Madalas nating marinig sa mga pumalpak, sumablay, nakagawa ng kabalastugan, ang mga katagang,, “sorry tao lang,, nagkakamali”
Nagkakamali tayo,
Ø ..kasi hindi tayo naging maingat dahil sa excitement, gutom, o atat lang talaga
Ø ..Aggressive.., at hindi na masyadong dinigest sa utak kaya hindi natin naanticipate ang mga pwedeng mangyari pag ginawa natin ang isang bagay dahil sa mga desires natin
Ø ..newby tayo at hindi tayo na orient sag a do’s and don’ts. In short lack of information sa mga bagay bagay.
Ø ..may gumugulo sa utak natin.., in other words..,lack of concentration
May utak tayo para maging maingat at mag isip ng mga consequences ng mga actions naten, gayunpaman kahit na may mga taong maingat na at hobby na ang mag isip pero nagkakamali pa din, yun ay dahil there are things that happen beyond our control.
Honestly.., ayoko yung excuse na yun –tao lang.. though yes admitted, we are humans.., and nobody’s perfect, everyone is bound to make mistakes because we are not designed to precision, accuracy, and perfection. Pero sapat na nga bang excuse ang pagiging tao para magkamali?? <ilagay ang kamay sa baba, I contract ang 2 eye browse at magkunwaring nag iisip>. Sino na bang taong hindi nagkamali?? <at wala akong maituro>.
Making a mistake is human nature pero dapat wag nating gawing excuse ang pagiging tao. Wag mong ni lang lang ang tao.., hindi madaling mabuhay bilang tao.., andaming numerong kelangang apakan, mga bagay na dapat gawin tulad ng mag isip, maging maingat, at maging responsable. Kasi pag di mo ginawa ang mga bagay na yon ay makakatakim ka ng katanungan tulad ng,, tao ka ba talaga?? Asan ang utak??
Tao tayo may utak.., at nilagay yan sa taas iremind tayo na kahit ano man ang gagawin natin.., ang pag iisip dapat inuuna natin. Kung magkamali man tayo dahil beyond human control, e dapat presence of mind pa din.., try mo icombine ang palpak experience mo at ang kakayahan mong mag nilay nilay <wow nilay nilay.., san galing to??>
Mag isip ka at gamitin mo ang pagkakamali mo para hindi na pumalpak muli.. Gamitin mo na advantage ang pagkakamali mo para gawing tama ang lahat sa mga susunod na laban. Pag ginagamit mo utak mo sa tuwing nagkakamali ka.., nagiging tougher ka.., nagiging mas maingat ka.
At hindi lang sa pagkakamali mo pedeng ka collaboration ng utak mo.., pede mo din siyang I merge sa pagkakamali ng iba.. Kung nasaksihan mo na.., wag mo ng antayin pang mangyari say o yun..
Ay Mali-- Sorry
Hindi bawal magkamali.. Libre yan.. kasama yan sa pagiging tao naten. Pero wag mo siyang ituring na privilege dahil you don’t enjoy when you screw things up,do you?? Wag mo dalasan magkamali. H’wag din paulit ulit ha?? At tandaan mo., kakambal ng pagkakamali ang paggawa ng paraan para maitama ito o ang hindi na pag ulit pa nito, Hindi kasi sapat ang sorry lang sa pagkakamali e.., dapat may action din.
Ang bawal e ang magkamali na hindi mo kikilalanin ang pagkakamali mo., at iinsist mo na tama ang ginawa mo.., kung ganung klaseng nilalang ka e forever ka ng nagkakamali pero tama ka pa din,, oo may tama ka na nun.. At ang isa pang bawal e ang magkamali na walang gagawin para maitama ang pagkakamali mo at maghintay lang ng iba na itama kung ano man ang nagawa mo.., kung ganon ka.., you won’t really learn and be a tougher person kasi may correction tape ka naman e kaya ayos lang magkamali.. wag ganun. At wag mongt isisi sa iba pagkakamali mo.., kung nagkamali ka.., tanggapin mo.., hingi ka paumanhin at itama mo.
Kaya pag nagmali ka.., wag mong iparinig sa akin na “tao lang”. Sabihin mo.., <wow nag lecture si kuya Tupe> sorry for the inconvenience.., rest assure that <wow callcenter spiel?? –hindi ito> I’m sorry, it won’t happen again <kasi this statement connotes that you’ll do something for what you’ve done.>
Ulet.. hindi bawal magkamali., just make new mistakes. bawal maging tanga.
P.S humihingi ako ng paumanhin sa mga nakabasa ng article ko nung college nung naisulat kong napalipad ng Marvells si Superman.., I stand corrected. DC Comics ang may likha ke big S. Paumanhin po.
No comments:
Post a Comment