Wednesday, November 24, 2010

LET's Drink to That: The LET Results Hang Over, an Endless Gratitude ,and a Message




To say that I'm happy after I saw my name on the list of  the Sept.26 LET survivors would be an understatement.

Magdamag akong di nakatulog pagkatapos kong malaman na pasado ako.., titig lang ako sa exam result at binantayan ko yun baka kasi kung matulog ako  e may magtanggal nun..

Titig.., ngiti.., titig.., pikit mata.., titig.., ngiti.. yan lang ang ginawa ko.. di pa din ako makapaniwalang kung papano at napasama ako sa mga mapapalad na nakapasa..

Hindi na ko magtatanong pa kung papano ako pumasa baka kasi ngayon din ay i recheck ang papel ko.

Ilang araw akong lutang at bukas lang ng bukas ng mga sites kung saan may exam results para tingnan kung andun lahat ang pangalan ko.. Basta.., ngiti lang ako pag naiisip kong I’m in a no dream sequence.. this is really happening. At nagdasal pa din ako nun kahit siguradong pasado na ko, na sana, wala namang lumabas na balitang nagka leakage, kung hindi papasabugin ang tumbong ng kung sinuman ang pangahas na nagkalat at gumamit ng leakage sa exam. Kasi ako malinis., utak lang at sex appeal ang ginamit ko sa exam, tas sinamahan ko ng sangkatutak na dasal.

Pero kapag tinitingnan ko pangalan ko.., sinisigurado kong LET results nga binabasa ko at hindi resulta ng drug test. Yun naman kasing test na yun, kahit na hindi na ko mag aral at hindi ko i.take.. alam kong papasa ako dun. Nagpapatawa lang. mabuti na at malinaw, baka kasi may taga PRC na makabasa neto, baka irevoke yung license ko kahit di pa siya narerelease. – wala pong bakas ng droga sa dugo.. inborn lang ang pagka adik.

Nag flash back sa akin mga pinagdaanan ko sa tuwing nakatitig ako sa pangalan ko sa exam results.., andaming balakid, Hiya, pagdududa sa kakayahan, at ang kakulangan sa preparation, pag atras ng kasama ko sanang pupunta sa PRC.., pero buti nalang at di ako nag paapekto this time, kung hindi, hindi ko ma eexperience to. kaya ngiti ako hanggang batok.

Dahil sa inggit at sa mga taong nasa paligid ko na tumulak sa akin para maging matapang e naging possible ang akala ko ay hindi mangyayari sa buhay ko.

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng tagumpay ko. Wow.. feeling best actor awardee lang..

Ke Mama na sinasabihan akong mag review pag nakikita niya kong nagf facebook at nanonood ng TV. Buti at di niya  hinampas sa akin ang notebook ko sa mga pakakataong dapat review ang inaatupag ko.. kung di.. iiyak talaga ako.. ang mahal ng notebook ko e..

Sa pamilya kong andiyan sa likod ko kahit anu man ang mangyari sa akin.

Sa mga Tita kong sumuporta sa akin sa pag aaral ko nun.

Ke Tita na nagsabing kina R nalang ako makitulog night before the exam para di ko na problemahin kung saan ako tutuloy night before the exam.

Sa Pinsan ko at sa kanyang kabiyak na si R na pinaramdam sa akin na ayos lang na makituloy ako. kahit mejo nag aalinlangan ako nun dahil hindi pa yata kami nakapag usap ni R bago pa ako makituloy sa kanila. Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko at hindi ko pinansin ang hiya,, kasi kung nagpatalo ako sa pakiramdam na yun, malamang sobrang na stress ako before the exam dahil maghahanap pa ko ng matutuluyan sa isang lugar na di naman pamilyar sa akin,o hindi ko na lang sinipot yung exam. Biruin mong hindi siya umuwi ng weekends para may matuluyan lang ako.. I know thank you isn’t just enough. Ambait, buti at hindi nasayang ang sacrifice niya..

Sa kaklase kong si S na inistorbo ko ng halos buong araw nung nagpunta ako ng PRC mag isa.., siya ang gumabay sa akin over the phone sa kung anong kelangan kong gawin para din a ko magtanong sa mga nagpaparegister sa PRC at makipag textmate. Isa siya sa mga pinag hugutan ko ng inggit dahil nauna siyang humarap sa laban kesa sa  akin at nagtagumpay.

Sa lahat ng mga guro ko..

Ke Ma’am H, Ma’am D, at Ma’am L na naging mga English techers ko nung H.S kaya dina bago sa akin ang pagdanak ng dugo pag while having class. Mahigpit kasing pinagbabawal sa  mga klase nila ang magsalita ng ibang wika lalo na kung iniimbento mo lang ang pagiging Chinese mo at kumakanta ka lang pala ng butsikik. EOP, English O Piso kami sa klase ni Ma’am L, magbabayad ka ng piso sa bawat hindi ingles na sabihin mo pag nahuli ka--EOP; Ke Ma’am H., wala atang charge at hindi naman masyadong mahigpit,, nabanggit ko lang siya dahil isa sa mga all time favorite teachers ko, ambait kasi at ayos magturo. Sa Klase naman ni ma’am D na balita ang pagiging mahigpit e tikom ang bibig naming pag hindi English sasabihin namin, may charge din ata sa klase niya Dahil bawal magsalita ng Vernaculars na akala ko e telescope nun, naging bihasa ako mag sign language at naging man to beat ako sa  larong charades . ^^

At para makumpleto ang mga English teachers ko nung high school., sama na natin si Ma'am G. na bumatok sa akin nung sinubmit ko sa kanya yung draft nung essay na ginawa ko kasi nawala yung isusubmit ko sa kanya, hindi ko alam kung sinabotahe ako o burara lang talaga. pero nawala yung pinaghirapan ko e, kesa naman walang maisubmit, yung draft na lang kaya ang pangit ng sulat ko at puro bura bura. Akala ni Ma'am G. e ganun talaga ako magsulat sa personal.Sinumpa ko siya ng ilang buwan kasi umalog yung utak ko sa pagbatok niya, pero pinatawad ko din siya dahil binigyan niya ko ng suman,, Salamat sa kanya, dahil dun, pinag igihan ko ng konti ang hand writing ko. Oo dahil sa suman naging pang architechture student ang sulat ko. joke lang sa arki student hand writing part. pero totoong nag improve ang sulat ko dahil sa suman.

Ke Ma’am P. na naniwalang kaya kong pumasa. Naaalala ko nung nakasakay ko siya sa dyip at nangumusta kung magta take daw ako ng LET, sabi ko hindi po busy po kasi ako nung filing., sabi niya, try mo mag take, kaya mo yun. Wow at biglang lumaki ang ulo ko nun. hulaan niyo nalang kung saan banda.. ^^

Ke Sir B. na sobrang naging impluwensya para pag igihan ko ang lahat. Na challenge ako sa sinabi niya sa akin nun nung nag enroll ako sa isang major subject na pang 4th year kahit na 3rd year palang ako kasi irreg student ako.., transferee e. Pede naman kasing kunin yun kasi tapos ko na yung isang major na pang 3rd year. Tinanong niya ko kung “ are you sure you are taking subject?” Ngumiti lang ako para di ako maihi dahil kinabahan ako sa tanong niya.., What if hindi, Pero nagtanong siya ulet ng same question. This time, sumagot na ko ng Yes Sir, at yuko para di niya mapansing naiiyak na ko at gusto ko nang I drop bukas na bukas din ang subject na yun. Pero dahil alam ko naman na di niya ko pababayaang malihis ng landas e tinuloy ko ang subject nay un kahit na pakiramdam ko minsan e left out ako sa discussion kasi alam na ng mga kaklase kong seniors ang tungkol sa mga yun, plantsa na lang sila, ako kelangan pa kong labhan. Pero nakahabol naman ako.. Idol teacher si Sir. Dahil sa kanya, somehow, I considered teaching to be a career I want be to like him though I know marami pa kong kelangang matutunan at maranasan.

Ke Ma’am T. na binugbog kami sa mga performances.., siya yung isa samga teachers na ayos mang hostage ng mga grades. Ang drama, kung di niyo gagawin yan, wala kayong finals.. –ma’am peace po ^^. dahil sa kanya, natanggal hanggang sa 2nd layer ang mga hiya namin sa katawan, dahil din sa kanya e muntik na kaming magsaksakan magka kaklase dahil sa movie na pinapagawa niya sa amin na hindi namin maumpisahan, script palang kasi e di namin mapagkasunduan,, nagmakaawa na nga kami nun sa bahay niya pero hindi kami pinagbigyan na mag play nalang. Dahil dun naranasan kong maging writer kaya andaming imperfections ng debut movie naming pero dahil sa pinagawa niya, nararagdagan ang mga kaya naming gawin tulad magpacute at mabulol sa harap ng camera at sumira ng camera dahil sa mga acting namin na halatang ang iba ay di pa graduate sa mga dula dulaan days. Dahil ke ma’am R. din, naibenta namin ang kahihiyan naming sa halagang 2,000 php nung pina join kami sa isang dancing competition. We landed 3rd. kasi tatlo lang kami naglaban laban. Ang hilig magpagawa ng mga kung ano anong bagay ni Ma’am R. kahit na nag rereklamo kami at SSShhhh,.. wag kang magsusumbong kung kilala mo siya ha??  pinag uusapan na hindi siya masyadong mahilig mag discuss kaya kung ano anong pinapagawa niya sa amin,e wala kaming nagawa kung di gawin ang mga pinapagawa niya.. Accept lang kami ng mga acting projects kahit di kami taga performing arts at gawa lang kami ng mga projects na minsan we find it so pambata, siguro kasi nalaman niyang di ako gumagawa ng mga projects ko nung elementary. Pero In the end nakita ko din naman purpose ng mga lahat ng pinagawa niya sa amin para mas tumatak ang mga pinag aaralan namin at para maragdagan ang mga bonding moments namin at para masanay kami sa atensyon at hindi mahiya sa mga tayo. Dahil ke ma’am R. natutunan kong huwag bumitiw kung hindi kelanman e hindi mo na magagawa ang dapat naranasan mo kung kumapit ka lang. Accept lang ng mga challenges na akala mo ay di mo kayang gawin.. pag ginawa mo kaya mo, pag hindi tamad ka lang o duwag,, kasi kaya mo yun e.

Sa mga kaibigan ko hindi ako iniwanan. Sila yung isa sa mga nagpapalakas ng loob ko.

Ke D. na niremind ako na magreview. Siya yung nagsabing dapat alam ko mga dapat unahin.. kasi pede naman akong magsawang manood ng mga series at movies after the exam. Nahiya naman ako sa kanya,, sa kanya kasi tumitingin nun pag exam na pinag uusapan. Sa kanya ako kumukopya nun pag hindi ko alam isasagot ko sa mga quizzes at exams nung h.s kahit ang liit ng sulat niya at super guard. Nakakapuslit ako ng mga sagot minsan at nahuhuli niya ko, buti ni minsan di ako sinuplong. Isa si D sa mga maagang nagturo sa akin kung papano tumayo sa mga  sariling paa. At isa din siya sa mga impluwensya ko kung bakit malakas ang pananalig ko ke Lord.

Ke Z. na cool lang. Siya ata yung unang sinabihan ko na babagsak ako sa exam right after taking the test at sabi niyang “ hindi yan”. At siya din ang nagsabing hanggat ala pang resulta, hindi pa ko bagsak..nakaka good vibes pag siya na kausap ko tungkol sa board nung hindi pa nirerelease results. Basta positive lang siya. Nakaka uplift kahit na tanggap na tanggap ko na ang pagt take 2 ko sa exam.

Astig magbigay ng kompinsya at sumuporta ang mga kaibigan ko, hanggang sa dulo, walang bitawan.. Salat man ako sa mathematical skills, i know i can count on them like 1,2,3 as they can count on me. no wonder hindi ko pa naiisipang magpalit ng mga kaibigan..

Sa mga iba ko pang kaibigang nagsabing kaya yan, at sinasama ako sa mga dasal nila..

Sa lahat ng mga taong naniwalang kaya ko bago ko pa paniwalaan ang sarili ko na kaya ko nga, Kung pinapalakas niyo loob ko ang dahilan nun.. it worked ^^

Sa taong unang nagbalita sa akin na pumasa ako na hindi ko pinaniwalaan,, sorry, kasi kahit naman sino atang magbalita sa akin nun e pagdududahan ko ang kredibilidad ng balita nila. Nagkataong ikaw yun at hirap lang talaga ako maniwala hanggat di ko nakikita na totoo nga. Sanay kasi ako sa mga nagt trip. Sensya na..

Kahit sa unang site na sa una e pinagdudahan ko din ang kredibilidad kaya naghanap ako ng ibang source., Di na talaga nakumpleto yung saya ko nun hanggat di ko ako nakakita ng isa pang source..

Sa mga reviewers ko na pinansin ko lang nung ilang araw nalang bago ang exam na at ibinigay ko na sa kapatid ko right after the test. Aaminin ko, dahil pag nakikita ko sila e naaalala ko ang lahat ng mga mapapait na naranasan ko sa kamay ng LET. Ayoko kasing makita ang mga mali kong sagot na andun sa mga reviewers baka mabangasan ko ng matindi ang sarili ko dahil hindi ako nag aral ng maayos.  Nung mga panahong di pa narerelease ang exam results, naasar ako pag nakikita ko sila kasi asa kwarto lang sila ng kapatid ko kaya madalas e tabunan ko sila kong ibang libro.  Pero after seeing my name on the passers' list e kinamusta ko yung 2 reviewers at nginitian at nagpasorry,, buti wala silang buhay kung hindi katakot takot na sumbat maririnig ko. Ngayon, kung kelan wala ng exam, pinapansin ko na sila at nginingitian. Minsan e kinakantahan ko pa sila at hinahainan ng prutas at itlog pagdating ng ala sais ng gabi

sa aking sex appeal ako na kahit minsan man ay di ako binigo pag tipong nilalaglag na ko ng utak ko . Parati niya kong sinasalba pag hindi na gumagana ng maayos ang utak ko.

sa aking naging inspirasyon, salamat sa pagbuhay uli ng natutulog kong puso. mahal pa din kita kahit kasal ka na. Lana lang. at sa bagong inspirasyon ko.., magkikita din tayo..

At sa higit sa lahat sa Panginoon na nagbigay sa akin ng lahat..

Sulit hanggang sa huling patak ang tulong, suporta, mga tinuro at lahat ng mga naibahagi niyo sa akin.. Iniaaalay ko po sa inyong lahat ang tagumpay na to dahil di ko to kinaya kung mag isa lang ako.
Maraming Salamat Po!!

Alam kong umpisa pa lang to ng mas malaking laban.., pero hanggat asa likod ko kayong lahat, wala akong di makakaya..

Ikaw na magta take.., takot mag take, at ayaw mag take ng board exam.. kaya mo yan.. ako nga kinaya ko kahit na hanggang ngayon ay nagtataka ang mga taong nakakita ng mga ginagawa ko nung mga panahong dapat ay nag rereview ako.

Hindi mo talaga malalaman na papasa ka kung di ka naman mage exam.. Mamamatay ka lang sa inggit at lalamunin ka kakulangan ng tiwala mo sa sarili mo.. Hanggat takot kang bumagsak.., hindi ka pa nakahandang pumasa.. tapang lang..

Ibinibigay lang talaga ni Lord ang blessing sa mga taong handang tumanggap nito. Tinitingnan niya kung gaano ka kahanda at kung gaano mo ka gusto ito.

Natural ang mabigo, pero pwede namang bumangon. Huwag kang matakot.., hindi ka nag iisa sa laban.. may mga taong naniniwala sa yo.. dapat ikaw din, maniwala ka sa sarili mo.

Saturday, November 20, 2010

The LET Chronicles of Tupe: The Moment of truth




Sabi ng kaibigan ko, hanggat di pa lumalabas ang resulta ng exam, ay hindi pa ko bagsak. Dahil dun ay nagsilbing tanglaw ang karampot na liwanag na meron ako.

A month after the exam e silip ako everyday sa coolbuster.net para tingnan kung anong nagyari sa LET at parang gusto kong tingnan kung makakapuwing ang ga butil na buhangin kong pag asa na mapagtagumpayan yung exam,, Lumilipas ang mga araw at nananabik na ang mga LET takers.., ako nga minsan sumasakit na ang puson sa kasabikan.

Halos lahat inip at nagdarasal na sana ay nakasama sila sa pumasa. Ako.., hinga lang ng maluwag.., kasi hindi pa ko officially bagsak.., pero one day gusto ko din makita yung result.. by that time.. di ko na siguro maiiisipang tumungga ng muriatic acid.

Binabasa ko yung mga comment ng mga inip sa result at naghohope na pumasa.., dahil dun…, isa ako sa mga maagang nakaalam na hindi naman nanuod ng pay per view na nanalo si Pacquiao after 12 rounds at unanimous ang desisyon.. wow—at nauna ako sa ABS na maghatid ng spoiler para sa mga sumusubaybay sa GMA.

kung ako si Pinocchio, malamang ay natusok ka na sa ilong ko kung ikakaila kong may mga pagkakataong dumadaan sa isip na sana may good news pag na release na nag result.. After all, walang imposible ko Lord. I trust his plans, kung ibigay man niya sa akin o hinde, may maganda siyang dahilan.

Naisip ko.. malamang kaya pinapatagal ng PRC yung release ng exam result ay para hindi na masyadong umasa ang nakararami.. That worked for me..  Sabik padin sa result pero Tanggap ko na kahit ang sakit na talaga ng puson ko.., kelan ba nila ilalabas??

Nov.16 ng umaga at ni check ko sa coolbuster kung may resulta na nga.., as usual.., wala pa din.. so naglaro, nanuod at nag feeeizzboooook lang ako buong araw. Until before 6 pm e may nareceive akong comment mula sa isang kaibigan na hindi ko masyadong pinaniniwalaan ang mga good news niya,, dahilan ko?? Kasi pag nag good news yun.., parang imposibleng mangyari yung balita niya .., mahilig magbiro yun.., not that I’m saying that he’s a liar. 

Ineexpect ko siyang I cocongrats ako para sa LET kahit wala pa namang result. At hindi nga ako nabigo, tama ang hinala ko.. Flatered naman ako kasi iniisip niyang pumasa ako kahit alam kong 10% lang ang possibility nun.. holiday ngayon., kaya hindi naman siguro ipopost ngayon ang resulta,, Gayunpaman,, ni check ko pa din para may karapatan akong magsabing "alam ko.., pero wag kang excited, nauna ka pa sa PRC mag release ng result, anak ka ba ng machine na nag check ng mga papel??"wow.. kafalmuch lang.. joke lang naman kasi yun, hindi sumaagi sa isip ko na papasa ako pero pinagdarasal ko yun araw araw.

At nung tingnan ko yung coolbuster.., hala.. meron na nga.. At naramdaman ko na ang excitement at kabang kinainggitan ko na isa sa mga nagtulak sa akin na kaharapin ang laban na kukumpleto sa diploma ko. 

Literal na nginig kamay kong ni check kung hindi nga siya nagbibiro.., kasi pag hindi ko pa nakikita ang pangalan ko sa list  hindi ako maniniwala.., At ng asa letter C na ko ng mga 9,493 pumasa out of 36,714 na nagtake e kumabog dibbib ko.., hindi ko matyempuhan sa mga Cruz,, at nung andun wow.. dahan dahan kong minumove yung scroll at tiningnan ang pangalan ko.., at naggdasal ako na sana naman andun talaga ako.. at wow.. totoo nga!! Tiningnan ko siya ng malapitan kaya tinutok ko yung monitor ni Oshi sa mga mata ko at ni check ko ang spelling.. at Woooow.. tama,. Ako yun.., pangalan ko yun.. kaya bago pa ako mag announce  sa fb ang tagumpay na pinagdasal ko araw araw ay gusto kong ishare sa tita ko na tumulong sa akin para magkaroon ako ng matutulugan na malapit sa USTe before the exam.. salamat sa kanya at sa manugang niya. Can’t thank them enough. ^^ kaso wala siya. Gusto kong sumigaw ng malakas sa sobrang saya kaso baka akalain ng mga kapit bahay namin may ipis na naman na papalapit sa akin. Kaya pinigil ko sarili ko na sumigaw,, kaya yes!!  na mahina pero may force na lang ang nasabi ko..

Gusto kong sabihin sa pusa namin kaso di naman kami close nun.., kakapalo ko lang sa kanya dahil inunahan niya ko sa ulam ko..

Ang saya..sobra.. dobleng saya yung feeling kesa nakita mo yung kaklase, pinsan, crush, at kakilala pero di naman kayo close na pumasa sa Board. Kasi pag may pumapasa sa board na kakilala ko e masaya ako para sa kanila kahit na may halong inggit na sana ako din.

Mayabang na kung mayabang.., pero inanounce ko na sa Fb na pumasa ako.. I won’t wait for anyone to congratulatulate me..
Hindi biro ang exam at hindi sapat ang mahirap para I describe yung exam.. dapat yung adjective dun e impossibleng ma take 1. ^^

Naalala ko yung panaginip ko last year at kung ano ang pakiramdam ko nung napanaginipan ko yun,,

Last year I dreamt of passing the board exam.., ang saya ko nun.., di ako makapaniwala kasi alam kong di naman ako nag take pero pumasa ako.. Pero kahit na panaginip lang yun e napasaya niya ko.


Para sigurahin na hindi lang sample result o joke yung nakita kong result, naghanap ako ng iba pang source…, kahit na masaya na ko.., gusto kong I confirm na totoo nga ang dahilan kung bakit ako masaya. Ni check ko yung isang site,, hala walang result dun.., at kinakabahan ako..

Hindi ako masyadong kumbinsido sa iisang site lang.. kaya parang napalitan ng kaba yung saya ko.. Yung pakiramdam ng batang nakatanggap ng regalo na hindi niya inexpect tapos baka bilang babawiin sa kanya dahil nagkamali ng pinagbigyan yung nag abot ng regalo.

Hanggang sa pinakita sa akin ng kaklase ko ang screen shot ng mga passers na nagsisimula ang surname sa letter C. positive. Andun ako. wow.., totoo nga,, pabiro kong nasabi na babantayan ko araw araw ang pangalan ko sa result baka kasi tanggalin. Wow.

Wala sina mama sa happy moment ko.., asa hospital sila kasi si bunso.., na typhoid. I just hope bunso will recover pretty soon and I know  they’re going to be proud once they knew the news.

Ganun pala yung pakiramdam ng masaya ka nga pero there is no one to share it to at the moment where you are at your happiest state.. Buti na lang at may facebook... At andun sina tita kaya tinatawag namin sila mama para sabihin ang magandang balita..

sabi ko ke mama..< sad voice> "Ma, lumabas na kanina yung resulta ng exam., hindi na ko magtatake ulit.."
sabi mama.," Bakit naman??"
sagot ko. " e kasi Mama, pumasa ako"
sabi ni mama.. " ang galing galing " kahit na alam kong pano nangyari yun?? ang susunod niyang sasabihin dahil nung mga panahong dapat nag rereview ako, smallville lang inatupag ko..

2 years in the making din ang victory na to.. after 4 LETs mabuti nalang at hinarap ko ang laban .. at wow.., unang take,, pasok! Ang galing ni Lord. I can never be more grateful.


at may isang bagay akong hindi nasabi ke mama..
 "Ma, total ngayon at pasado naman na ko sa board, ,  pwede ko na bang ibigay virginity ko?"

Virginity anyone? None? sad. 

<maldito.., di mo man ako kakilala.., peram lang ako nun.. tnx>


Thursday, November 18, 2010

The LET Chronicles of Tupe: The Aftershock


kuha ko yan after mag exam.., alaala na minsan e nag board exam ako at dyan siya nangyari--baka di na kasi maulit..haha.. sana.


Alam kong di ako nag iisa sa laban nung nag exam ako.. kasama ko mga taong naniwala sa kakayahan ko, mga nagtiwala na kakayanin ko ang laban na yun,dahil laban din yun ng mga taong nagmalasakit at tumulong sa akin sa kahit anong paraan para maging posible na harapin ko ang laban na 2years in the making.

Sila at ang alaala ng pagpila sa PRC ang naging dahilan kung bakit di ako bumitiw sa laban nung 1st round kahit bugbog na bugbog na ko. Kahit na naninigas na ko sa lamig dahil sa ircon at sa erectic fan habang nag eexam ay kumapit pa din ako.

 Kung magtagumpay man ako ngayon  sa laban na  dapat noon ko pa sinoong ay para sa kanila yun.., at para sa panginoon. Kung di man ako palarin, e alam kong madi disappoint ko sila.. at higit sa lahat disappointed na naman ako sa sarili ko..

---yun ang mga thoughts ko nung nakasakay na ko ng bus pauwi,, wala akong bitbit na anumang kompyansa na magtatagumpay ako sa laban na kinaharap ko.

Nag f flash back sa utak ko yung mga sadistang tanong na nagpahirap sa akin.. at yung katangahang nagawa ko.. ganito yun.. nilalaktawan ko ang mga hindi ko alam at sinasagutan ang mga alam ko at mga tanong na may ideya ako.. tas binabalikan ko yung mga tanong na nilaktawan ko para hulaan.. pero may ilang mga items na naduling pala ako sa pagsagot.. yung mga sigurado kong sagot.., sa maling number ko naishade..tae.


Nag sisink in sa akin ang lahat.., nasa if only mode ako..  if only nag aral ako ng mabuti nung may panahon akong mag aral ng mga dapat kong matutunan para ipanalo ang laban malamang masaya akong umuwi dahil ang isang malaking pag asa na kinaya ko.. , at malamang nag uwi din ako ng siopao.., pero di ba nag emote nga ko sa bus.. . at wala ako sa gana na bumili ng kahit na ano.., gusto ko lang turukan nila ako ng gamot na makakapag palimot sa lahat dahil kawawa naman ang ulo ko kung iuntog pa sa bato para magka amnesia,, ang sakit na nga niya sa pag intindi ng mga katanungan at pag iisip kung uuwi na ba ako o hindi, nagta take ng test..

You know what’s good about family?? Tatanggapin ka nila kahit ano man ang pinaggagawa mo.., hindi ka nila huhusgahan at iintindihan ang katangahan mo..

Pag uwi ko ay kinamusta ako nina mama.., may mga tao dawn a nag alala para sa akin dahil sa isang pambobomba na naganap pagkatapos ng exam?? Sabi ko,, mom, I’m ok, I just had a little head injury because of the exam. I do not expect anything from it,, I think I screwed it up I guess I need to take it again --- pero syempre hindi ako nag eh ke mama baka ipaulit pa niya sa akin from the top ang mga sinabi ko sa kanya. Sinabi ko lang.., Ma ang hirap., siguro mag te take 2 ako. Pero nagulat ako sa bombahan na sinasabi nila.., sabi ko.., ma wala namang bombahan pagkatapos ng exam, picturan lang sa may fountain at mga view sa UST naganap. Yun pala e may bombahan sa La Salle the same date during the salubungan after the bar exam. Siguro kung sa USTe naganap ang pangbobomba,, nanood siguro ako kasi di pa ko nakakapanood noon nun live, tsaka pag nasatisfy siguro ako e pati ako mismo magbobomba din,, ha?? May pagsabog?? Sori, ibang bomba pala tinutukoy ko.., sensya na napudpod lang ang utak dahil sa mga tanong na hindi ko na maalalang inaral ko at mga pangalang nun ko lang nakasalubong..

I felt sorry for the people who got affected by the bombing incident,, siguro kung andun ako,, niyakap ko yung bomba para ako na lang masabugan diba?? Tsaka para di na ako tanungin ng mga kakilala kong alam na nag exam ako  kung anong nangyari sa exam..

Pinatay ko ang pag asa sa puso ng mga taong naniniwalang papasa ako. Sinabi ko sa kanila ang totoo. Hindi sapat ang salitang mahirap o sobrang hirap sa exam para ilarawan kung gaano inalis ng exam na yun ang kompiyansa na may natutunan nga ko.., kasi pagkatapos nung exam ay pakiramdam kong wala akong natutunan sa pag aaral ko.. major major hirap xa.. close to impossible of passing kaya ang tingin ko sa sarili ko nun ay pumupunta lang ako sa eskwelehan para kunin ang baon ko at makipag kwentuhan sa mga kaklase ko. Sinabi ko din na napakaliit ng chance na pumasa ako kasi may mga tanong na hindi ko man lang binasa tapos halos lahat ay hula na.. kokonti lang ang sigurado ako na tama ang sagot ko. Para hindi na sila umasa na makikita nila ang pangalan ko pag lumabas na ang resulta. Pessimist ba?? I'd say.., realistic lang.., ayoko kasing madisappoint sila at ako.

Hindi ako umasa na papasa ako pero nag dasal ako n a sana isama ako ni Lord sa mga  papasa sa mga Sept. 2010 LET hopefuls.

Ganoon siguro talaga pag alam momg di ka masyadong nag effort kaya madaling tanggapin na mahihirapan ka talaga at walang samaan ng loob kung hindi ka man magtagumpay.. Hinayang lang ang naramdam ko pagkatapos ng exam.. siguro if i tried hard enough.., magkaka chance akong pumasa.. Sinayang ko ang pagkakataon na kumpletuhin ang pakiramdam ng pagtatapos ko sa pag aaral.., kasi aminin man natin o hinde, pag may board exam ang course mo, parang may kulang hanggat di mo pa naipapasa yun.. at sinayang ko din ang pagkakataong magkaroon ng valid ID.

Gayunpaman.., hindi ko pinagsisihan na pumila ako sa PRC ng kalahating araw at nanginig sa lamig habang sinasagutan ang mga tanong na ang karamihan ay sumubok ng katinuan ko.Ginawa ko lahat ng kaya nung araw na yun,, pero ganun yata talaga.Pero anuman ang maging resulta ng exam, masaya ako at sa wakas nagkaharap kami,.

Ang Panginoon na lang ang bahala sa lahat.


Wednesday, November 17, 2010

The LET Chronicles of Tupe: The Main Event


After giving it a much thought, I decided.. yes.. 2 years after my graduation.. I'm finally doing it.

Night before the exam dahil sa kaba, namamahay at dahil di ko na na check ang building, room, at upuan ko <wow> ay di ako masyadong nakatulog. Baon ang mga nalaman ko sa konting panahon ng pagrereview kuno, mga nalaman ko buong school life ko.., mga narinig ko sa T.V.., tiwala at panalangin ng mga taong may alam ng kakayahan ko at nagmamahal sa akin.. at ang takot na di mahanap ang agad ang classroom at building kung saan ako mage exam at hindi nakalimutang baunin aking sex appeal.., kahit 5:30 pa lang, e buong sigasig kong tinahak ang daan patungo sa isang malaking hamon ng aking buhay na susukat kung karapat dapat akong bigyan ng lisensya na pina pangarap ko.

Patalastas:
Nga pala, dinasal ko ke Lord na kung sakali man na ibigay niya sa akin ang aking minimithi ay magsisilbi ako ng 2 taon sa pagtuturo sa public school. Kung magustuhan ko man at kung buhay pa ko, e magiging guro na talaga ako.
----Back to the show.

Hindi naman mahirap hanapin ang building at wala pang 5:40  e andun na ko sa harap ng building kasama ang mga maraming naputing polo shirt na makikipag tagisan sa mga sarili namin. WOW.., andaming gustong maging guro,, pero gaya nga ng favorite line ko.., Many were called but only few will be chosen.

Dumating ang 6:30 at asa loob na kami ng room.., 21 kami na mage exam at may 2 minsan 3 na nagbabantay.., busy kasi yung isa.

Dahil sa pagka praning at sa takot na di makapag exam pag may violation ako, e sinunod ko ang nabasa ko sa guidelines ng program na binigay sa amin after the registration.., bawal ang bag sa exam room.. kaya di ako nagdala.., iniwan ko sa bording house sa kabiyak ni pinsan ang bag.., pero dahil pasaway din at takot na ma lost in the city, dinala ko yung fone ko kahit na alam kong bawal din yun.. mahirap ng mawala lalo na pag wala pag dalang fone, magmumukha kang tanga na nawala sa disyerto, buti pag pag may fone,, pag nawala ka.., para kang tanga na nawala sa sementeryo,, atleast sa sementeryo.., may mga matataas na nitso na pwede mong apakan until you find your way out,, o lundag ka na lang sa pinakamataas na nitso para wakasan na ang katangahan mo.
                                                              
Nagulat ako nung may mga dalang bag yung iba,, di naman pala siya strictly bawal.. edi sa sususnod alam ko na.. at bigla kong minura ang sarili ko.., tae mo, at may balak mag take 2. wag kang ganyan.., tandaan mo ang haba ng pila sa PRC. At dun ko naisip na minsan pala may dual personality ako.. yung tanga at yung suplado.

Mabait yung nagbabantay sa amin at pinatago ko sa kanya yung fone. Iuuwi daw niya.., tawa lang ako pero naiiyak na ko.., pinigilan ko.., inisip ko nalang yung daan na tatahakin ko para makauwi, naalala ko naman siya.., pede na ko mabuhay kahit iuwi niya yung fone ko pero nag alala pa din ako dahil sa mga hubad kong larawan sa fone.. kaya medjo naluha ako sa pag aalala.. Nagjojoke ako sa mga hubad na larawan sa fone.. wala akong ganun sa fone. Nailipat ko na sila sa notebook ko. Biro ulit.

Seat no.9 pangalawa sa huli., kaya di ko marinig yung mga instructions na binibigay nila sa amin, kaya minsan ay nagtatanong ako sa katabi ko kahit hindi kami close,, dahil dun napapa English ako sa  pagtatanong. Minsan di din maintindihan ng napag tanungan ko,, mas dominant kasi yung tangang katauhan ko pag kinkabahan ako., kaya yung napagtatanungan ko yung nasa likod ko.. Kaya tanong na lang ako sa nagbabantay o kokopyahin ko yung ginawa ng nasa unahan ko.. takot na takot ako nun na magka erasures baka kasi mainvalidate yung papel ko.. sayang naman ang plano kong magpa pizza pag pumalpak ako sa LET dahil dun.

May kinopya pala kaming panunumpa na bawal ilabas at ikalat ang mga test questions. Sa kaba ko.., maiisipan ko pa bang tandaan ang mga tanong dun para makapag tayo ako ng sariling review center??  Pwede kung di ako  pumasa haha. <kung may mga taga PRC.., joke po yun.. joke> pero sino namang engot ang mag eenroll sa review center ng taong bumagsak sa board exam?? 

bawal ang erasures sa exam .kasi kaya daw i detect ng machine na mag che check ng mga papel ang mga markings kaya mali na agad yung sagot mo pag nagpalit ka., dapat pala ay pinagdala kami ng monggol 2 na walang pambura.. o sana pinatanggal yung pambura ng aming mga lapis para hindi kami makapag bura. dapat maging firm ka sa mga hula sagot mo 

Gen Ed uunahin namin at tatapusin naming yun within an hour and a half. 150 items siya..Set A. ako., may kabang medyo excitement ang naramdaman ko nung sumasagot ng mga tanong,, Ganito yung style ng laban na kinaharap ko..

Sa Una.., gaganahan.. kaya e,, -“wow alam ko to a.., mukha yatang papasa ako”

After few items I said - “focus lang.., kaya ko to.. nabasa ko to e”

Ilang sandali pa.. “nabasa ko to e.., sabay kamot sa ulo”

Ilang items pa.. “nagsisisi na ako sa hindi pakikinig ke prof. , napag aralan naming to e.. di ko lang siya maalala eksakto”

Tapos ng ilang tanong,, “kuha ako calcu solve solve lang”

Pero “ano to?? Hala first ko pa to napag aralan.., bahala na”

Pagdating sa halos gitna.. “ano to?? Sino siya?? Bat andito to?? Di naman ata naming napag aralan to e.. tae.., sang kasulatan ito galing??”

Gitna ng laban—magiging madasalin ang ka.., pray bago sumagot “ lord kayo na po bahala..”

Ilang items pa e magiging madasalin ng hindi na masyadong iniintindi yung tanong “Lord.., help po”

Tapos makakarinig  kung ilang minuto nalang natitira,, at nape pressure  na dahil nakikita mo na yung iba na nag ssubmit ng papel.. kaya.., may mga tanong kaya.. “lord.., bahala nap o kayo talaga” “power of C na to”

At may mga ilang tanong na di ko na binasa,, sinagutan na lang dahil kulang na sa oras..

Mga bandang huling part habang sumasagot ng hindi na nag iisip.. teka alam ko to pag inintindi ko..

Tapos may mag aanounce na 5 minutes,,

“hala kung kelan kayak o na mga to.. naku..”

Mr..***** “anjan na po”

Medyo ganun yung nangyari sa akin sa 3 exam.. napag isip ko kung uulit ako, e umpisa at bandang dulo uulitin ko dahil tila naka sandwich ang mga pahirap sa utak at magpapatagal sa yo..

After the first exam e parang gusto ko nang lumabas ng room dahil alam kong palpak ako umpisa pa lang.. pano pa ko papasa?? Pero since favorite ko nung review ang Prof.Ed, pinagpatuloy ko ang laban,, mahirap din siya,, parang ganun din yung pagkakadesign ng exam.. sandwich.. Kung hindi ko hinulaan na lang ang iba ay ako na naman ang pinaka huling natapos.. Tae,, so hard.. At totoong nakaka pressure pag nakikta mong tumatayo na ang iba para mag submit ng papel.., ikaw, asa kalagitnanaan pa lang ng exam.

Yun palang paraan ng pag shade sa mga answer sheets namen ay hindi pabilog o parang nung nakaraang automated elections.., i s'shade mo nung maliit na patayong rectangle.. at dahil dun.. naintindihan ko na kung bakit kami pinagdala ng ruler.. 

Nun palang nagsubmit kami ng papel para sa first part ng exam, may nakitang papel si tagapagbantay.. hinanap niya yung may ari kasi ginawa niya daw  lotto ung test.., ginuhitan niya lang patayo.. dahil dun tiningnan ko yung paraan ng sagot ko.. baka ako yun.., nakita ko naman na shaded yung box.., kaya safe ako.. lagot siya..

At nung lunch na namin.., gusto ko na talagang umuwi ng Pampanga,, parang pointless na kung itutuloy ko pa to.. wala na ko chance.. una palang laglag na.. tapos yung pangalawa,, medyo madali sa una pero mahirap pa din,, yung pangatlo kaya??

Seryoso--- sumagi talaga sa isip ko ang umatras at huwag ng tapusin yung exam kahit magmukha akong katawa tawa kasi pagkatapos ng mga sinagot sa exam kahit na hindi ko man lang tiningnan yung mga ilang tanong kasi gahol o sa oras o nakakita ako ng mga numbers <oo.., umabot ako sa puntong ganong kagago para hulaan ang isang napaka importanteng exam sa buhay ko> pero naisip ko yung mga dinaanan ko, mga reviewhan kuno moments, yung excitement at kaba.., naisip ko.. andito na ko.., at ito na ang araw na yun.. anjan naman si Lord.. kaya wala na tong atrasan.

Guess I’m really a coward kung umatras pa ko sa laban e andun na ko.. tinuloy ko siya ng may ngiti.. at major ko yun.. sabi ko sa sarili ko.., kahit yun man lang e maipasa ko..
Masayang sagutin yung major round,, totoo.. mas masaya siyang sagutin kesa sa dalawang nauna.. siguro kahit dun lang e alam kong pasado ako.. at nabasa ko lahat ng mga tanong a.., may review pa yun sa mga di ko sigurado kahit na natira na naman ako pero.. oeno ngayon?? Hindi karera pinasukan kong laban,, exam..

Patalastas

Habang nag t take ng final round e tinawag ako ni motha nature,, at ang gara ng men’s room ng USTe sa eng’g building a,, parang mall.. gusto ko ngang picturan ang sarili ko dun kung hindi lang ako asa kalagitnaan ng laban at nga pala,, naipatago ko nga pala yung fone ko sa nagbabantay.. Merong mga taong di ko inasahan na manghiihimasok sa escape ko sa exam.—may mga babaeng nag c.r sa Men’s room.. OO.. sigurado ako babae sila,, sayang kung kelan pa naman palabas na ko dun sila pumasok pero nung bumalik ako sa room at nakita yung mga test questions.. gusto ko silang balikan sa c.R at nakahanda na kong talikuran ang lahat pero baka hindi na ko payagang lumabas.

Balik sa palabas

kasalukuyan kong nag aanswer ng papel ng lumapit si isang tagapagbantay na malagkit ang tingin sa akin.. <crush siguro ako--kafal lang ^^> akala ko kukunin yung number ko. Sinabi niya sa akin na may mali sa pag shade ng pangalan ko.. dumoble yung isang line sa pag shade ng letra.., dahil dun nag alala ako sa karampot na pag asang makapasa ako.. yun binura ko at tinanong ko siya may crush ka ba sa akin.. atin atin lang walang makakaalam, promise Miss., magkaka problema ba ko dahil may erasure ako jan?? umiling siya at nagpa cute. Buti na lang at walang kaso yun at buti daw at napansin ng superior niya na dumoble ang pag s shade ko.., kung hinde, sa pangalan pa lang e bagsak na ko., tanga lang. Nakahinga ako ng maluwag dahil nung umaga pa e may binura na ko at pinalitan sa pagkaka shade sa part na yun dala nng excitement sa pag shade. .

Natapos ako ng mejo lampas 5 na yun.., at hindi ako kumain.. tubig lang nilaman ko sa tyan ko.. di ako nagdala ng pagkain kasi baka mag picnic na naman ako.. e exam yun,, tsaka baka maisuka ko sa papel dahil sa kaba ng kinain ko.. tsaka di ako nakakain ng lunch dahil iniisip ko kung uuwi na ba ako o itutuloy ko ang laban..

Umuwi ako at iniwan ko na din sa UST ang pag asang magkaroon ako ng lisensya dahil sa exam na kinuha ko. May take 2 pa naman.
wala ako jan.., at hinndi ko sila kilala.., Habang may gulo na sa La Salle e picturan lang sila at mukha naman silang masaya.., malamang di sila nag LET


Inenjoy ko nalang ang view sa USTe at pinagmasdan ang ilan sa mga nag take sa exam na dinaan nalang sa picturan ang pagka drain ng mga braincells. Ako. nagmamasid lang at naghahanap ng soulmate.




The LET Chronicles of Tupe: The Journey



Oo.., kasama sa plano ko mag take ng board exam kahit ayaw kong magturo dahil sa pag sosolve ng grades at sa paggawa ng lesson plan at sa pagbebenta ng tocino..—mahina ako sa sales talk.  Wala gusto ko lang magka lisensya para cool. Yan ang nasa utak ko habang nag aaral ako nung college.

After graduation e parang naalis sa plano ko yun.., parang ayokong mag LET <board exam para sa teachers>. Katwiran ko?? E hindi naman requirement sa kurso ko ang board.., blessing lang siya.., at pwede siyang tanggihan. Pero ang totoo ay natakot ako para sa kahihiyan ko, ayoko kong mag take ng mag take ng mag take hanggang sa kilala ko na lahat ang mga nagt trabaho sa PRC. Kasi naman, nakaka straight ng buhok sa kili kili ang mga naririnig kong mga kwento tungkol sa board exam. Para daw siyang raffle, swertihan.. kahit na cum laude ka na e maari ka pa ding di pumasa pag di siya para sayo,, e wala pa naman akong swerte sa raffle.

Oo.., duwag na kung duwag,, mahina na kung mahina ang loob.., at sabihin mo nang wala akong karapatang mabuhay at bubunutin ko ng isa isa ang mga buhok mo sa ilong pag sinabi mo yung pangatlo dahil sumosobra ka na.. Di mo na kailangang ipamukha sa akin. Alam ko okay, alam ko kung alam mo lang.

Pero pag tinatanong ng mga tao kung may plano akong mag take ng board exam,, ang sagot ko e Opo, para maisend ang message sa kanila na may pangarap ako at isa dun ang makumpleto ang pagka graduate ko ng kursong pwede kang maging guro.
 

At pag tinanong nila kung kelan.., sagot ko ay pag handa na ko.., sa loob ko e pag nangyari yun,, di niyo malalaman,, magugulat nalang kayo dahil nakasabit na ang aking walang buhay sa pang Ginoong Pilipinas na katawan sa harap ng TV <wow.., nanuod muna ng tV para di mainip bago malagutan ng hininga.>

Dahil wala naman talaga akong malalaking plano sa buhay ko bukod sa sumali ng Survivor Philippines at magmura ng mag mura sa mga cast aways na nag vote sa akin pag out na ko sa game at mag audition sa Pinoy Idol at sabuyan ng tubig ang judge na sasabi ng masama sa pagkanta ko, e sinali ko na plano ko ang mag take ng LET.. alam yan ng mga kaibigan ko. Pero sabi ko sa kanila.., e magiging sikreto yun pag nagkataon para naman kung hindi ako palarin e hindi ako mahihiyang lumakad ng naka speedo sa kahabaan ng EDSA habang kumakanta ng ‘Saan ako nagkamali..’

Kasama na nga siya sa plano pero hindi siya priority at plano ko lang siyang isikreto na para lang akong natae sa salawal. OO alam kong pag bumagsak ako e maaamoy nila at idedeny ko lang siya, at pag pumasa ako malalanghap nila at aaminin kong ginawa ko nga.

Lumipas ang mga LET at dinedma ko lang sila dahil nag bi busy-han ako sa buhay at nagkukunwaring may importante akong ginagawa kaya hindi ko mabigyan ng panahon ang pagkuha ng transcript sa school at pag reregister sa PRC.Tandaan pag ayaw.., maraming dahilan..

Naging call boy ako dahil malakas daw ang kita dun.., pero di ko kinaya dahil parang bumibigay ang katawan at ang utak ko sa mga nangyayari gabi gabi at madaling araw sa trabaho. Pinanindigan ko kahit nahihirapan ako, dahil nung college sinama ko siya sa plano kong gawin para mabuhay. Nung mga panahong yun e mura pa siguro ang katawan koat kelangan pang mas hasain ang utak ko sa mga kaganapan e pinili kong mag bagong buhay, pero plano ko ding bumalik pag handing handa na ko. <Para sa mga may planong mag tanong kung magkano ang singil ko e wag niyo nang ituloy. Call boy ang term naming ng mga kaibigan ko para sa mga boy na nagta take ng calls at bukang bibig ang thank you for calling>

Nagturo din ako ng Ingles sa mga amoy kimchi. Ayos naman yung experience., minsan e kelangan marunong kang magpigil na hindi masinghot ang hangin kung gusto mo mabuhay hanggang sa matapos ang klase niyo--- note: MINSAN, dahil may mga estudayante namang walang ganoong amoy at kaya namang I tolerate,, may mga kaamoy lang natin,, at may mga marunong maligo ng umaga  nagbabasa ng buhok.
At madalas e kelangan mong magpasensya at ipakita sa kanila alam mo at sigurado ka sa mga pinagsasabi mo kahit na minsan e nalito ka na din dahil hinilo sa mga tanong nila.

Hindi din madali maging ESL teacher dahil ang mga kausap mo e hirap magsalita ng lengwahe kung saan kayo pwedeng magka intindihan. Alam ko.., kaya sila nandito para matuto ng Ingles pero gusto kong magsulat ng liham sa Wish Ko Lang korea na sana naman ay pabaunin ng kahit konti pang Ingles,, wag lang yes or no me at ok ok.

Oo, bilang ESL teacher ay mananahi ka din at magmimistulang construction worker. Kelangan mong tahi tahiin ang mga ideyang binigay nila sa yo para maintindihan mo sila at kelangan mong I construct sa maayos na sentence ang mga sinasabi nila para matuto sila.

Yun ang mga pinagka abalahan ko at naging alibi ko para hindi makapag board exam. Hanggang sa isang araw ay nainggit ako sa mga  ka work ko na mga nursing graduates at mga educ. grads na eexcite pag labasan na ng resulta sa board exams. At dobleng inggit ko sa mga pumapasa. Kitang kita mo ang inggit sa mga mata ko  na parang “ ang sarap naman ng cake na yan.., sana balang araw ay makakain din ako niyan”

Dahil gusto kong magkaroon ng karapatang ma excite pag labasan na ng alam mo na..,exam results, at para may pagkaabalahan ako pag naisipan kong mag resign dahil pagod na pagod na kong mag explain sa tamang pagbigkas ng Long at Wrong at really, ay niyaya kong magparegister ang kaklase ko nung college at pumayag naman siya. Pero may nangyari lang,, katangahan na naman at hina ng loob dahil takot akong pumunta ng PRC mag isa dahil sa mga nagbebenta ng mga pekeng metered stamps ay ginawa ko na namang dahilan nag trabaho para di makapag register kahit na medyo buo na yung loob ko na magtake dahil ayokong magtanong ng “pano kaya kung ako din nag take?? Buhay pa kaya ako??  O tinakwil na ko ng buong angkan namin dahil I’m a big F—Fa cute lang at walang alam. At yun.., mas pinili ko ang 500 pesos na incentive at hindi na muna ulet mag LET.

Pumasa ang kaklase kong inaya kong mag exam at hanggang bumbunan na ang inggit ko. isang take lang siya kaya hanga ako sa kanya. Niluto siya ng panahon hanggang sa naging handa siya at ako?? malapit na yatang maging tutong,homaygad.
Kaya pagkatapos ng 2 taon pagkatapos kong nag graduate ng college ay tinanim ko na sa utak ko na mag Le LET ako.., kung bumagsak man ako.., so be it.

Desidido man na ako ay may balakid pa din.., nabalitaan ko sa co-teacher ko na parang wala daw LET this September kasi barangay elections. Kaya nakahinga ako ng maluwag  nalungkot sa nabalitaan ko. Talaga yatang di ako mag le LET this year.. buti na lang  sayang naman.

Pero dahil sa mga sabi sabi paligid at sa kaklase ko,ay napag alaman kong may gaganaping board exam para sa mga guro this September. Kaya napressure nabuhayan ako ng loob pero pressured. At umandar na naman ang pagka Boy Aya ko.., nagyaya ako ng mga kaklaseng di pa nakakapag LET.. Pumayag sila.., pero ako parang nagdadalawang isip pa din ako dahil sa 500 peseos sa incentive kung wala kang absent. Nakapunta na ng PRC ang mga nakayayaan ko ay yun pa din ako at nag iisip kung mag aabsent ako o hinde.

Ayon sa naka post sa www.prc.gov at hanggang June 30 lang ang registration. Malapit nang matapos ang hunyo at nag iisip ako kung 500 o chance na dumugo ang utak  magka lisensya at makumpleto ang kulang sa pagka graduate ko.  .

Bago natapos ang Hunyo ay nalaman ko sa kaklase ko nung college na extended ang registration para sa BE hanggang july15 kaya yun.., hindi ko na kelangang mamili bet. Incentive and PRC day ko. Sakto naman at yung holiday dahil sa proclamation ni PNoy ng June 30 ay na move sa amin ng july 2 dahil nagpaka Gloria ang admin namin kaya nag momove ng mga holidays. Ayos naman yun,, kahit na ang lahat ay nasa SM at ineenjoy ang mga sahod nila ay nagt trabaho kami pero.. kami lang ang makaka enjoy ng 3 araw na sunud sunod na walang pasok at pwede naming lakarin ang mga dapat lakarin sa mga Gov’t offices,, ayos yun para sa akin,, din a kailangang mag sacrifice incentive.

Ako nga si Boy Aya na di makalakad mag isa kaya aya ng aya,, e na aya ko yung co-teacher ko na sumabay na lang sa akin punta ng PRC para may kasama ako dahil ayokong mag isa—minsan tanga ako sa direksyon.., baka din a ko makauwi ng Pampanga. Payag naman siya,, until, the day before us going to PRC, nag back out siya.., ala daw siyang cash dahil mas pinili niyang mag Enchanted Kingdom na lang kesa lakarin yung sa lisensya niya at samahan ako para makauwi pa din ako sa pamilya ko kahit na pumunta ako sa lugar na hindi naman ako pamilyar.

Tae.., taena talaga, mauudlot na naman ba ang pag le LET ko <kung kelan nakahanda na mga kelangan kong dalhin tulad ng mga batong ikakalat ko sa daaanan ko at pupulitin ko pag pabalik na ko para di ako maligaw> dahil kung sakali e luluwas akong mag isa sa Maynila. Nag isip ako,, at pinag isipan ko talaga siya ng maigi,, umabot ang pag iisip ko ng 2 minuto. Napag desisyunan ko na lalaban ako.. kung hindi ngayon?? Kelan pa?? OO.., napunta ako sa Now or Never situation..

Pinili kong pumunta ng Maynila mag isa.., pero nag load ako na hindi ko na madalas gawin dahil nagtitipid ako para ke Oshi.., yung notebook ko.., para mabili ko na siya,, anyway,, humingi ako ng tulong sa mga kaklase kong alam ang bandang PRC Manila over the phone,, Buti at marunong na ko sumunod ng mga instructions,, nakarating ako sa PRC bago mag 10am,, over the phone din.., ginabayan ako ng kaklase kong pasado na.. hindi ganon karami ang mga proseso.., pila lang.. at pinangako ko sa sarili ko na ayaw ko nang umulit magpa register para magkalisensya,, kaya gagawin ko ang lahat para pumasa.. handa akong magpakama sa mga judges. Siyempre joke lang,, wala namang mga judges pag board exam tama??

Habang nakapila ako.., naisip ko.., pagkatapos sumakit ang ulo ko sa mga di natin kalahi.., parang gusto ko naman magturo ng mga batang naiintindihan talaga ang mga gusto kong iparating,, kaya gusto ko na din magka license para mapag silbiham ang ating bayan.wow --parang pulitiko lang.

Nakauwi naman akong buhay, pagod, pero masaya dahil nakagawa kong magparigister sa PRC mag isa. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na sinamahan ako at ni.guide over the phone. At pakiramdam ko nung moment nay un e naragdagan na ang mga kaya kong gawin.

Araw araw ay nakikipag tawaran ako sa sarili ko kung kelan ako mag sisimulang mag review,, natapos ang july, dumating si august, at di ko pa nasisimulan ang magbasa basa at umintindi ng mga kelangan ko may bala naman ako sa kakaharapin kong engkwentro.
Kaagaw ng atensyon ko si Oshi.., siyempre bago siya at dini discover ko pa siya,, andami kong kina aliwan sa internet,, ang review?? Iniisip ko lang siya pero di ko siya ginagawa.

Sabi ng isa kong kaibigan e dapat alam ko ang priorities ko,, kaya na guilty naman ako,, paminsan minsan e binubuklat ko ang reviewer ko sa bahay at sinasagot ang mga ilang katanungan mula sa isang reviewer site sa internet. 15 minutes lang e napupunta na ang atensyon ko sa Smallville.

Last day ng August, bumili ako ng isa pang reviewer sa NBS.., pingako ko sa sarili ko na dapat wag ko nang balewalain ang pagrereview,, yung iba nga na puspusan ang pag rereview na e bumabagsak,, ako pa kaya na 15 minutes review every weekends lang??
Kelangan mo na tong seryosohin tupe,, sayang naman ang 1,400 na ginastos mo sa pag reregister, ang mga binili mong reviewers at ang kahihiyan mo.

OO.., hindi ako sumunod sa plano na isi sikreto ang pag ttake ko ng exam.., alam na ng lahat pati ng mga friends ko Friendster na hindi ko naman kilala at walang pakialam sa akin..

Dumating ang September,, sakto,, wala na ko trabaho at makaka review na ko.., pero naging kaagaw ng atensyon ko sa pag rereview si Lana Lang.. kaya di ganun ka puro ang oras na naibigay ko sa pag rereview sa last 25 days before the big day.

Araw araw.., nagc count down ako.., kinakabahan.., na pepressure,, <dahil yung pinsan kong nursing grad e RN na,, sang take lang siya.., ang galing> at nahuhumaling ke Lana Lang at ke Blair Waldorf.., ala na patay na pag rereview ko..

Nagbabasa naman ako dahil nanghihinayang ako sa mga nagastos ko sa pagbili ng mga reviewers.., kung pagkain sana nabusog pa ko.. kaya pinilit kong tapusin yung bagong librong binili ko.. hindi ako nagmemorize.., di na din kaya ng utak ko.., gahol na ko sa oras para mag memorya kaya inintindi ko nalang mga kaya kong intindihin.. at pinilit na intindihin ang mga di ko maintindihan.. kelangan kong gawin yun kung ayaw kong masiraan ng bait sa UST.

Nga pala.., tinulungan din ako ni oshi.., pag tinatamad na ko mag review, nagsasagot ako ng mga katanungan on the internet,, mas gusto ko ang Prof.Ed  kesa sa Gen. Ed.

Nabanggit pala ng kaklase ko ang kapangyarihan ng C, kung di ka sigurado o di mo alam ang sagot, Choose C.., malaki ang percentage na C nga siya. At medyo napatunayan ko sa internet review ko na possible yung power of C. kaya tinandaan ko yung P.O.C isa siya sa baon ko.., pero for emergency purpose only lang siya. Mga Fresh na natutunan ko..,Stock knowledge, Comprehension, Logic, at Instinct ko ang gagamitin ko sa exam.

Lumalapit ang big Date.., bumibigat ang pressure,, kaya nag c cram na ko.

Bago dumating ang araw ng exam,, natapos ko naman ang Libro at may mga natutunan naman ako sa pagbabasa ng mga exam tips sa net at sa pagsasagot ng mga sample test questions at natapos ko ang season 3 ng smallville.

Ready or Not.. LET here I come..

Tuesday, November 16, 2010

Mali ito




Madalas nating marinig sa mga pumalpak, sumablay, nakagawa ng kabalastugan, ang mga katagang,, “sorry tao lang,, nagkakamali”

Nagkakamali tayo,

Ø      ..kasi hindi tayo naging maingat dahil sa excitement, gutom, o atat lang talaga
Ø      ..Aggressive.., at hindi na masyadong dinigest sa utak kaya hindi natin naanticipate ang mga pwedeng mangyari pag ginawa natin ang isang bagay dahil sa mga desires natin
Ø      ..newby tayo at hindi tayo na orient sag a do’s and don’ts. In short lack of information sa mga bagay bagay.
Ø      ..may gumugulo sa utak natin.., in other words..,lack of concentration

May utak tayo para maging maingat at mag isip ng mga consequences ng mga actions naten, gayunpaman kahit na may mga taong maingat na at hobby na ang mag isip pero nagkakamali pa din, yun ay dahil there are things that happen beyond our control.

Honestly.., ayoko yung excuse na yun –tao lang.. though yes admitted, we are humans.., and nobody’s perfect, everyone is bound to make mistakes because we are not designed to precision, accuracy, and perfection. Pero sapat na nga bang excuse ang pagiging tao para magkamali?? <ilagay ang kamay sa baba, I contract ang 2 eye browse at magkunwaring nag iisip>. Sino na bang taong hindi nagkamali?? <at wala akong maituro>.

Making a mistake is human nature pero dapat wag nating gawing excuse ang pagiging tao. Wag mong ni lang lang ang tao.., hindi madaling mabuhay bilang tao.., andaming numerong kelangang apakan, mga bagay na dapat gawin tulad ng mag isip, maging maingat, at maging responsable. Kasi pag di mo ginawa ang mga bagay na yon ay makakatakim ka ng katanungan tulad ng,, tao ka ba talaga?? Asan ang utak??

Tao tayo may utak.., at nilagay yan sa taas iremind tayo na kahit ano man ang gagawin natin.., ang pag iisip dapat inuuna natin. Kung magkamali man tayo dahil beyond human control, e dapat presence of mind pa din.., try mo icombine ang palpak experience mo at ang kakayahan mong mag nilay nilay <wow nilay nilay.., san galing to??>

Mag isip ka at gamitin mo ang pagkakamali mo para hindi na pumalpak muli.. Gamitin mo na advantage ang pagkakamali mo para gawing tama ang lahat sa mga susunod na laban. Pag ginagamit mo utak mo sa tuwing nagkakamali ka.., nagiging tougher ka.., nagiging mas maingat ka.

At hindi lang sa pagkakamali mo pedeng ka collaboration ng utak mo.., pede mo din siyang I merge sa pagkakamali ng iba.. Kung nasaksihan mo na.., wag mo ng antayin pang mangyari say o yun..
Ay Mali-- Sorry

Hindi bawal magkamali.. Libre yan.. kasama yan sa pagiging tao naten. Pero wag mo siyang ituring na privilege dahil you don’t enjoy when you screw things up,do you?? Wag mo dalasan magkamali. H’wag din paulit ulit ha??  At tandaan mo., kakambal ng pagkakamali ang paggawa ng paraan para maitama ito o ang hindi na pag ulit pa nito, Hindi kasi sapat ang sorry lang sa pagkakamali e.., dapat may action din.

Ang bawal e ang magkamali na hindi mo kikilalanin ang pagkakamali mo., at iinsist mo na tama ang ginawa mo.., kung ganung klaseng nilalang ka e forever ka ng nagkakamali pero tama ka pa din,, oo may tama ka na nun.. At ang isa pang bawal e ang magkamali na walang gagawin para maitama ang pagkakamali mo at maghintay lang ng iba na itama kung ano man ang nagawa mo.., kung ganon ka.., you won’t really learn and be a tougher person kasi may correction tape ka naman e kaya ayos lang magkamali.. wag ganun. At wag mongt isisi sa iba pagkakamali mo.., kung nagkamali ka.., tanggapin mo.., hingi ka paumanhin at itama mo.

Kaya pag nagmali ka.., wag mong iparinig sa akin na “tao lang”. Sabihin mo.., <wow nag lecture si kuya Tupe> sorry for the inconvenience.., rest assure that <wow callcenter spiel?? –hindi ito> I’m sorry, it won’t happen again <kasi this statement connotes that you’ll do something for what you’ve done.>
  
at ang pagiging tao is not something to be sorry for .., it's something you should be proud of.., kasi may utak ka at kaya mong baguhin at itama ang mga bagay bagay na mali..

Ulet.. hindi bawal magkamali., just make new mistakes. bawal maging tanga.

P.S humihingi ako ng paumanhin sa mga nakabasa ng article ko nung college nung naisulat kong napalipad ng Marvells si Superman.., I stand corrected. DC Comics ang may likha ke big S. Paumanhin po.



Kanta, ano nga bang meron ka??



May mga kantang nakakapagpapaalala sa atin ng isang tagpo ng ating buhay.., madalas mga emo songs yan at mga tagpong nakaka senti, may mga luhang involved, may sadness, .. Minsan titigil ka nalang sa ginagawa mo at may parang flashback na mangyayari..

Hindi lang mga malulungkot na tagpo ang pwedeng maibalik sa utak natin ng mga kanta.., minsan mga baliw na tagpo din.. depende din sa kanta.

At hindi lang mga tagpo ang pwede nating maalala.., mga tao din.., mga taong gusto nating kalimutan at mga taong hinihiling natin na makasama nating muli.

Sometimes songs are good tools to visit the past.., hindi man sing.galing ng time machine.., e parang ganun na din yung effect kasi nabibisita mo ang nakaraan.

At nangyayari mga yan kasi sila yung OST nung tagpong yun..,
Ø      yun yung kantang madalas ipatugtog nung nangyayari ang mga alaalang yun
Ø      may message yung kanta para maalala natin yung mga nangyari.., masaya man o nakakapatak luha..
Ø      sa tagpong yun una nating narinig yung kanta
Ø      <put your own thought here if there’s any>

Naaalala naman natin yung isang tao dahil sa kanta kasi

Ø      siya yung nag introduce nung song sa yo
Ø      madalas niya katahin yung kanta
Ø      favorite song niya
Ø      yun yung background music pag nagkikita kayo
Ø      may nangyaring unforgettable nung pinatugtog yung song
Ø      <put your own thought here if there’s any>

 Tulad ng high school life song,, syempre as the song suggests it,, hinuhukay nito ang mga alaala natin nung high school kahit na hindi naman siya madalas ipatugtog nung high school tayo o kahit na hindi naman siya ang grad song naten.. parang pa flash back mga kalokohan at mga seating arrangements natin nung high school. Ako.., hindi lang high school life ko ang naalala ko sn.., naalala ko din nung off campus practice teaching namin.. kasi yan yung background music pagkatapos ng flag ceremony.

At naasar ako pag naririnig ko yung single ladies na kanta ni beyonce dahil naalala ko yung performance ni Patani sa Survivor 1—the reunion. Siya kasi yung unang tao na nakita kong sumayaw gamit ang kantang yun.. isang masamang alaala.

Makapangyarihan ang mga awit,, isang halimbawa na ang awit na makakapagpatayo sa atin at makapagpapatigil sa anumang ginagawa natin para ilagay ang kanang kamay natin sa dibdib.

Pwede tayong tulungan ng mga awitin na iexpress kung ano man ang nararamdaman natin sa isang tao o isang sitwasyon. Di na tayo mag eeffort na mag isip ng mga salita dahilm perfect na ang mensahe ng kanta para sabihin.., minsan sweet din ang dating nun. Maari din tayong mainspire dahil sa isang awitin at maniwalang kaya nating gawin ang mga bagaya na takot nating gawin. Pwede tayong paluhain, pasayawin, at pangitiin dahil sa mga mensahe at mga alaalang nakapaloob dito. At pwede tayong tulungan ng mga awitin na mga isip at relax

Saturday, November 13, 2010

Use your voice



I just have to be me and I do not have to try to be someone I am entirely not.

I just want to mention that to remind me that no matter how I love the words and the styles of the other writers who I admire.., I need to stick with my own voice because I won’t really appreciate the feeling of being appreciated if I tried to be someone else or I said the exact words of other people without giving the credit on them thus stealing the glory they should have.

People got to see and hear me not the people I look up through me though it sounds cool for me when they recognize that I said the words of.., or I got the style of this writer they know. OO cool lang sa akin yun, though nung minsan na magpost ako ng status ko sa fb at may nag react na B.O daw yun.. At first I was flattered.., wow may B.O voice pala ako but later it got to me that “ganun?? Wala ba akong kakayahan na magsabi ng ganung bagay?? Pag ba may sense na tagalog thought e B.O quote na agad?? What’s happening to the world?? Well yeah.., I admit…, I love reading B.O’s work and maybe,, yes.., I might be influenced pero hanggang doon lang yun,, I did not copy from anyone,, if ever gagamit ako ng salita ng iba,, malalaman mo yun kasi ilalagay ko ang pangalan nung nagsabi. Hindi kasi ako yung taong masaya na sabihin na ang mga salitang nasabi na ng iba.. I mean.., may utak tayo.., and we have our own voice and style it may be crazy, annoying or joy to hear <though may be influenced by the people you look up to and I think that is just fine>. Why not put our gift in to use??  Di ba mas astig kung sarili nating salita ang nababasa natin at nakaka earn ng likes., wow.., at admiration ng mga friends mo sa fb at mga ibang taong naabot ng boses mo..

I admit.., yes.., sometimes I use some beautiful lines from movies., tv series.., or books I’ve read out of admiration at nakakarelate ako sa mga word na yun.., feeling ko kasi.., yun na yung mga salitang di ko ma express o di ko agad naisip at wala nang peperfect pa sa paraan ng pagkakasabi kung di yun.., sarap lang  ishare.., But I quote the character, people, writer who said them. The credit goes on them not on me.., Kasi it’s cheating pag hindi ko ginawa yun—para kang pumasa sa isang exam pero hindi ka nag aral, therefore, pumasa ka lang at wala ka naman talagang natutunan .., and from the writers’ term.., that’s plagiarism.. It won’t make me happy anyway kung pupurihin man ako ng iba gamit ang eksaktong salita ng iba---hindi ako parrot.

Maybe it’s enough that we have been blessed with great thoughts, dialogues, words from our favorites movies, personalities, authors. At sobrang biyaya kung naambunan tayo ng istilo nila dahil sila ang madalas nating marinig kaya hindi malayong may ma adapt ka sa kanila kahit papano. You do not need to try to be like them.., because if you sound like them.., lilitaw yun at  maririnig ng iba kahit hindi mo ipahula kung sino ang ka istilo o kaboses mo.. At mahahalata ng mga tao kung nagpupumilit ka lang na maging kaboses mo ang paborito mong singer o author.

People will love you for what you are and what you have. Tayo <stand> lang kung anong meron ka. Kung naghahanap man sila ng wala ka.., hayaan mo silang maghanap ng iba.. kasi hindi fun yung may nagmamahal nga sa’yo.. tapos di naman talaga ikaw ang mahal nila kundi ang taong pinilit mong maging..

And as the old song goes.., “you gotta love me for what I am for simply being me..”

Tupe.., Rising from his ashes

Wala na kong smallville na papanodin sapagkat downloading pa din hanggang ngayon ang season 4 at season 7.., ayoko namang mag jump ulit kasi baka di na ko ma excite na.skip kong season at may mga nawalang characters at nadagdag sa season 8.., and i'm sure that the answers are in season 7. at Napanod ko na din ng ilang beses ang seasons 1-3 ng big bang theory at Gossip Girl.., Ramdam na ramdam ko na ang chuck bass sa pagkatao ko na may pagka sheldon cooper.., yun siguro ang epekto ng panonood ng GG at TBG ng higit sa isang beses.. At medyo nakakaramdam na ko ng konting inggit pag nagbabasa ako ng blog iba,, i guess i don't have any excuses anymore.. guess i should go back to expressing my thoughts here.

I was kinda hesitant to write here again.., it seems like no one’s reading the entries that I’m posting here kasi daw according sa kapatid at sa pinsan kong inaabisuhan kong magbasa na hindi naman talaga mahilig magbasa, e nahahabaan sa mga posts ko dito. Well mahaba nga mga maisusulat ko compared sa mga kinaaliwan kong entries mula sa ibang bloggers kasi ang broad ng mga topic na naiisip ko at di ko lang mapigilang magkwento ng mga bagay tungkol sa mga yon.

Well since once a blogger always a blogger..,< wow nagsusulat lang dito ay tinuring nang blogger ang sarili> may kung ano sa akin na nagpipilit na mag express ako sa espasyong wala namang pumapansin.. I just hope someday.., may mga mahimok akong magbasa at makipagkwentuhan sa akin dito. Kung titigil ako sa pagku kwento dahil walang nakikipag kwentuhan sa akin ngayon.., e kasama ko lang ang mga kwento ko at ako lang ang nakakaalam sa kanila hanggang sa ako mismo ay makalimutan ko na sila.

-“kung may kaya gawin na hindi naman makakasama sa iba e dapat ginagawa mo yan at kung gusto mo talaga siyang gawin, bat ka papipigil??”. Ito ang dahilan kaya di ako tatalikod sa page express kung hindi kasama ko lang maglalaho ang mga naiisip ko ng walang bakas. Kaya nagbabalik ako sa dating espasyong nasimulan ko na since hindi ganon kadali ang magsimulang muli. 

Bagong post ito kaya hindi pa huli ang lahat<sana>. From this entry on, I swear to be a better story teller by applying the things I learned from the blogs I read while I was thinking to stick on reading. Now, I am so back and I will do things better than I did the last time.  Kung magiging mas balahura man ako o mas composed o both abangan nalang ang mga susunod na kabanata.