May mga kantang nakakapagpapaalala sa atin ng isang tagpo ng ating buhay.., madalas mga emo songs yan at mga tagpong nakaka senti, may mga luhang involved, may sadness, .. Minsan titigil ka nalang sa ginagawa mo at may parang flashback na mangyayari..
Hindi lang mga malulungkot na tagpo ang pwedeng maibalik sa utak natin ng mga kanta.., minsan mga baliw na tagpo din.. depende din sa kanta.
At hindi lang mga tagpo ang pwede nating maalala.., mga tao din.., mga taong gusto nating kalimutan at mga taong hinihiling natin na makasama nating muli.
Sometimes songs are good tools to visit the past.., hindi man sing.galing ng time machine.., e parang ganun na din yung effect kasi nabibisita mo ang nakaraan.
At nangyayari mga yan kasi sila yung OST nung tagpong yun..,
Ø yun yung kantang madalas ipatugtog nung nangyayari ang mga alaalang yun
Ø may message yung kanta para maalala natin yung mga nangyari.., masaya man o nakakapatak luha..
Ø sa tagpong yun una nating narinig yung kanta
Ø <put your own thought here if there’s any>
Naaalala naman natin yung isang tao dahil sa kanta kasi
Ø siya yung nag introduce nung song sa yo
Ø madalas niya katahin yung kanta
Ø favorite song niya
Ø yun yung background music pag nagkikita kayo
Ø may nangyaring unforgettable nung pinatugtog yung song
Ø <put your own thought here if there’s any>
At naasar ako pag naririnig ko yung single ladies na kanta ni beyonce dahil naalala ko yung performance ni Patani sa Survivor 1—the reunion. Siya kasi yung unang tao na nakita kong sumayaw gamit ang kantang yun.. isang masamang alaala.
Makapangyarihan ang mga awit,, isang halimbawa na ang awit na makakapagpatayo sa atin at makapagpapatigil sa anumang ginagawa natin para ilagay ang kanang kamay natin sa dibdib.
Pwede tayong tulungan ng mga awitin na iexpress kung ano man ang nararamdaman natin sa isang tao o isang sitwasyon. Di na tayo mag eeffort na mag isip ng mga salita dahilm perfect na ang mensahe ng kanta para sabihin.., minsan sweet din ang dating nun. Maari din tayong mainspire dahil sa isang awitin at maniwalang kaya nating gawin ang mga bagaya na takot nating gawin. Pwede tayong paluhain, pasayawin, at pangitiin dahil sa mga mensahe at mga alaalang nakapaloob dito. At pwede tayong tulungan ng mga awitin na mga isip at relax
No comments:
Post a Comment