Thursday, November 18, 2010

The LET Chronicles of Tupe: The Aftershock


kuha ko yan after mag exam.., alaala na minsan e nag board exam ako at dyan siya nangyari--baka di na kasi maulit..haha.. sana.


Alam kong di ako nag iisa sa laban nung nag exam ako.. kasama ko mga taong naniwala sa kakayahan ko, mga nagtiwala na kakayanin ko ang laban na yun,dahil laban din yun ng mga taong nagmalasakit at tumulong sa akin sa kahit anong paraan para maging posible na harapin ko ang laban na 2years in the making.

Sila at ang alaala ng pagpila sa PRC ang naging dahilan kung bakit di ako bumitiw sa laban nung 1st round kahit bugbog na bugbog na ko. Kahit na naninigas na ko sa lamig dahil sa ircon at sa erectic fan habang nag eexam ay kumapit pa din ako.

 Kung magtagumpay man ako ngayon  sa laban na  dapat noon ko pa sinoong ay para sa kanila yun.., at para sa panginoon. Kung di man ako palarin, e alam kong madi disappoint ko sila.. at higit sa lahat disappointed na naman ako sa sarili ko..

---yun ang mga thoughts ko nung nakasakay na ko ng bus pauwi,, wala akong bitbit na anumang kompyansa na magtatagumpay ako sa laban na kinaharap ko.

Nag f flash back sa utak ko yung mga sadistang tanong na nagpahirap sa akin.. at yung katangahang nagawa ko.. ganito yun.. nilalaktawan ko ang mga hindi ko alam at sinasagutan ang mga alam ko at mga tanong na may ideya ako.. tas binabalikan ko yung mga tanong na nilaktawan ko para hulaan.. pero may ilang mga items na naduling pala ako sa pagsagot.. yung mga sigurado kong sagot.., sa maling number ko naishade..tae.


Nag sisink in sa akin ang lahat.., nasa if only mode ako..  if only nag aral ako ng mabuti nung may panahon akong mag aral ng mga dapat kong matutunan para ipanalo ang laban malamang masaya akong umuwi dahil ang isang malaking pag asa na kinaya ko.. , at malamang nag uwi din ako ng siopao.., pero di ba nag emote nga ko sa bus.. . at wala ako sa gana na bumili ng kahit na ano.., gusto ko lang turukan nila ako ng gamot na makakapag palimot sa lahat dahil kawawa naman ang ulo ko kung iuntog pa sa bato para magka amnesia,, ang sakit na nga niya sa pag intindi ng mga katanungan at pag iisip kung uuwi na ba ako o hindi, nagta take ng test..

You know what’s good about family?? Tatanggapin ka nila kahit ano man ang pinaggagawa mo.., hindi ka nila huhusgahan at iintindihan ang katangahan mo..

Pag uwi ko ay kinamusta ako nina mama.., may mga tao dawn a nag alala para sa akin dahil sa isang pambobomba na naganap pagkatapos ng exam?? Sabi ko,, mom, I’m ok, I just had a little head injury because of the exam. I do not expect anything from it,, I think I screwed it up I guess I need to take it again --- pero syempre hindi ako nag eh ke mama baka ipaulit pa niya sa akin from the top ang mga sinabi ko sa kanya. Sinabi ko lang.., Ma ang hirap., siguro mag te take 2 ako. Pero nagulat ako sa bombahan na sinasabi nila.., sabi ko.., ma wala namang bombahan pagkatapos ng exam, picturan lang sa may fountain at mga view sa UST naganap. Yun pala e may bombahan sa La Salle the same date during the salubungan after the bar exam. Siguro kung sa USTe naganap ang pangbobomba,, nanood siguro ako kasi di pa ko nakakapanood noon nun live, tsaka pag nasatisfy siguro ako e pati ako mismo magbobomba din,, ha?? May pagsabog?? Sori, ibang bomba pala tinutukoy ko.., sensya na napudpod lang ang utak dahil sa mga tanong na hindi ko na maalalang inaral ko at mga pangalang nun ko lang nakasalubong..

I felt sorry for the people who got affected by the bombing incident,, siguro kung andun ako,, niyakap ko yung bomba para ako na lang masabugan diba?? Tsaka para di na ako tanungin ng mga kakilala kong alam na nag exam ako  kung anong nangyari sa exam..

Pinatay ko ang pag asa sa puso ng mga taong naniniwalang papasa ako. Sinabi ko sa kanila ang totoo. Hindi sapat ang salitang mahirap o sobrang hirap sa exam para ilarawan kung gaano inalis ng exam na yun ang kompiyansa na may natutunan nga ko.., kasi pagkatapos nung exam ay pakiramdam kong wala akong natutunan sa pag aaral ko.. major major hirap xa.. close to impossible of passing kaya ang tingin ko sa sarili ko nun ay pumupunta lang ako sa eskwelehan para kunin ang baon ko at makipag kwentuhan sa mga kaklase ko. Sinabi ko din na napakaliit ng chance na pumasa ako kasi may mga tanong na hindi ko man lang binasa tapos halos lahat ay hula na.. kokonti lang ang sigurado ako na tama ang sagot ko. Para hindi na sila umasa na makikita nila ang pangalan ko pag lumabas na ang resulta. Pessimist ba?? I'd say.., realistic lang.., ayoko kasing madisappoint sila at ako.

Hindi ako umasa na papasa ako pero nag dasal ako n a sana isama ako ni Lord sa mga  papasa sa mga Sept. 2010 LET hopefuls.

Ganoon siguro talaga pag alam momg di ka masyadong nag effort kaya madaling tanggapin na mahihirapan ka talaga at walang samaan ng loob kung hindi ka man magtagumpay.. Hinayang lang ang naramdam ko pagkatapos ng exam.. siguro if i tried hard enough.., magkaka chance akong pumasa.. Sinayang ko ang pagkakataon na kumpletuhin ang pakiramdam ng pagtatapos ko sa pag aaral.., kasi aminin man natin o hinde, pag may board exam ang course mo, parang may kulang hanggat di mo pa naipapasa yun.. at sinayang ko din ang pagkakataong magkaroon ng valid ID.

Gayunpaman.., hindi ko pinagsisihan na pumila ako sa PRC ng kalahating araw at nanginig sa lamig habang sinasagutan ang mga tanong na ang karamihan ay sumubok ng katinuan ko.Ginawa ko lahat ng kaya nung araw na yun,, pero ganun yata talaga.Pero anuman ang maging resulta ng exam, masaya ako at sa wakas nagkaharap kami,.

Ang Panginoon na lang ang bahala sa lahat.


No comments:

Post a Comment