit ni karibal, magkamag anak ata sila.

Well., I felt so happy finally im holding someone's hand at alam niyang may malisya.hehe. Kahit di ako sanay na hind ako ang nag1st move., I took the chance of beong happy with someone else.


Inspired akong pumasok sa trabaho. At excited akong umuwi. Masaya ako kasi my phone is serving it's primary purpose, yung nakaka usap ko yung taong mahalaga sa akin kahit wala sa tabi ko, alam kong may koneksyon kami. May updates. Yung dapat may load ako palagi kahoit ang anlaking makapatong ng pinaglolodan ko sa kanto.

Alam mo yung feeling na., kung pwedeng tumigil yung oras pag magkasama kayo, yung parang nothing can go wrong pag magkasama kayo, yung amg perfect ng lahat kahit hindi pare pareho yung takal ng ulam sa karenderya dun sa tabi ng isang pang karenderya na inconsistent din yung takal ng ulam.
Yung hindi mo pinapansin yung mga nangyayari sa paligid, kasi masaya ka dahil sa taong kahawak mo ng kamay. Kahit di ko pa sinubukang magdrugs <totoo>, para akong high. Ansarap ng pakiramdam.
Kung pwede lang na sana di na matapos ang lahat. Kung pwedeng dun na lang kami sa tabi ng isa't isa., araw araw. Yung lahat ng mga lovesongs ansarap pakinggan tapos pipikit ka at mukha niya nakikita mo..ayeee


Dahil sa sobrang saya ko nun., I was so careless., I didn't care basta nandyan siya sa tabi ko., yun, I lost my job, sabi ko nun, ayos lang, madali lang naman makahanap ng trabaho e., basta nandyan sa akin., kaya ko ang lahat. Lumipas ang mga araw, di ko maumpisahan ang paghahanap ng trabaho, kasi masaya ako, di ko maramdaman na kelangan kong magtrabaho, bakit pa, I found what I love doing., that is to love that person. Ang lakas ng tama ko. Hanggang sa isang araw, syempre may kanya kanyang buhay kami., I got the chance to be alone. Dun nakapag isip ako. , parang nawawala na isa isa yung mga nasa akin dati, parang siya na lang natitira., naisip kong hindi na nakakatuwa ang nangyayari., oo mahal ko siya., pinapasaya niya ko., nakakalimutan ko ang mga problema dahil sa kanya., pero parang nakakalimutan ko na din yata kung sino ako dati., kung ano ang mga gusto kong marating, kung ano pa ang mga kaya kong gawin bukod ang mahalin siya. Para talaga siyang isang bisyo. Masaya ako, pero di na ko natutuwa sa mga pangyayari. Kelangan ko siya pero kelangan ko din ang mabuhay, pano kung mawala siya., iwan ako., ano pa ang matitira sa akin??

Before I totally lost my self., kinausap ko siya. Kahit di ko talaga maintindihan ang buong concept ng cool off noon, dahil para sa akin dati., kung hiwalay-- hiwalay na talaga., no return no exchange, touch move., pero dahil I want to keep the person., I asked for a time., humiling ako ng 2 months na walang communication, walang pagkikita, wala lahat.

Lumuha siya, ako pinigilan ko lang, ang sakit pala pag lumuluha yung taong mahalaga sayo dahil sayo. Pinilit ko namang gawin ang dapat kong gawin ng nandyan siya kaso di ko maumpisahan, Ito na lang yung naiisip kong paraan, Napakalaki man ng mga chances na ito na yung katapusahan ng lahat pero kailangan kong mapag isa. I need to regain what I lost. Kailangan ko yung dating ako, hindi complacent, hindi careless, cautious, tsaka gusto ko ulit makita yung mga pangarap ko dati.

Kelangan kong ibalik yung mga nawala sa akin, sinabi ko sa kanya na hindi ako nakikipag hiwalay, I just need some space, gusto kong mag soul searching., at gusto buong buo ako pag bumalik na ako sa kanya. Kasalanan ito ni Basha., hehe.

Alam kong di madali sa kanya yun., sinabi ko sa kanya na hindi ko siya masisisi kung after 2 months ayaw na niya. Alam kong masakit ang hinihingi ko sa kanya, Mas masakit sa akin yun., pero yun naiisip kong paraan para maging ako uli ako. At gusto kong maramdaman na mahal ko talaga siya hindi dahil kasama ko siya araw araw. Baliw move, pero I want too see what absence can do for the both of us. I want to feel na mahal ko siya with no conditions., no ifs, no buts, basta mahal ko lang siya, kasama ko man siya sa bawat araw, o hindi.

I started my life living it as usual., nahirapan ako sa mga unang araw, nasa panaginip ko ang mga nangyari, alam ko sa puso ko na ayaw ko yung ginawa ko, kung bakit kasi hindi ako marunong sa multi tasking nun. Nangamusta ako sa isa sa mga kaibigan niya, hindi daw siya ganun ka okey.,, I was tempted to take back what I did. Nag set nga ako date for us to talk, pero di niya ko sinipot. I can't blame anyone but myself.

Pinilit kong ibalik yung ako within 2 months, hindi madali, kung hirap ako ng nandun siya, mas hirap ako ng wala siya.

The deadline came, hinintay ko siya., walang nagpakita sa akin, Sa mga panaginip ko, bumalik siya, pero panaginip lang mga yun. Masakit, I caused my own pain.

Life can make or break us. May nagagawa tayo para hindi na natin ulitin, nangyayari ang mga bagay kasi may isang malaking dahilan. Cliche, pero may mga nawawala kasi may mga darating, better than what we lost. We have to accept things kung wala na talaga, dahil dun lang tayo makakapag move on

I ended our the story. I think ayos na kami sa kanya kanya naming buhay, masaya na siya with someone at ako, sa mga nangyayari sa akin ngayon, well, I must be happy, I got my self as I wanted. Mas naging maingat na ko, mas nag iisip na.

We are accountable with our own decissions, wala tayong karapatang manisis ng kung sino man if we fail, may mga choices tayo., we must know how to play our cards well., wala naman edit button ang buhay. Hindi na natin mababalik kung ano man ang eksaktong nawala sa atin, pero we can prevent losing more important things and work on getting the things that will make us happy.



















Saturday, May 4, 2013

Tuperman Returns


Ang tagal kong nawala, i hated my self for not updating this page for a long time., kung sigurong di ko lang ugaling maglagay ng review pag birthday ko e, 2011 pa yung huli kong entry. 

Nasabi ko na nun., it doesn't matter kung may nagagawi man dito para makipag kwentuhan sa akin., i created this page to release the monster in me, para pakawalan yung angst ko, gawin kong immortal yung saya ko., gusto kong pagtanda ako, may mabasa yung mga apo ko tungkol sa akin , kung anong klaseng daan yung mga dinaanan ko. 

May ilang mga taong nagsabi sa akin na i have the gift of writing, mga apat siguro sila. sa kanila salamat. atleast alam kong liban sa mga pinilit at sinuhulan kong i visit yung page ko na to, mga apat na taong binibigyan ako ng oras. hindi ko alam kung may kinakampaya sila sa akin para sa eleksyon kaya nila pinapalakas yung loob ko. salamat. ibigay niyo lang sa akin ang pangalan ng mga kandidato niyo, sasabihin kong iboto din sila ng mga tao sa kanto namin na alam na lam yung mga nangyari sa bansa at matalino talagang pumili ng mga lider. narinig ko nga nung minsan, sabi nila mas gusto pa daw nila nung si Erap yung Predisente, kasi daw buti pa nung siya yung Presidente, tumaas yung dollar.

Noon ko pa iniisip na bumalik., ewan ko ba kung bakit di ako makabalik balik.

Siguro tinamad ako, nabarkada, nawalan ng gana, mas piniling matulog nalang, maagbasa ng akda ng iba. parang nangyari na sa akin ito dati. Alibi ko lang ang naging busy sa work, kasi madami akong iniisip, hindi kasi ako makapag sulat sa tab kasi binigay ko ng yung laptop ko sa kapatid ko, mas kailangan niya kasi para makapag dota  aral  siya ng maaayos, kasi napaka komplikado ng lovelife ng bading na nanggupit sa akin ng buhok  kanina., at  yung pinaka mabigat kong dahilan., teka lang antayin ko lang uli yung transformation ni Charice, pag buo na yung transformation niya, promise magsusulat na talaga ako.

kung maarte ako, sasabihin kong i suffered from writer's block., di ko mahanap yung inspiration ko, kasi pusong bato yung tono nung pasyon sa harap ng apartment namin nung mmahal araw kaya di na ko makapagsulat..

Enough is enough.,di na ko nagpapagupit sa bading, nagpadagdag na ko ng utak kanina sa palengke, bumili na ko ng bagong laptop at naliligo na ko araw araw kahit walang lakad kaya wala na kong dahilan para hindi ako maglagay ng proof dito na nung 2013 pa pala e buhay ako, nakaligtas ako sa inabangan kong gunaw nung 2012. tsaka i don't consider myself a writer, wala akong karapatang mag inarte tungkol sa block block.

kung babasahin pa ng apat na taong naniniwala sa akin o hindi, kung maisingit ko pa sa budget ko yung panuhol ko sa kapatid ko at sa mga kaibigan kong di na kelangang bayaran ng cash basahin lang to.

Ito yung isa sa mga bagay na gusto kong gawin, inaatake lang ako ng katamaran. Ngayon haharapin ko na ang pinaka matinding kalaban ko sa lahat. hindi ko alam kung papaano pero I have enough reason to keep going, kasi masaya akong gawin ito, gusto ko to e, kasi sayang ang panahon, yung mga kwento, yung mga naiisip ko, yung mga narinig kong karapat dapat kong i share. tsaka may isang taong ayaw kong i disappoint, at sayang yung gift na binigay ni Bro sa akin.

Napakaraming dahilan yung bakit hindi natin gagawin yung isang bagay, pero isang dahilan lang ang kelangan natin para gawin natin ang isang bagay. -- kasi masaya tayong gawin ito 
whether they give it a damn or not.
tsaka do it for yourself, not to impress other people., kung mahusay mo itong nagawa, likers will follow.

Welcome back sa akin for the Nth time. This time, hindi na ko nangangako na hindi na ko mawawala, I have enough reasons to stay.wala ba kong welcome hug?? =)

Tuesday, October 9, 2012

Pahabol., pwede pa naman

it was my first time after my 19th year that i didn't write anything before the calendar makes me a year older.., well., nanghinayang ako sa moment.., sayang kasi ang pa effect pag napag desisyunan kong mag review kung ano nga ba ang nangyari sa buhay ko non.., i tried pero pagod ako.., Sept 29., day before i turned 26., i decided to eat out w/ mama , tatay and my kapatid.., kahit wala pang tulog ge labas na , para makapagpa adjust na din ng braces at tumingin ng birthday sa asrili ko.,
 bat ako na eexplain?? hehe

the review., realizations., and lesson learned

my 25th year was a fruitful year,

i left a good company na kumupkop sa akin., they know im thankful because they made me., but i have to move on.., bago pa magkasawaan., i have tried to be w/ the ace company in the industry where i'm at., it's not so happy that i didn't last there, but i have no regrets in making that decision for i learned a lot.., 2 months , 2 good friends., a wonderful wave., new teachers and playmates and almost 3 months na i didn't eat rice,, pang statement lang pag kumakain ako sa labas .. =)

ibang experience., kahit na natakot ako nung una baka mangyari sa akin yung dati., nangyari nga,m but i know., this time., i did better,,  after all., you only get tougher.

naranasan ko din how to humiliate my self at mas pahalagahan kung naong meron ako., you just don't waste chances, kasi hindi  araw araw pasko., hindi araw araw na nag aapply ka mahi hire ka, o uusad ka sa final interview.. you just have to play your cards well and bring everything you got.

nauubos ang ipon , kaya walang puwang ang mawalan ng trabaho,, pwede pa minsan minsan pero  dapat huwag ienjoy., tamang pahinga lang siguro pwede..


as we age, the battle gets tougher, bumibigat ang pressure pero He never gives us things that we cannot handle., lahat nay purpose


hardships and challenges are there para pataasin ang market value mo., kaya huwag kang masyadong magreklamo, instead, work your ass up, **excuse the term

we should stop dreaming., instead we should set a target, kasi pag dreams., yung iba natutulog na lang..



hopes and targets**

this year i hope to step up in whatever field that i'm at., maybe i should work double time. , i should not waste time playing around or waiting in vain., magpahina minsan pwede.. =)

sana makapunta na din ako sa enchanted kingdom., oarang kelangan ko pa ata mag teacher at mag set ng field trip ng school para matupad yon.., wag naman sana

i hope that this year would be way better than the previous years,, ayokong maging iphone lang , na pakonti konti ang innovations.., dapat big time,, sayang ang araw araw,,

TY's
  to everyone who shared their time w/ me and have extent their patience., i can never be more thankful.., this ulit ha??

and to HIM., thank you po., you made verything possible., i swear that this time., no more wasting time













Thursday, September 29, 2011

The Boy I was and the Man I have become: Tupe to his Silver Year



Gaya ng mga nakaraang kaarawan ko.., just before the clock ticks 12.., magpapaalam lang ang isang bahagi ko.., sapagkat ilang minuto nalang isang bagong taon na para sa akin.. hindi na ko makakabalik…, kaya iiwan ko nalang dito ang mga nangyari sa taong iiwanan ko.., para may effect pag naisipan kong magbalik tanaw.., malay mo, ako pala yung bibida sa ‘the butterfly effect3’?? ^^

A lot of things happened in my 24th year,, mga masasaya.., mga pagkakataong gusto kong magbaril sa SM.., mga oras na feeling ko e papasa na kong maging drama actor.., at mga bangag moments.., I thank God that he let me experienced all of those before a more mature me has been born..

Akala ko naranasan ko na mga pwede kong maranasan bukod sa magkaron ng matinong lovelife at maging kasing powerful ni Pacquiao at ni Justin bieber, hindi pa pala.., there is more to life than of those I have encountered in the past.. Marami pang pwedeng mangyari na hindi ko inasahan.., maraming mga leksyon na saka mo na lang ma rerealize.., may mga tao pa palang dapat tayong makilala para  makita mo kung bakit ka nga ba nabubuhay..

Para akong kabilang sa isang reality show.., ang pagkakaiba lang, walang CCTV.., walang mga camera sa paligid.., at hindi ako magiging artista pagkatapos.. sana ganun na lang kadali ang buhay., may grand finale.., tas pwede kang interbyuhin ni boy abunda pagkatapos.

Natupad naman ang mga hinangad ko nung 23 pa ko.., ang pumasa sa LET.., at magkaroon ng trabaho.., ang totoo.., asa pagkilos natin nakasalalay ang lahat.., kung walang nangyayari sa iyo.., yun ay dahil wala kang ginagawa,, Aray ko naman.., opo titigil na ko sa pagpapacute at kikilos na ko para magka lovelife na ko.

Kung hindi ko hinarap ang takot ko.., malamang kinakabahan pa din ako na parang tanga pag nakakakita ako ng LET reviewers sa National Bookstore. Nakakahinga na ko ng wagas pag nakikita ako ng mga reviewers at natutuwa ako at nagpapasalamat dahil nalampasan ko siya,, Ngayon na may lisensaya na ko.., bukod sa plano ko itong ipa renew na kahit sa 2013 pa ang expiration date nito dahil hindi ako masaya sa picture.., plano ko ding magturo,, soon pero di pa ngayon,. Alam ko darating din ako dun..

I now have a job which I hope of having when  I was in col lege na naranasan ko naman after grad pero tinalikuran ko dahil sa mga di magagandang episodes ng buhay ko..,
Bumalik ako at nakarating naman ako.., natuwa naman ako dahil kinaya ko dahil di nga talaga siya ganun kadali.., naku.., kung alam mo lang na halos araw araw akong nagp praktis kung papano ko sasabihin sa TL ko na ayoko na po.., hindi ko na  po aantraying alisin niyo ko because I give up.., mag aartista na lang ako.

Ang buhay ay di gaya ng trabaho na magreresign ka kung pakiramdam mo ay hindi ka na masaya o simpleng ayaw mo na,, kelangan mong kayanin ang lahat gaano man kabigat ang pakiramdam mo para magpatuloy.., may oras para sa lahat.., nabubuhay tayo dahil may gagampanan pa tayo.., k aya I have applied the same principle on my job.., hindi basta bastang aalis nalang ako kasi ayoko na,, sabi nga ni mommy.., wag kayong aalis hanggat di kayo pinapaalis..


I’m really so thankful to my creator that a year has passed.., I will never be more thankful to the blessings.., lessons.., people He let me have.

Kahit ang tsunami sa japan, lindol nung nag ca calls kami ng ala una ng madaling araw.., ang bagyong Pedring.., pati ang pagpapagupit ni Justin bieber ay hindi hadlang para ipagpasalamat ko ang taon na sa akin ay nagdaan..,

I have survived my 24th year.., and I’m hoping that my 25th year will be more joyful., more fruitful , and more exciting..
Simple lang naman ang mga kahilingan ko e
Sana naman makapag enchanted kingdom na ko, magka lovelife, at mag trend sa twitter.
Bukod dun.., sana I hope to find stability.., and perform my purpose.

We deserve what’s happening to us and what we have.., maniwala ka.., kung anong nangyari sa sayo at kung anong meron ka ngayon.., yun ay dahil yung ang deserve mo.., kaya I’ll work harder to deserve what I want to have,, if I worked hard enough and what I want was not given.that  means God will give me more than what I think I deserve..


“tuper.., laban lang.., di ka nag iisa..”

after the training

 

Every shift.., I battle for survival.., for redemption.., at para  patunayan sa TL ko na tama lang na pinaglaban ako ni kuya P. para tumuloy sa production floor.

Kahit kada shift e ayoko na.., dahil parang ayaw ko ng pumasok dahil naiimagine ko na naman how the shift will look like.., for sure para na naman akong bata na pa.cute lang ang alam at magtatanong kung anong gagawin.

Pero nakaka survive ako dahil naniniwala akong things will just go better cause it can’t be any worst..

Palagi akong sinasabihan ni TL na use your search engine.., exhaust all your resources first,, tae.., déjà vu.., dahil yun din ang habilin ng mga mentors ko.., kulet ko lang e no..

Alam kong kung badtrip ako e dobleng badtrip sa akin ng TL ko at paniguradong dismayado ang mga mentors ko pag nalaman nilang di pa ko nag iimprove.. Di ko pa naalis ang ugali kong matanong

Ang totoo.., you have to show me not tell me so I would learn.., ang angas lang e no ,, umaatittude.., sabi nga ng TL ko nung minsan ay nagkaka engkwentro kami sa mga coaching sessions, ang kakulitan ang pinaka mahirap gamutin sa lahat..

Tinanong ako ni TL nun kung ano daw gagawin sa mga di nag iimprove.., andami kong mga tanong na hindi sinagot dahil akala ko e sapat na ang katahimikan para tumugon sa mga tanong niya.., pero dahil sinabi niyang kelangan kong dapat na ko sumagot.., I remember I said “ If I know I have done everything.., then I have to let that person go..”

Halos every mid shift.., iniisip ko kung papano ko simulan ang pagpapaalam ko sa TL ko.., dahil nararamdaman kong I’m not serving my purpose.., pero dahil sumasaya naman ako sa ilang mga calls bago matapos ang shift at dahil sa mga kawavemates ko.., kumapit ako.., inisip ko nalang yung napanod ko sa “facing the giants” , pinapikit ng coach  yung football player at pnagapang niya with a heavy man on the player’s back.., hindi napansin ni football player na anlayo na pala ng narating niya kahit hirap na hirap siya sa bawat gapang.., dahil sa motivation at sa mga  taongot ko mga kasama niya.., kinaya niya ang akala niyang hindi niya kaya..

Pag tinatanong ako ng mga wavemates ko nung mga unang araw naming na how’s my shifts.., una sagot ko not good.., tapos samga sumunod na araw.., sinasabi ko nang getting better kahit di naman masyado.., well.., totoo ngang fake it until you believe it.

Dumating yung mga araw na nagiging medyo magaan na yung shift.., araw araw ba naman ang dasal ko na “sana po Lord, makapagpakita po ako ng improvements..” di naman Niya ako binigo..

Pag gusto mo ang isang bagay, di ka basta bastang susuko kahit gaano mo man maramdaman ang hirap.., e gusto mo yun e..,  pinasok mo ng wala namang pumipilit.., tapos konting hirap lang e ayaw agad?? Paano mo malalamang malakas ka kung sa una ay aamin ka na , na mahina ka.

Na touch ako nung sinabi minsan ni TL ko na may potensyal ako.., pero sana daw gamitin ko yung potensyal nay un para magkaron ng saysay.., dahil wala namang halaga ang potensyal lang kung hindi ginamit. Atleast di ba  I have it inside me,, I just have to let it out..

We have 3 months from the date we’re hired to show to our tls that we deserve to stay.., ang hirap nun..Nagpaalam na ko kina mama nun na magreresign ako .., kaya plano ko na hindi umabot ng 3rd month review pero pano ko malalaman na papasa pala ako kung bago ako mag 3 months sa work ay sumuko na ko..

 Buti nalang kahit di madal.., di ako sumuko.. kasi tanggap ko naman kung ano man maging kahinatnan ng mga pangyayarinun dahil alam naming pareho ng TL ko na ginawa naman naming ang dapat naming gawin..

Buti nalang at naipasa ko at naiendorse ako sa susunod na level..

Basta wag lang dapat sumuko


Wednesday, September 28, 2011

The Day i lost my Noki


After the shift.., nagdecide ako na magpacute muna sa mall bago umuwi.., kung nandun ka lang nagpa pirma ka na sa akin dahil ang hot ko lang dahil sa aviator glasses..

Naglakad kami sa mall dahil mukha naman kaming tungaw kung magd dyip kami sa loob o sasakay sa tren.., hanap kami ng makakaininan., mga 2 years kaming nagtatalo kung saan kami kakain.., dahil grown up na ko.. sabi ko anywhere basta wag sa mga pambata.., wow attitude much. Ikaw na ang gwapo dahil sa aviator glasses na kakabili lang 2 days ago.

Yun.., we finally decided na kumain sa Jollibee pero madaming nakapila kaya nag iba ang plano.., lumipat kami ng mall and have decided na dun nalang kumain..

Nung andun na kami sa place.., I noticed that something’s missing.., tae may nawawala sa akin.., si Noki.., dahil ica calculate ko na sana kung magkano ang share naming sa oordrin namin.., I stayed calm.., dahil slim naman si Noki.., malamang asa singit lang siya ng bulsa bulsa ko.. nung sigurado na ko na nawawala na nga siya.., taimtim kong sinabi na “ guys..,  I think I lost my Noki.., kala nila biro lang kasi gusto ko lang tumakas, pero that’s a damn a good excuse don’t you think?? Pero totoo.., nawawala nga siya.. naku.., di naman ako nag panic dahil I’m planning naman na palitan na si Noki dahil I saw some good phones out there,, matagal na din serbisyo ni noki sa akin .., 2 years.. pero sinubukan pa din naming siyang hanapin dahil sayang  naman,, ganun nab a yon after 2 years pag nawala din a susubukang hanapin??

Una.., pakiramdam ko ayos lang.., madali lang naman bumili ng bagong phone..,andaming di naman kamahalan. Pero habang tumatagal,, narerealize ko na iba si Noki e.. wala siyang kapalit,, andun yung mga litrato ko.., ang gwapo ko pa naman  dun di ko pa sila nalilipat sa facebook.., at pano kung I post sa internet ang mga almost nude na photos ko?? Hehe


Kahit hindi halata dahil halos andami kong nakain na pansit palabok.., hindi ko malasahan ang kinain ko.., I felt that I lost a friend.., wala ng gigising sa akin.., wala ng kakanta sa akin pag nageemote na ko.., wala ng channel para makapag connect ako sa mga kaibigan ko.., wala na ang teleponong nakasama ko ng dalawang taon na katuwang ko sa mga nangyari sa mga oras na yun.., siya ang kasama ko sa mga awkward moments na kailangan kong magkunwaring may ka text o nag gagames.. kasama ko din siya mag capture ng mga moments dahil malinaw naman ang camera niya.., especially feeling ko na syett ang gwapo ko kaya dapat itong makunan ng camera at ipost sa facebook. Hindi ko na maririnig sa iba na “ ang cute naman ng phone mo kahit ang totoo ay nagseselos ako dahil naunang pinuring cute ang phone kesa sa akin.. bwisit lang dahil hindi na nagbebenta ang nokia ng gaanong model.. at para sa akin walang makakapalit sa kanya kahit hindi siya wifi capable at walang flash ang camera niya..

Sabi nga nung ad nung lumabbas yung phone.., it’s not just a phone.., it’s who we are..
I felt I lost a part of my self too.., kahit palagi ko lang siyang dine deadma dahil mas madalas kong kaharap ang notebook ko.., totoong mararamdaman mo lang ang halaga ng isang bagay pag wala na siya sa sayo..

Feeling ako ang malas ko lang nung araw na yun habang nags sink in sa akin na hindi lang cellphone ang nawala sa akin..,kundi isang kaibigan na kasama ko palagi.., parang nga siyang isang bahagi ng katawan ko.., hindi ko kayang lumabas ng walang phone.., wala akong akong alarm clock.. wala akong relo..

Inisip ko.., mas lalo nang mangyayari sa lovelife ko, dahil wala na ko telepeno.. malas.

Habang naglalakad ako sa mall mag isa at nagh hope pa din na kahit papano ay matisod ko siya sa daan at sanallphone  wala pang nakapulot dito.., pero.., nung wala na talaga.., naramdaman ko na ang pangit ng nangyari sa akin.., pero just when you thought you are the most doomed person in the world.., God will show you how lucky you are..
I saw a guy on a wheel chair na walang paa.., pero mukha namang masaya siya..
Kung siya nga walang dalawang  paa pero ngagawa pa niyang ngumiti.., ako pa na si nawalan lang ng cellphone na pwede namang palitan

Maybe it’s time for me to get a new phone at sana mabait yung nakapulot ke noki.., sana alagaan siya gaya ng pagaalaga ko at sana magwapuhan sila sa mga letrato ko..

I miss you Noki