Every shift.., I battle for survival.., for redemption.., at para patunayan sa TL ko na tama lang na pinaglaban ako ni kuya P. para tumuloy sa production floor.
Kahit kada shift e ayoko na.., dahil parang ayaw ko ng pumasok dahil naiimagine ko na naman how the shift will look like.., for sure para na naman akong bata na pa.cute lang ang alam at magtatanong kung anong gagawin.
Pero nakaka survive ako dahil naniniwala akong things will just go better cause it can’t be any worst..
Palagi akong sinasabihan ni TL na use your search engine.., exhaust all your resources first,, tae.., déjà vu.., dahil yun din ang habilin ng mga mentors ko.., kulet ko lang e no..
Alam kong kung badtrip ako e dobleng badtrip sa akin ng TL ko at paniguradong dismayado ang mga mentors ko pag nalaman nilang di pa ko nag iimprove.. Di ko pa naalis ang ugali kong matanong
Ang totoo.., you have to show me not tell me so I would learn.., ang angas lang e no ,, umaatittude.., sabi nga ng TL ko nung minsan ay nagkaka engkwentro kami sa mga coaching sessions, ang kakulitan ang pinaka mahirap gamutin sa lahat..
Tinanong ako ni TL nun kung ano daw gagawin sa mga di nag iimprove.., andami kong mga tanong na hindi sinagot dahil akala ko e sapat na ang katahimikan para tumugon sa mga tanong niya.., pero dahil sinabi niyang kelangan kong dapat na ko sumagot.., I remember I said “ If I know I have done everything.., then I have to let that person go..”
Halos every mid shift.., iniisip ko kung papano ko simulan ang pagpapaalam ko sa TL ko.., dahil nararamdaman kong I’m not serving my purpose.., pero dahil sumasaya naman ako sa ilang mga calls bago matapos ang shift at dahil sa mga kawavemates ko.., kumapit ako.., inisip ko nalang yung napanod ko sa “facing the giants” , pinapikit ng coach yung football player at pnagapang niya with a heavy man on the player’s back.., hindi napansin ni football player na anlayo na pala ng narating niya kahit hirap na hirap siya sa bawat gapang.., dahil sa motivation at sa mga taongot ko mga kasama niya.., kinaya niya ang akala niyang hindi niya kaya..
Pag tinatanong ako ng mga wavemates ko nung mga unang araw naming na how’s my shifts.., una sagot ko not good.., tapos samga sumunod na araw.., sinasabi ko nang getting better kahit di naman masyado.., well.., totoo ngang fake it until you believe it.
Dumating yung mga araw na nagiging medyo magaan na yung shift.., araw araw ba naman ang dasal ko na “sana po Lord, makapagpakita po ako ng improvements..” di naman Niya ako binigo..
Pag gusto mo ang isang bagay, di ka basta bastang susuko kahit gaano mo man maramdaman ang hirap.., e gusto mo yun e.., pinasok mo ng wala namang pumipilit.., tapos konting hirap lang e ayaw agad?? Paano mo malalamang malakas ka kung sa una ay aamin ka na , na mahina ka.
Na touch ako nung sinabi minsan ni TL ko na may potensyal ako.., pero sana daw gamitin ko yung potensyal nay un para magkaron ng saysay.., dahil wala namang halaga ang potensyal lang kung hindi ginamit. Atleast di ba I have it inside me,, I just have to let it out..
We have 3 months from the date we’re hired to show to our tls that we deserve to stay.., ang hirap nun..Nagpaalam na ko kina mama nun na magreresign ako .., kaya plano ko na hindi umabot ng 3rd month review pero pano ko malalaman na papasa pala ako kung bago ako mag 3 months sa work ay sumuko na ko..
Buti nalang kahit di madal.., di ako sumuko.. kasi tanggap ko naman kung ano man maging kahinatnan ng mga pangyayarinun dahil alam naming pareho ng TL ko na ginawa naman naming ang dapat naming gawin..
Buti nalang at naipasa ko at naiendorse ako sa susunod na level..
Basta wag lang dapat sumuko
No comments:
Post a Comment