Finally
Totoong naiisip lang tao ang dapat niyang gawin kapag kulang na siya sa oras o wala na siyang pagkakataon pa gawin ang mga ito.., ayokong sayangin naman ang mga pagkakataon at sabihin sa huli na “sayang.., sana pala ginawa ko na noon”
Antagal kong nawala.., pero wala namang nakapansin.., emotero much??
Andaming nangyari sa buhay ko the past months.., pilit kong nade deadma anng page na to.., nawalan ng gana?? nawalan ng inspirasyon?? Tinamad?? Umaatittude?? O umaarte lang..
Nakakapagod pa din pala ang walang ginagawa.., darating at darating ka sa punto na “tama na.., oo gagawin ko na”
Alam mo yung feeling na pwede mong takbuhan pero di mo pwedeng takasan..,
Andaming mga sitwasyon na puro ganon.., kaya bakit mo pa papatagalin laban kung kung laban.., ngayon na pa.., magka alalaman na.., Why prolong the agony??
Pero minsan.., may tamang timing sa lahat.., haha excuse ng mga tinatamad?? pero may panahon sa lahat.., mararamdaman mo yun.., dapat kilos na bago mahuli ang lahat..
Yung feeling na once in an hour lang dumaan ang jeep.., antagal mong nagaantay pero nung may dumaan tiningnan mo yung cellphone mo o sinintas mo yung sapatos mo kaya nakalampas siya.., kaya yun.., you have to wait for another hour.., kakabad trip no??
Ganon din ang kinahitnan ng pahinang ito.., alam mo namang di porket binuksan mo ang Microsoft word e automatic na yung mga idea na lalabas at magt-type ka nalang para makabuo ng isang entry..
There are times na I attempted to leave some entries here to show that this page still lives,, or Tupe still exist.., or may utak pa ko…, kaso minsan mas pinipili ko muna na magpacute sa facebook tapos pag handa na ko magsulat.., walang ng internet connection.. Basag.
I will not waste my free time.., I want to leave something in here before I turn a year older, arte lang.., Ang totoo.., para maiwan na ang lahat sa taong iiwanan ko.., para may fresh start sa susunod kong taon..
Magsisimula na ko ulit para makarami.., I just have limited time to do so..
Maghahabol ako parang nung estudyante days ko na aasikasuhin ko lang ang mga projects before the deadline.., ang kaibahan lang.., parang ganun din e.., ikaw may naiisip ka bang pinagkaiba?? It’s still a race between me and time..,
May malulungkot pa din pag di ko nagawa ang dapat kong gawin.. ** sarili ko.
I will be graded by myself at kung sino pa man dyan ang gustong magbigay ng marka sa akin..,
O well.., ang buhay nga naman.. paulit ulit.., iba’t iba lang ang version.., parang Teleserye lang na nag rate.
Welcome back naman sa akin. Namis mo ko?? Kung alam mo lang na kung gaano ko kagusto makausap ka muli.
No comments:
Post a Comment