Wednesday, September 28, 2011

Welcome to hell




Iisa lang ang habilin sa amin ni Mommy A. nung pakawalan na kami sa floor para harapin na ang labanan sa kung saan nila kami inihanda.. “ Huwag kayong aalis hanggat di kayo pinapaalis.”


Parang andaling gawin di ba?? Parang endurance challenge lang sa survivor kung saan bawal lang makatulog.

Batid kong di madali ang laban na kakaharapin ko.., pero ngayon pa ba ko susuko na nalampasan ko ang di ko kinaya nung nauna akong sumubok sa laban na kung ano ang meron ako ngayon..

“tupe.., umayos ka a.., hinabilinan ko na ang TL mo.., alam na niya .., sinabi ko na si Tupe.., makulet pero natututo..” naiyak naman ako kay mommy A.., parang gusto kong sumagot na “bakit di mo po sinabing gwapo din??”


Ibang iba ang unang araw sa production floor.., di ako nananakot sa mga aspiring callboys.., kung hirap ka na sa nesting,, hirap is an understatement when you are there,,
Perfect word is “welcome to hell baby” dahil andaming demonyong customer ang kakaharapin mo ng walong oras ng limited lang ang lifeline.. hindi kagaya ng nesting..

At para sa akin.., 1st day palang gusto ko ng bumitiw,, buti pala off namin the next day,, hehe.

Totoo ngang pagkatapos ng training nag uumpisa ang lahat,. Ang pintuan ng impyerno ay nagbukas na.

Kung pwede lang na umiyak habang kausap si customer at magmakaawang humingi ng pag iintindi dahil unang araw mo palang sumabak sa totoong laban e kada call ginawa ko na..

Hindi na din pwede ang tanong ng tanong,, e sakit ko pa naman yun.., tae.., I felt so alone.., para akong piniringan sa mata sa pinaikot ng 100 times at pinapalo ang palayok..

Pero alang alang sa mga taong nagtrain sa amin, sa pangakong hinding hindi ko sila bibiguin at sa pangarap kong magka lovelife,, nagkunwari akong kaya ko.., kahit na ang totoo.., gusto ko ng mag walk out,, kung may kotse lang ako.. hehehe

Para akong nagswimming lessons pero di pa ko talaga marunong lumangoy pero dahil tapos na ang oras ng pagtuturo at madami pang gustong matutong lumangoy at turn na nila na maturuan.. they have to set me in the ocean and see how far will I survive.. buti I have little salbabidas.., my team mates and some words from my TL.. “mag search ka muna”

Medyo strict si TL pero naiintindihan ko siya

Natapos ang shift na parang ambobo ko at ano lang ginawa ko training. Halos ubos ang boses ko at takot na kong pumasok sa susunod na shift dahil feeling ko pumalpak ako.

Pero dahil ayokong may mabigo.., lalangoy ako hanggang malunod.., bahala na.., I will still hold on Mommy A’s habilin kahit pakiramdam ko di na ko tao,. Pero dahil ako nga si Topher,, I have to let them see that I’m indeed Topher than yesterday


No comments:

Post a Comment