Sunday, December 19, 2010

The world i have had and will have again




Nung college ko pa alam ang kumpanyang papasukin ko., madami akong naririnig tungkol dito na mahirap daw ang makapasok.. so hindi ako nag apply hanggang di pa ko handa,, ayoko kasing ma reject baka mahiya na ko mag apply muli dun..

Nag try ako mag apply sa ibang Cc.., ayos.., nakalusot naman ako..

Madami akong naranasan na bigger than stories ng mga taga cc world.. iba pag andun ka na.. kung nahihirapan at na s  stress ka na dahil sa mga kwento.., goodluck na lang pag andun ka na talaga..

Nung unang pagpasok ko sa mundo ng mga callboy.., nanginig ako dahil wala akong dalang jacket.. tanga tanga lang.. , akala ko kasi ang aircon ay sinlakas lang nung sa library naming nung college na kelangan mong umupo malapit sa a/c para maramdaman na merong a/c. Ibang iba nag a/c sa cc. halatang hindi nagtitipid sa kuryente ang mga tao dun. Sobrang lamiiiig at kawawa ka kung wala kang jacket.. magiging puyat iceberg ka kung nagkataon.

Di siya madaling maging agent.., lalo na kung mapagkamalan kang matalino at isabak ka kagad sa toxic na account kasi bago ka palang.

Andaming kelangang tandaan at dapat gumagana ng maayos ang utak mo.., dapat wala kang pakelam sa pressure at dapat din alam mo kung pano gamitin ang mga salita.

At dapat buhay ang utak mo palagi dahil andaming acronyms. Acronyms kasi ang in para di na mahirapan sabihin ang mga terms.. madali din yun para maalala ang ilang mga bagay.. Nung ako nga,, sa sobrang pag aacronyms ko.., pati mga pangalan, ina acronym ko na din.

Hindi lang puyatan at inglisan ang labanan sa pagiging callboy.., labanan din siya ng tindi ng memorya, tamang diskarte, at talas ng isipan. Dahil dyan,, sandamakmak na stress ang mararansan mo kung nag uumpisa ka pa lang,, nung ako.., napapaniginipan ko ang mga worst calls ko at para silang multo na sumusunod sa akin at naririnig ko ang mga boses ng mga galit na customers kahit dapat ay nagpapahinga na ko.

Dapat hindi ka din emosyonal at masyadong attached sa mga kasama mo.., yung di tipong di ka makakamove on pag may nawala sa mga ka grupo mo.. kawawa ka kung ganon,, kasi ang mga tao sa cc, come and go.. ayos lang makipag tropa pero dapat marunong kang mabuhay ng wala sila..
Dapat din na hindi mo masyadong dinibdibdib ang mga salita, kung hindi kawawa ka..

Not that working as an agent means you gotta be numb pero may mga tagpong dapat manhid ka talaga,,

As an agent, you should always put customer’s security as your priority, bawal ang pasindak sa mga ayaw pa verify, maawa dahil sa drama ng buhay ni customer, at malimutang kelangan pala I verify,, sus. Andami kasing manloloko sa mundo,, sa cc ko nga nalaman na pwedeng magnakaw ng identity at nalaman ko din ang kahulugan ng fraud.

 Dapat din e sensitive ka sa mga customers in that manner na alam mo yung timpla ng customer para alam mo ang mga salitang gagamitin. Dapat palaging positive scripting, marunong ka maki simpatya at huwag mong salubungin ang galit ni customer kung ayaw mong isumpa ang mga calls moat isumpa ka ng mga callers mo.. alam mo din dapat ang problema at kailangan ni customer.. Tandaan mo, andun ka para tulungan sila.

Isa pang dapat, kelangang matalas ang panindinig mo o atleast marunong kang mag catch ng mga key words.. tapos daanin mo na lang sa paraphrasing..

Sa pagsasalita, do not use your sweet voice pag sumasabog na sag alit ang caller. Ayos din gumamit ng sweet voice para cute, pero dapat firm yung sound mo kaya dapat alam mo mga sasabihin mo. Avoid sounding uncertain.. kawawa ka. Jan ako nadali dati, kaya nung una ay humingi sila ng supervisor.

Kamusta naman ang multi tasking?? Dapat marunong ka nian,, dapat nakikipag cooperate ang utak, mata, tenga ,bibig at mga daliri mo. Dahil di ka lang simpleng nakikipag usap.., nagso solve ka ng mga konsumisyon nila sa buhay kaya dapat alam mo din kung kelan ka mags suicide para maalis ang konsumisyon nila. Joke lang.

Haaay.. hindi talaga madali maging agent, mali ang paniniwala ng iba na nagbabasa ka lang ng script at nakakainip ang trabaho,, in my experience, so not true, o siguro mahirap lang talaga acct na napunta sa akin nun

Pero di lang puro hirap ang buhay cc.., may mga saya moments din tulad ng sahod day na nagpapa excite at nagpapaligaya kahit the joy only lasts for one day.

Masaya din ang mga kwentuhan moments,, madalas pinag k kwentuhan ang mga nakakatuwang customers at ang ilang pagkakamali ng mga agents.. tsaka sa kwentuhan, may mga natutunan ka din ng walang pressure, kasi pinag k kwentuhan din ang mga mahihirap na calls lalo na pag 15 minute break lang.

Ang mga kulitan moments with wavemates.. kahit na pare pareho ng haggard e nakukuha lumabas para magpalakihan ng eyebags.

At ang pinaka masayang bahagi ng pagigng agent ay ang language training,, ako enjoy ako sa part nay un.. kulitan lang habang nag iingles,, pampaalis ng inhibitions at hiya sa katawan para maging confident  sa pag eenglish.

Dalawang tulog na lang at mag uumpisa na kong magbalik na ko sa mundong yumanig sa katinuan ko, ang mundong nakapagpainom sa akin ng kape, ang mundong nagpa stress sa akin ng madami, ang mundong nagpaamin sa akin kung gaano ako kahina, kabobo, at kagwapo, ang mundong nagpa arte sa pag eenglish ko, ang mundong nagturo sa akin ng madaming bagay at nagdala sa akin ng mga taong nagpakilala kung sino ako ngayon at ang mundong mas nagturo sa akin ng independence..

magbabalik na ko and this time, mas handa na ko,, kasi heto na yung chance para makabawi ako sa mga taong binigo ko, sa mga taong nangarap kasabay ko..Chance na to para ayusin mga katangahan ko nung una. Chance na to para magka lovelife.. Kelangan mapatunayan ko na hindi lang kathang isip ang sinasabi kong madami akong natutunan.
               
Alam ko mga ilang bagay na dapat gawin at iwasan at nakahanda na ulit ang utak ko mas madami pang kelangan kong matutunan.

Goodluck sa akin sa training.. sana malusutan ko ulit ito

Heto na at magt trabaho na ko sa wakas sa unang callcenter na alam ko,,
Handa na ko.. hindi ko to sasayangin.


Getting there


Positive lang ako nung apply ako ng trabaho, I’m happy that I got good results.. Totoong worried lang ako sa drugtest,, pano kung  mag reflect din dun ang pagka positive ko??

Nagtanong ako sa former colleague ko na natanggap na, kung ilang araw ba bago siya ininform para nag sign na siya ng contract. She said.., 2 days after her application.. so ako antay lang.., pero nag aalala ako dahil sa drugtest. Sinabi ko yun sa mga kaibigan ko at kina mama,, sabi nila bat daw ako mag aalala.. sagot ko.., “bat hindi” at heto ang sagot nila.. “ikaw adik ka talaga” sagot ko.. Exactly my point.

Naghintay lang ako at natapos ang pangalawang araw.., walang message..

The third day came.. at may schedule na ko for that day.. PRC day ko with my friend. Aasikasuhin naming yung registration para sa professional license namin at para sa oath taking

One thing about my appointments.., ayokong hindi sila natutuloy after I waited for that day to come. At may kausap akong tao, kaya di pwedeng ipagpaliban kung ayaw kong pumunta ng PRC mag isa..

Muntik ng di matuloy ang PRC day ko dahil sa isang kaganapan.., pero hindi ako pumayag na hindi matuloy.

Umalis ako ng bahay na kulang ang dala kong pera.. bahala na,, magbebenta na lang ako ng katawan kung kinakailangan.. kahit baratin papayag ako.

Kaya tuloy ang lakad ko suot ang tattered pants ko.. asa jeep na ko when I received a message na pinapagreport ako sa company na inaplayan ko ng 3pm tapos decent attire ang dress code..

Bigla akong napatingin sa suot ko,, hala hindi ata siya pwede.. sobrang hassel naman kung babalik pa ko.. tsaka may lakad ako noon,, naka sked na yun bago pa ko nag apply.. nakakahiya naman sa kausap ko kung bigla kong sasabihin na hindi kita masasamahan pagkatapos ko niya akong hintayin..

Sobrang naguguluhan akong nun.. kelangan kong mamili.. kahihiyan/compromiso o bagong trabaho.. sayang naman kasi kung mapalampas ko yung opportunity kasi andun na o.., mag s sign na ng contract tapos di ako makakarating..

Nag send ako ng message sa company na I’m afraid I can’t be there on time tsaka hindi ko masunod yung dresscode kasi papunta akong manila para sa lisensya ko at asa bus na ko nung na receive ko yung message at tumawad ako kung pewedeng the next day nalang ako dumating. Wala silang reply,, parang alam ata nila na nag adlib lang ako nung sinabi kong asa bus na ko..

Gusto ko talagang iatras yung lakad ko that day para sa contract signing pero na guilty ako sa kasama ko. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko, at naiintindihan naman niya,, pero mas pinili kong tumayo sa salita ko at sundin ang plano kahit na gusto kong bumaba sa bus sa tuwing titigil ito,

Sabi naman ng kasama ko, baka makauwi naman kami ng 3pm kaya may hope pa ding na makahabol ako,, kaya gusto kong lagyan ng wang-wang ang bus na sinasakyan namin para makarating agad kami sa manila at matapos agad kami sa inaasikaso namin para makauwi kami agad..

Sobrang praning ako nung nasa bus.., palagi akong tingin sa fone at sa oras.., walang reply at lumalapit na ang 3pm.

Kinalampag ko ang colleague na natanggap na at kumonsulta ako kung anong dapat kong gawin,, sabe it’s good to call them.. at try kong makahabol..

Sinubukan kong makahabol.. kung pwede nga lang na magbayad para sa unang pila ay ginawa ko na,, kaso bitin nga ko sa budget that day di ba?? buti at pinahiram ako ng pera ng dati kong kaklase kung hinde,, maglalakad ako pauwi at may 3pm contract signing pa ko na hahabulin..

Mejo natagalan ako sa pila at sa pag asikaso ng dapat naming asikasuhin sa PRC dahil may oras akong hinahabol.. ang pila.., mejo mahaba,,

Natapos kami ng 2 pm.,, kaya nag send ako ng msg sa company sa gagawin ko ang makakaya ko para makahabol.

Pero nakaalis kami ng PRC lampas 2.. kasi may inasikaso.

Pagdating sa bus station.. Tae, 3pm ang alis ng bus,. Naku,, wala na kong future,, siguro hindi para sa akin ang trabaho..

Sabi ni dating colleague na mag send daw ako ng msg sa kanila na darating ako pero late,, sinunod ko,. Worried ako sa get up ko kasi pagkakaintindi ko sa decent e polo at slacks,, pwede naman atang hindi,, kaya naalis ang pag aalala ko sa suot.

Umabot ng lampas sang oras yung byahe,, 3pm yung usapan.., pero dumating ako dun.., lampas 4pm.. bahala na,, siguro mage explain na lang ako at ipapakita ko kung thumb kong kulay violet para maniwala silang may inasikaso akong impt.

Dire diretso ako at handa akong mag explain ng mga nangyari, pero bago pa man ako maupo para maghimtay kung kanino ako magpapaliwanag, may nagtanong ng pangalan ko.., yun palang nadatnan kong grupo e mag s sign din ng contract..

Yung tumawag sa akin, siya yung nag eexplain ng mga nilalaman ng mga pipirmahan namin,, good at hindi na ko pinagpaliwanag dahil hingal ako nun,, kasi kahit super late na ko e tumakbo pa din ako.. pero I was kinda hoping n asana pinakanta sana ako kasi late ako,. wow..

Ayos.. nakahabol ako.. halos kaka start lang ata nila nung dumating ako.,. buti na lang..

Sabog ako dahil late.. kaya naguguluhan akong konti sa mga nangyayari,, pero naintindihan ko naman inexplain sa amin,,

So pirma at fill out ako ng mga papel.. wow.. ito na nga yun.., makakabalik na talaga ako..

Paglabas ko nagtanong ako ng mga di ko naintindihan,, confirmed na sa Dec13 na mag uumpisa training,, ang cute ng schedule pero tiningnan ko din yung papel ko.. hala.,. di maganda ang sked ko dahil malamang di ako makauwi,,

Nagtanong ako kina manong driver kung may byahe pa sila ng mga ganung oras,, sabe madalang na lang,, hala lagot.

Kaya kinabukasan ay bumalik ako para sabihin ang concern ko para kung may magagawan ng paraan yun.. e ayos.. kaso, yun na daw talaga yun dahil sumagot ako ng no prob. Sa shifting sked at sinabi kong any time pwede sa akin..

Lagot ako, pero bahala na.. pipilitin ko na lang umuwi.. kesa naman wala pa e mag resign na ko.. sayang naman ang opportunity..

Isa pang lagot,, dec 15 ang oath taking namin at gusto kong umattend.., kaso 2pm ang start ng training ko..

Hala kelangan ko na naman atang mamili.., pero sana may paraan,, sayang kasi..

Friday, December 10, 2010

The Final Test and the Girl in Pink Jacket



OA ako pag mga application appointments mga pinag uusapan,, pakiramdam ko.., pag di ako dumating sa tamang oras e hindi ako I h hire..

Monday, Nov 29. OO holiday.., pero I was rushing that day,, I’m worried na baka ma late ako 9 am appointment ko..

Ang layo ng nilakad ko kasi si manong driver.., binaba ako sa kabilang dulo ng mall,. Ang haba pa naman nun.., kaya na late ako ng 2 minutes.. 9:02 na ko nakarating.

Pagdating ko dun.. wala pa yung mga kasabay ko.. ako pa lang at mga applicants na nun ko lang nakita..

Nag antay ako ng mga 30 minutes bago ako nag exam..

Habang naghihintay para makapag exam,, may nakita akong isang pamilyar na mukha,, isang pamilyar na kulay ng jacket,, isang pamilyar na pakiramdam.. bumilis ang tibok ng aking puso..

Nagtama lang ang aming mga mata,, tiningnan niya ako at tiningnan ko din siya pero hindi kami nagbatian,, inisip ko nalang na baka kamukha niya lang.. at mejo nakatakip naman ng kamay ko mukha ko mula sa butas ng ilong hanggang baba,, para kung kilala din niya ko e magdududa din siya kung ako ba na kakilala niya ang nakita niya.

Nag exam ako.., at ang mukhang nakita ko e di matanggal sa alaala ko.. Pero kelangan kong harapin yung exam kaya nag move on na ko..

Tae.., yung kahinaan ko asa exam.. yung pagkuha ng numbers.. e pag di mo nakuha yun, di mo mabubuksan yung acct ng customer, kaya di mo masasagot yung katanungan.., may 2 o 3 ata akong customers na hindi nai take note ung acct. number, so dun palang tagilid na ko.. pero mahaba naman yung exam kaya sabi ko sa sarili ko e babawi nalang ako sa iba,,

Aaminin ko,, hindi madali ang 3rd part ng exam though may mga parts na tulad ng grammar na mejo confident naman ako.., sana enough yung mga items na sure ako na nakuha ko ng tama para maibangon yung kahihiyan ko at para tumuloy ako sa interview part.

Sinabi ko sa sarili ko nun na wag masyadong magpakita ng gilas sa screening part para di ako mapagkamalang matalino.. kasi na experience ko nun,, inakala ng mga tao sa recruitment na matalino ako dahil sa mga sagot ko nung mga screening part. Kaya dinala ako asa isang challenging na account,

Ang hirap mapagkamalang matalino.

Habang naghihintay ako ng resulta,, at iniisip ko ang pangalan ng pamilyar na mukha na di matanggal sa isip ko,, hanggang sa tawagin ako at ayos,, may final intereview ako,, yey

Habang naghihintay,, inorasan ko yung mga iniinterview kung ilang minuto sila nagtatagal.. na note ko na mga 10 minutes silang kinikilatis dun.

Yun,, turn ko na at ang cute ng magi interview sa akin.., gayunpaman, di matanggal sa isipan ko yung pamilyar na mukha.., hindi ko maisip yung pangalan.., pero alam ko at naramdam ko.., bahagi  siya ng nakaraan ko..

Interview part na,, ayos naman.., may mga ilang katanungan lang na alam kong masasagot ko ng mas maayos kesa sa mga sinagot ko.. ang pangit ng mga sagot ko sa ibang tanong,, kasi kung ano lang pumasok sa utak ko nung moment na yun.., yun lang sasabihin ko,, kaya nagpa cute na lang ako.. sana umubra yun..

Bago matapos yung final interview,, tinanong ako ni cute at mukhang mabait na nag interview kung may tanong ba daw ako sa kanya,, sabi ko wala.. pero nagtanong siya ulit.., kaya napilitan akong magtanong will you marry me?? What are my chances??
Sabi niya iaasess muna daw ako base sa naobserbahan niya kaya hindi pa niya masasagot ang tanong na yun..,  ipapatawag na lang daw ako,,

Alam kong tagilid ako,, para kasing nakulangan ako sa sarili ko.. , kung ako yung mag g grade sa performance ko.., malamang babagsak ako sa final interview,,  pero kahit ano man ang resulta,, ayos lang naman yun,, remember,, pwede na ko magiging teacher..^^

Medyo risky ang magpaka low profile.., yung di mo ipapakita lahat.. maaari akong mapauwi dahil dun.., kaya di ko ginawa yun.., piniga ko kung ano man ang natitirang bangis na meron sa akin at todo pa cute ako the entire interview,,nangawit nga mata ko sa kaka pout.. Pero bahala na.. kung hindi pa napapanahon ang pagbabalik ko.., hindi ko na pipilitin,, pero sayang, baka hindi ko na ulit makita yung cute na naka pink na jacket na mukhang kilala ko.

Medyo nagulat ako nung sinabi sa akin na nakapasa ako.. kasi nga, kung ano lang mga pinagsasagot ko.. well I’m thankful..  palagay ko ito na umpisa..

Ayos naman,, naka alpas ako sa mga pagsubok.., at malamang ito na yung pagbabalik ko..

Pero may mga pina fill out sa akin at papamedical pa ako.. at iinform na lang daw ako kung kelan ako papabalikin.. kaya may pagka praning kong sinagot yung mga forms at sinigurado ko na dapat tama ang mga mailagay ko kasi kahit na pumasa ako sa lahat.., di pa nila sinabi na tanggap na ko.. hala parang meron pang screening..

 Papalabas na ko at susunduin ang notebook ko kina manong guard ng biglang bumulis ang bawat pintig ng lahat ng ugat na pumipintig sa akin.., nakita ko na naman siya..—ang babae na nasa pink jacket. Nakita ko siya ng malapitan. At confirmed.., siya nga yung kakilala ko.. isang bahagi ng nakaraan ko.., ang isa sa mga taong nagturo ng mga dapat kong matutunan..

Hindi ko alam who made the initiative to start a small talk.., ako yata.., tiningnan ko siya at tiningnan niya ko.., at tinanong ko siya..,” ikaw yung nakita ko kanina??” sagot niya “oo, di mo man ako pinansin” sabi ko, “ e baka kasi di ikaw yun “ she asked me kung san ako napadpad after ko sa kumpanyang pareho naming pinanggalinggan.. sabi ko.., “nag school”  bahala na kung iisipin niyang nag aral ako.. pero nagturo ako ng mga kimchi race after naming magka trabaho.. Hindi ako makasagot ng tama at matino.., kasi kinakabahan ako at masaya na dun nap ala siya so madami ang chances na magkita pa kami.. 

Nung tinanong ni manong guard kung anong pangalan ko para hanapin sa mga gamit yung notebook ko..,  napatingin ako sa  ID ko bago ako sumagot..  napansin niya yun.. natawa siya,, “ talagang titingin pa sa ID para tingnan yung ID niya “ sumagot ako “ na b block kasi ako pag nakikita kita” sabi niya,, “ bumabalik ban g mga Suth days??” Ngumiti lang ako at nag paalam.. sabi niya.. See you around..

Oo.. ganun ako pag kinakabahan.. walang matinong sagot at pa cute at nakakalimot.. di ko nga siya natawag sa pangalan niya e.., ang totoo.. hindi ko na maalala pangalan niya..
I don’t remember the name..,  but I remember the feeling.

Excited na ko maging bahagi ng kumpanya kahit na nagbabanta ang AHT na dapat mababa, ang CSAT na dapat mataas.., ang puyat.., ang stress.., ang mga sandamakmak na kelangang tandaan dahil sa mukhang nakita ko.. pakiramdam ko kakayanin lahat ng mga yun basta anjan siya,, sana magkapareho kami ng acct.

Hindi ako nakatulog hanggang sa naalala ko na ang pangalan niya..

Nga pala bago ka magtanim ng malisya sa utak mo.., SME ko siya dati.., isa sa mga mentors ko.. masaya lang ako kasi may kakilala na ko agad sa bagong  trabahong papasukan ko.. yun lang. pero mamaya magsusulat ako ke Santa Claus na sana siya yung si SME Christmas gift niya sa akin at magsusulat din ako sa wish ko lang para sigurado.

Ngayon..,Worried ako kasi may drug test sa physical examination.., sinubukan kong wag magpa drugtest pero kasama daw talaga yun.., kaya wala akong nagawa.. palagay ko anemic na ko kasi kinuhanan nila ako ng dugo.

Kung di man ako tawagan o iinform para sa contract signing,, alam ko na.. dahil sa drugtest yun..



Thursday, December 9, 2010

Isang hakbang


May mga pangyayari na magtutulak sa yo para gawin ang bagay na hindi ka sigurado kung gagawin mo nga..

Nov. 25, nagpa print ako ng resume sa kapatid ko.., that means may intention akong tuparin ko  ang sinabi kong mag aapply ako sa Friday,, pero nung Friday, parang ayaw kong umalis ng bahay at wag na muna mag apply.. hindi rin ako siguro kung gusto ko ngang makabalik sa mundong nagpaitim ng mga eyebags ko at nagpa bangag sa akin ng 3 months,, tsaka ayaw naman akong bigyan ng pamasahe sa bahay. So lumipas lang yung oras,, Pagdating ng lunch time, nawalan kami ng kuryente,, ang bagay na pinaka ayaw ko lahat,, mawalan na ko confidence sa pang eenglish.., wag lang mawalan ng kuryente sa bahay.

Tama.., dahil wala kaming kuryente i decided to leave the house and try to get a tutut pass.. ayoko namang maburo at mainip sa bahay ng walang kuryente.. magpapawis lang ako at isusumpa ang mundo.

Hindi ako papayag na mabuhay na lang sa dilim at mainit na lugar,, kaya punta akong ako sa liwanag at may aircon =)

So naligo ako at nanghiram ng pamasahe sa kapatid ko,. Hindi ko sinabi sa bahay mag aapply ako ng trabaho kasi baka maisipan ko lang manuod ng harry potter pag andun na ako.. ang paalam ko lang e, magpapapicture ako at isasangla ang buhay ko--- ang aking walang kamalay malay na notebook.

I had haircut that day kaya mga bandang 2pm na ng makarating ako dun..

Habang nasa waiting area ako,, nagf flashback sa akin ang dati kong buhay,, parang gusto kong bumalik not only for the money,, perhaps for the glory na din.., at para sa love life ko,, hehehehe,, at para na din sa ambisyon kong mapasama sa TOP 10 callcenter men of 2011.. alam ko.. umaambisyon na naman ako. Gusto kong maipasa lahat,, may gusto akong ayusin at patunayan kaya gusto kong ma hire.. tsaka sawa na ko sa routine ko araw araw..

Bahala na sa stress, puyat, at kawalan ng social life.. Mukhang masaya naman dahil sa mga nababasa ko sa isang blog.., naiinggit naman ako sa kwentong callboy niya.. naisip ko lang kung hindi ako umalis nun.., malamang nakapag enjoy ako..

I’m not worried kung hindi man ako matanggap kasi alam ko naman kahit papano may edge na ko kasi ang lakas ng sex appeal ko that day salamat sa nanggupit ng buhok ko.. jay barin. Salamat.

Ang totoo.., konting kaba lang kasi bababa ang tingin ko sa sarili ko kung yung ibang applicants fresh grads makapasok tapos ako na bagong gupit that day e mapauwi,, sad naman.

Tsaka hindi man ako matanggap dito.., may mga schools pa naman.., malamang yun muna dapat unahin ko tsaka siguro saka na lang ito o huwag na lang.

Natapos ang 2nd exam.., pinauwi na ko.. kasi 5 pm na,, I had to go back on Monday. Dun ako mag ta take ng 3rd exam.., tapos hopefully.., final interview,

The Next Move??



I’ve been a bum for quite a while, tapos na ang LET excuse ko, at napagtagumpayan ko naman siya, so feeling ko, medyo bayad na ko sa mga araw na wala akong trabaho.

Sa ngayon, kelangan ko na talagang magka trabaho.. kasi nape pressure ako pag nag c count sila sa tv kung ilang araw nalang ang natitira at pasko na..
                                                                                                                 
I guess I have to end my vacation.. Gusto ko na kasing magkaroon na ng kahulugan ang mga holidays.., kasi pag wala ka trabaho,, walang saysay ang holiday,, nakakaasar lang kasi that means,, walang pasok sa school ang mga makukulit mong kapatid.

Kung magtuturo ako.., I have to wait until next year kasi ayokong magturo ng hindi ko hawak ang aking lisensya—arte lang.

Seryoso.., next year pa lang kasi darating ang mga opportunities ko para dun.., yung mga nalaman kong schools na mag h hire e hanggang next year pa..

Totoong gusto kong magturo kung gusto lang,,pero parang mas gusto ko  ang magka trabaho kahit hindi  muna sa propesyon ko. Naiinip na kasi ko.., namimis ko na magka pera. Kaya kahit ano papatulan ko pati paghuhubad. Joke.

Nov 24. nag message sa akin via ang former colleague ko, tinanong sa akin kung intresado daw ba ko mag CSR,, hindi ko maalala eksakto sagot ko, pero I know.., walang kaso sa akin yun..  Kaya sinabihan niya ko mag apply sa isang CC sa may mall, para daw may kasama siya pag natanggap ako.., kasi siya tanggap na.. so na excite naman ako.. pero nag isip muna akong konti kung handa na ba talaga ako, o mag aantay na lang ako hanggang next year.. Pero um OO ako na mag apply pero sabi ko after tomorrow nalang kasi ang pangit ng buhok ko tapos wala pa kong printed resume tapos final jury na sa survivor , sayang naman kung hindi ko siya mapanood..

 Nag aalinlangan man ako ng konti.., mejo na excite ako.. Siguro nga may babalikan ako. Pero iniisip ko din, malapit na ang next year,, siguro hihintayin ko na yun,, magiging teacher ako..,konting kahihiyan na lang.

The Other Plan



Dapat hindi lang iisa ang plano naten para malaman ng iba na nag iisip tayo.. para kung sakali mang may pagbabago na hindi natin inaasahan e hindi tayong magmukhang tanga na parang pag nagsuot ka ng damit at hindi kasya say o pilit mong pagkakasyahin dahil wala kang choice,, ang resulta., mukha kang suman na tanga.

Sa iba,, may sound ng uncertainty ang pagkakaroon ng ibang plano kasi if you want to make something possible.., you’ll do everything to make it happen.. because having a back up plan can make you feel it’s only ok not to do the first plan.

Sa akin naman, nagkakaroon ako ng dalawang plano para hindi I confuse ang sarili ko..  kasi alam ko naman kung ano uunahin.. Ayoko lang mabitin dahil ayokong mawalan ng choice. I hate it. Tsaka pag madami kang plano.. naghahanda ka lang sa mga posibleng maganap.

Bukod sa plano kong pasukin na ang mundong bukas na para sa akin.., plano ko ding pumasok ulit sa mundong minsan ay pinanggalingan ko na..

Kapag ang mga malalapit na kaibigan ang mga nagtanong sa akin na kung anon a plano ko matapos kongf maipasa ang exam, ang sagot ko e.. “ magbabalik na ko sa pagiging call boy. May mga ilan na sineseryo yun at magtatanong kung saan ako pupwesto at ang mga ilan ay ituturing yung biro. Ang totoo kasi.., pwede naman parehong seryosohin at ituring na biro yung sagot ko na yun.

Ang pagbalik ko sa dating mundo na hindi ko natagalan ay ang plano ko kung sakaling hindi ako makapasa sa exam.

After ko kasing nakapagpahinga,, palagay ko e handa na akong humarap ulit sa harap ng monitor at kabahan pag may pumasok ng tawag. Handa na ko ulit kaharapin si Avaya, guamit ng sandamakmak na mga acronyms, mahilo sa search engine, isaulo kung anong Aux ang 15 minute break at lunch time.

Palagay ko I’m tougher to face that battle again. Gusto kong bumalik para tingnan kung hanggang saan ako magtatagal this time.

Pero nung pumasa ako, pabiro ko pa ding sinasabi na magbabalik pa din ako..
Kasi parang naiimigine ko pag tinanong ang mga anak ko.., anong trabaho ng Papa niyo?? Sagot nila.., Our dad is a CSA.. he works in a callcenter,.. Wow cute.. ingliserong mga bata.. kasi mag e EOP kami sa bahay para paglaki nila,, may twang kagad.

Ngayon pa ba ako matatakot?? Ngayon na naka engkwento  ko na ang pangyayaring inilagan ko nun at napag tagumpayan ito. Yabang lang.

Hindi lang lisensya ang naidulot sa akin ng pag pasa ko. Self confidence din. Dahil mejo nawalan na ko ng takot mag fail kasi alam ko, may mapupuntahan ako.

Ngayon nalilito na ko kung alin sa dalawa ang plan A at B. But one things for sure.. pareho ko silang gustong gawin kahit may pwersa na humuhila sa akin para hindi sila gawin.. pero ngayon.. kelangan kong wag intindihin ang mga takot ko bago maubos ang respeto ko sa sarili ko at ang aking freshness.

Now.., I’ll let some situations decide kung alin ang papasukan ko.., Yung gate ba?? o yung tutut door na kelangan mo pa ng tutut card para makapasok??




Ang Plano



Bukod sa tanong na “kelan ka mag aasawa??” na madalas isalubong sa akin ng mga tao.., isa pang mabiling katanungan na madalas kong kinakaharap sa ngayon e “ ano nang plano mo niyan??”

Matapos akong magtagumpay sa LET e nararapat lang na dapat may gawin na ko susunod.. Kasi di lang sapat na tumitig ako araw araw sa exam results at ngumiti dahil hindi ako magkakapera kung yun at yun lang gagawin ko sa araw araw.

Ngayon.., isa akong tambay na may lisensya.., para mas dignified pakinggan, I’m a licensed tambay. Pero may plano ako.

Malinaw ang plano ko nun na pag nakapasa ako, magtuturo ako tapos mag mamasterals.

Mag aapply muna ako sa mga private schools.., Tapos magmamasterals.., tapos mag aapply sa public schools..yan ang sagot ko sa mga nagtatanong kung anon g next move ko..They said it’s a good plan.

Naiimagine ko na ang mga anak ko pag tinanong sila kung ano trabaho ng Papa niyo?? Ang cute isipin na isasagot nila.., Teacher po si Papa.. wow

Kung magkakasalubong kami ngayon ng batang Tupe, tuwang tuwa yun sa naabot ko. Kasi pag tinatanong ako nung mga bandang grade 6 hanggang 2nd year high school kung ano ang plano ko sa buhay heto ang sagot ko “ Gusto ko pong maging guro kasi gusto kong maibahagi ang mga natutunan ko at tulungan ang mga kabataan sa susunod na henerasyon na matuto gaya ng pagtulong na ginawa sa akin ng mga naging guro ko” tapos may luha pa yun sa kaliwang mata, ayos ang drama effect, parang nagpapasipsip lang para hindi ako bigyan ng mababang marka ng mga guro ko dahil pag ginawa nila yun masisira ang kinabukasan ng isang future teacher. Pero totoo, sincere ako dun, ngayon lang ako aamin live and exclusive pinangarap ko talagang maging guro hanggangdi sa naapektuhan ang utak ko sa mga guro na nagsasabing hindi ka yayaman, kaya nga shift ako ng pangarap dahil mukha akong pera .

Gayunpaman, fate na siguro na mapadpad ako sa propesyon na to. Di ko talaga sinadya  na kunin ang kurso ko at di ko alam na mapupunta ang kinuha sa pagiging guro.

Wala na akong excuse ngayon para hindi magturo, kasi noon, ayokong magturo hanggat kolorum ako. kaya nga nun, hanggat maaari e hindi ako nag le LET para hindi ako itulak sa pagtuturo.

I admit, I also placed my self to this situation, kung hindi ako naiinggit at kung hindi ako nakulangan sa diploma ko, may excuse pa din ako sa ngayon para hndi magturo. Siguro nga kahit papano, merong parte na sa akin na gusto nang magturo. Kasi lahat ng mga nangyayari sa atin, responsible tayo sa mga ito.

Kung ito pagiging guro nga ang destiny ko, hindi ko na yun kokontrahin. Pero bago ako tumuloy dun, gusto ko pang tingnan kung may future din ako sa ibang fields, tulad ng pag aartista.

Ngayon na hindi lang pinto ang nagbukas para sa akin sa pagpasa ko sa exam, pati gates ng mga eskwelahan, bukas na din para sa akin. Though medyo pahirapan daw makapasok sa mga public schools ang mga baguhan ka, may palakasan daw, e wala pa naman akong kapit, kung palakasan lang yan ng sex appeal, hindi ako kakabahan.

Decided na akong magturo.., ngayon pa at may tiket na ako.. siguro mag uumpisa muna ako sa isang private school kung hindi ako makapasok sa public…, tapos laban na.. pero nalaman ko na ang liit ng sahod sa mga private schools.., so nagdadalawang isip ako sa ngayon.

Gusto kong tuparin ang pangako ko bago ako pumasa.., ang ilaan ang buhay ko sa kung hindi ko siya gagamitin..

Tapos pag naramdaman kong umiikli ang buhay ko.., then I have to move on..

Wednesday, November 24, 2010

LET's Drink to That: The LET Results Hang Over, an Endless Gratitude ,and a Message




To say that I'm happy after I saw my name on the list of  the Sept.26 LET survivors would be an understatement.

Magdamag akong di nakatulog pagkatapos kong malaman na pasado ako.., titig lang ako sa exam result at binantayan ko yun baka kasi kung matulog ako  e may magtanggal nun..

Titig.., ngiti.., titig.., pikit mata.., titig.., ngiti.. yan lang ang ginawa ko.. di pa din ako makapaniwalang kung papano at napasama ako sa mga mapapalad na nakapasa..

Hindi na ko magtatanong pa kung papano ako pumasa baka kasi ngayon din ay i recheck ang papel ko.

Ilang araw akong lutang at bukas lang ng bukas ng mga sites kung saan may exam results para tingnan kung andun lahat ang pangalan ko.. Basta.., ngiti lang ako pag naiisip kong I’m in a no dream sequence.. this is really happening. At nagdasal pa din ako nun kahit siguradong pasado na ko, na sana, wala namang lumabas na balitang nagka leakage, kung hindi papasabugin ang tumbong ng kung sinuman ang pangahas na nagkalat at gumamit ng leakage sa exam. Kasi ako malinis., utak lang at sex appeal ang ginamit ko sa exam, tas sinamahan ko ng sangkatutak na dasal.

Pero kapag tinitingnan ko pangalan ko.., sinisigurado kong LET results nga binabasa ko at hindi resulta ng drug test. Yun naman kasing test na yun, kahit na hindi na ko mag aral at hindi ko i.take.. alam kong papasa ako dun. Nagpapatawa lang. mabuti na at malinaw, baka kasi may taga PRC na makabasa neto, baka irevoke yung license ko kahit di pa siya narerelease. – wala pong bakas ng droga sa dugo.. inborn lang ang pagka adik.

Nag flash back sa akin mga pinagdaanan ko sa tuwing nakatitig ako sa pangalan ko sa exam results.., andaming balakid, Hiya, pagdududa sa kakayahan, at ang kakulangan sa preparation, pag atras ng kasama ko sanang pupunta sa PRC.., pero buti nalang at di ako nag paapekto this time, kung hindi, hindi ko ma eexperience to. kaya ngiti ako hanggang batok.

Dahil sa inggit at sa mga taong nasa paligid ko na tumulak sa akin para maging matapang e naging possible ang akala ko ay hindi mangyayari sa buhay ko.

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng tagumpay ko. Wow.. feeling best actor awardee lang..

Ke Mama na sinasabihan akong mag review pag nakikita niya kong nagf facebook at nanonood ng TV. Buti at di niya  hinampas sa akin ang notebook ko sa mga pakakataong dapat review ang inaatupag ko.. kung di.. iiyak talaga ako.. ang mahal ng notebook ko e..

Sa pamilya kong andiyan sa likod ko kahit anu man ang mangyari sa akin.

Sa mga Tita kong sumuporta sa akin sa pag aaral ko nun.

Ke Tita na nagsabing kina R nalang ako makitulog night before the exam para di ko na problemahin kung saan ako tutuloy night before the exam.

Sa Pinsan ko at sa kanyang kabiyak na si R na pinaramdam sa akin na ayos lang na makituloy ako. kahit mejo nag aalinlangan ako nun dahil hindi pa yata kami nakapag usap ni R bago pa ako makituloy sa kanila. Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko at hindi ko pinansin ang hiya,, kasi kung nagpatalo ako sa pakiramdam na yun, malamang sobrang na stress ako before the exam dahil maghahanap pa ko ng matutuluyan sa isang lugar na di naman pamilyar sa akin,o hindi ko na lang sinipot yung exam. Biruin mong hindi siya umuwi ng weekends para may matuluyan lang ako.. I know thank you isn’t just enough. Ambait, buti at hindi nasayang ang sacrifice niya..

Sa kaklase kong si S na inistorbo ko ng halos buong araw nung nagpunta ako ng PRC mag isa.., siya ang gumabay sa akin over the phone sa kung anong kelangan kong gawin para din a ko magtanong sa mga nagpaparegister sa PRC at makipag textmate. Isa siya sa mga pinag hugutan ko ng inggit dahil nauna siyang humarap sa laban kesa sa  akin at nagtagumpay.

Sa lahat ng mga guro ko..

Ke Ma’am H, Ma’am D, at Ma’am L na naging mga English techers ko nung H.S kaya dina bago sa akin ang pagdanak ng dugo pag while having class. Mahigpit kasing pinagbabawal sa  mga klase nila ang magsalita ng ibang wika lalo na kung iniimbento mo lang ang pagiging Chinese mo at kumakanta ka lang pala ng butsikik. EOP, English O Piso kami sa klase ni Ma’am L, magbabayad ka ng piso sa bawat hindi ingles na sabihin mo pag nahuli ka--EOP; Ke Ma’am H., wala atang charge at hindi naman masyadong mahigpit,, nabanggit ko lang siya dahil isa sa mga all time favorite teachers ko, ambait kasi at ayos magturo. Sa Klase naman ni ma’am D na balita ang pagiging mahigpit e tikom ang bibig naming pag hindi English sasabihin namin, may charge din ata sa klase niya Dahil bawal magsalita ng Vernaculars na akala ko e telescope nun, naging bihasa ako mag sign language at naging man to beat ako sa  larong charades . ^^

At para makumpleto ang mga English teachers ko nung high school., sama na natin si Ma'am G. na bumatok sa akin nung sinubmit ko sa kanya yung draft nung essay na ginawa ko kasi nawala yung isusubmit ko sa kanya, hindi ko alam kung sinabotahe ako o burara lang talaga. pero nawala yung pinaghirapan ko e, kesa naman walang maisubmit, yung draft na lang kaya ang pangit ng sulat ko at puro bura bura. Akala ni Ma'am G. e ganun talaga ako magsulat sa personal.Sinumpa ko siya ng ilang buwan kasi umalog yung utak ko sa pagbatok niya, pero pinatawad ko din siya dahil binigyan niya ko ng suman,, Salamat sa kanya, dahil dun, pinag igihan ko ng konti ang hand writing ko. Oo dahil sa suman naging pang architechture student ang sulat ko. joke lang sa arki student hand writing part. pero totoong nag improve ang sulat ko dahil sa suman.

Ke Ma’am P. na naniwalang kaya kong pumasa. Naaalala ko nung nakasakay ko siya sa dyip at nangumusta kung magta take daw ako ng LET, sabi ko hindi po busy po kasi ako nung filing., sabi niya, try mo mag take, kaya mo yun. Wow at biglang lumaki ang ulo ko nun. hulaan niyo nalang kung saan banda.. ^^

Ke Sir B. na sobrang naging impluwensya para pag igihan ko ang lahat. Na challenge ako sa sinabi niya sa akin nun nung nag enroll ako sa isang major subject na pang 4th year kahit na 3rd year palang ako kasi irreg student ako.., transferee e. Pede naman kasing kunin yun kasi tapos ko na yung isang major na pang 3rd year. Tinanong niya ko kung “ are you sure you are taking subject?” Ngumiti lang ako para di ako maihi dahil kinabahan ako sa tanong niya.., What if hindi, Pero nagtanong siya ulet ng same question. This time, sumagot na ko ng Yes Sir, at yuko para di niya mapansing naiiyak na ko at gusto ko nang I drop bukas na bukas din ang subject na yun. Pero dahil alam ko naman na di niya ko pababayaang malihis ng landas e tinuloy ko ang subject nay un kahit na pakiramdam ko minsan e left out ako sa discussion kasi alam na ng mga kaklase kong seniors ang tungkol sa mga yun, plantsa na lang sila, ako kelangan pa kong labhan. Pero nakahabol naman ako.. Idol teacher si Sir. Dahil sa kanya, somehow, I considered teaching to be a career I want be to like him though I know marami pa kong kelangang matutunan at maranasan.

Ke Ma’am T. na binugbog kami sa mga performances.., siya yung isa samga teachers na ayos mang hostage ng mga grades. Ang drama, kung di niyo gagawin yan, wala kayong finals.. –ma’am peace po ^^. dahil sa kanya, natanggal hanggang sa 2nd layer ang mga hiya namin sa katawan, dahil din sa kanya e muntik na kaming magsaksakan magka kaklase dahil sa movie na pinapagawa niya sa amin na hindi namin maumpisahan, script palang kasi e di namin mapagkasunduan,, nagmakaawa na nga kami nun sa bahay niya pero hindi kami pinagbigyan na mag play nalang. Dahil dun naranasan kong maging writer kaya andaming imperfections ng debut movie naming pero dahil sa pinagawa niya, nararagdagan ang mga kaya naming gawin tulad magpacute at mabulol sa harap ng camera at sumira ng camera dahil sa mga acting namin na halatang ang iba ay di pa graduate sa mga dula dulaan days. Dahil ke ma’am R. din, naibenta namin ang kahihiyan naming sa halagang 2,000 php nung pina join kami sa isang dancing competition. We landed 3rd. kasi tatlo lang kami naglaban laban. Ang hilig magpagawa ng mga kung ano anong bagay ni Ma’am R. kahit na nag rereklamo kami at SSShhhh,.. wag kang magsusumbong kung kilala mo siya ha??  pinag uusapan na hindi siya masyadong mahilig mag discuss kaya kung ano anong pinapagawa niya sa amin,e wala kaming nagawa kung di gawin ang mga pinapagawa niya.. Accept lang kami ng mga acting projects kahit di kami taga performing arts at gawa lang kami ng mga projects na minsan we find it so pambata, siguro kasi nalaman niyang di ako gumagawa ng mga projects ko nung elementary. Pero In the end nakita ko din naman purpose ng mga lahat ng pinagawa niya sa amin para mas tumatak ang mga pinag aaralan namin at para maragdagan ang mga bonding moments namin at para masanay kami sa atensyon at hindi mahiya sa mga tayo. Dahil ke ma’am R. natutunan kong huwag bumitiw kung hindi kelanman e hindi mo na magagawa ang dapat naranasan mo kung kumapit ka lang. Accept lang ng mga challenges na akala mo ay di mo kayang gawin.. pag ginawa mo kaya mo, pag hindi tamad ka lang o duwag,, kasi kaya mo yun e.

Sa mga kaibigan ko hindi ako iniwanan. Sila yung isa sa mga nagpapalakas ng loob ko.

Ke D. na niremind ako na magreview. Siya yung nagsabing dapat alam ko mga dapat unahin.. kasi pede naman akong magsawang manood ng mga series at movies after the exam. Nahiya naman ako sa kanya,, sa kanya kasi tumitingin nun pag exam na pinag uusapan. Sa kanya ako kumukopya nun pag hindi ko alam isasagot ko sa mga quizzes at exams nung h.s kahit ang liit ng sulat niya at super guard. Nakakapuslit ako ng mga sagot minsan at nahuhuli niya ko, buti ni minsan di ako sinuplong. Isa si D sa mga maagang nagturo sa akin kung papano tumayo sa mga  sariling paa. At isa din siya sa mga impluwensya ko kung bakit malakas ang pananalig ko ke Lord.

Ke Z. na cool lang. Siya ata yung unang sinabihan ko na babagsak ako sa exam right after taking the test at sabi niyang “ hindi yan”. At siya din ang nagsabing hanggat ala pang resulta, hindi pa ko bagsak..nakaka good vibes pag siya na kausap ko tungkol sa board nung hindi pa nirerelease results. Basta positive lang siya. Nakaka uplift kahit na tanggap na tanggap ko na ang pagt take 2 ko sa exam.

Astig magbigay ng kompinsya at sumuporta ang mga kaibigan ko, hanggang sa dulo, walang bitawan.. Salat man ako sa mathematical skills, i know i can count on them like 1,2,3 as they can count on me. no wonder hindi ko pa naiisipang magpalit ng mga kaibigan..

Sa mga iba ko pang kaibigang nagsabing kaya yan, at sinasama ako sa mga dasal nila..

Sa lahat ng mga taong naniwalang kaya ko bago ko pa paniwalaan ang sarili ko na kaya ko nga, Kung pinapalakas niyo loob ko ang dahilan nun.. it worked ^^

Sa taong unang nagbalita sa akin na pumasa ako na hindi ko pinaniwalaan,, sorry, kasi kahit naman sino atang magbalita sa akin nun e pagdududahan ko ang kredibilidad ng balita nila. Nagkataong ikaw yun at hirap lang talaga ako maniwala hanggat di ko nakikita na totoo nga. Sanay kasi ako sa mga nagt trip. Sensya na..

Kahit sa unang site na sa una e pinagdudahan ko din ang kredibilidad kaya naghanap ako ng ibang source., Di na talaga nakumpleto yung saya ko nun hanggat di ko ako nakakita ng isa pang source..

Sa mga reviewers ko na pinansin ko lang nung ilang araw nalang bago ang exam na at ibinigay ko na sa kapatid ko right after the test. Aaminin ko, dahil pag nakikita ko sila e naaalala ko ang lahat ng mga mapapait na naranasan ko sa kamay ng LET. Ayoko kasing makita ang mga mali kong sagot na andun sa mga reviewers baka mabangasan ko ng matindi ang sarili ko dahil hindi ako nag aral ng maayos.  Nung mga panahong di pa narerelease ang exam results, naasar ako pag nakikita ko sila kasi asa kwarto lang sila ng kapatid ko kaya madalas e tabunan ko sila kong ibang libro.  Pero after seeing my name on the passers' list e kinamusta ko yung 2 reviewers at nginitian at nagpasorry,, buti wala silang buhay kung hindi katakot takot na sumbat maririnig ko. Ngayon, kung kelan wala ng exam, pinapansin ko na sila at nginingitian. Minsan e kinakantahan ko pa sila at hinahainan ng prutas at itlog pagdating ng ala sais ng gabi

sa aking sex appeal ako na kahit minsan man ay di ako binigo pag tipong nilalaglag na ko ng utak ko . Parati niya kong sinasalba pag hindi na gumagana ng maayos ang utak ko.

sa aking naging inspirasyon, salamat sa pagbuhay uli ng natutulog kong puso. mahal pa din kita kahit kasal ka na. Lana lang. at sa bagong inspirasyon ko.., magkikita din tayo..

At sa higit sa lahat sa Panginoon na nagbigay sa akin ng lahat..

Sulit hanggang sa huling patak ang tulong, suporta, mga tinuro at lahat ng mga naibahagi niyo sa akin.. Iniaaalay ko po sa inyong lahat ang tagumpay na to dahil di ko to kinaya kung mag isa lang ako.
Maraming Salamat Po!!

Alam kong umpisa pa lang to ng mas malaking laban.., pero hanggat asa likod ko kayong lahat, wala akong di makakaya..

Ikaw na magta take.., takot mag take, at ayaw mag take ng board exam.. kaya mo yan.. ako nga kinaya ko kahit na hanggang ngayon ay nagtataka ang mga taong nakakita ng mga ginagawa ko nung mga panahong dapat ay nag rereview ako.

Hindi mo talaga malalaman na papasa ka kung di ka naman mage exam.. Mamamatay ka lang sa inggit at lalamunin ka kakulangan ng tiwala mo sa sarili mo.. Hanggat takot kang bumagsak.., hindi ka pa nakahandang pumasa.. tapang lang..

Ibinibigay lang talaga ni Lord ang blessing sa mga taong handang tumanggap nito. Tinitingnan niya kung gaano ka kahanda at kung gaano mo ka gusto ito.

Natural ang mabigo, pero pwede namang bumangon. Huwag kang matakot.., hindi ka nag iisa sa laban.. may mga taong naniniwala sa yo.. dapat ikaw din, maniwala ka sa sarili mo.

Saturday, November 20, 2010

The LET Chronicles of Tupe: The Moment of truth




Sabi ng kaibigan ko, hanggat di pa lumalabas ang resulta ng exam, ay hindi pa ko bagsak. Dahil dun ay nagsilbing tanglaw ang karampot na liwanag na meron ako.

A month after the exam e silip ako everyday sa coolbuster.net para tingnan kung anong nagyari sa LET at parang gusto kong tingnan kung makakapuwing ang ga butil na buhangin kong pag asa na mapagtagumpayan yung exam,, Lumilipas ang mga araw at nananabik na ang mga LET takers.., ako nga minsan sumasakit na ang puson sa kasabikan.

Halos lahat inip at nagdarasal na sana ay nakasama sila sa pumasa. Ako.., hinga lang ng maluwag.., kasi hindi pa ko officially bagsak.., pero one day gusto ko din makita yung result.. by that time.. di ko na siguro maiiisipang tumungga ng muriatic acid.

Binabasa ko yung mga comment ng mga inip sa result at naghohope na pumasa.., dahil dun…, isa ako sa mga maagang nakaalam na hindi naman nanuod ng pay per view na nanalo si Pacquiao after 12 rounds at unanimous ang desisyon.. wow—at nauna ako sa ABS na maghatid ng spoiler para sa mga sumusubaybay sa GMA.

kung ako si Pinocchio, malamang ay natusok ka na sa ilong ko kung ikakaila kong may mga pagkakataong dumadaan sa isip na sana may good news pag na release na nag result.. After all, walang imposible ko Lord. I trust his plans, kung ibigay man niya sa akin o hinde, may maganda siyang dahilan.

Naisip ko.. malamang kaya pinapatagal ng PRC yung release ng exam result ay para hindi na masyadong umasa ang nakararami.. That worked for me..  Sabik padin sa result pero Tanggap ko na kahit ang sakit na talaga ng puson ko.., kelan ba nila ilalabas??

Nov.16 ng umaga at ni check ko sa coolbuster kung may resulta na nga.., as usual.., wala pa din.. so naglaro, nanuod at nag feeeizzboooook lang ako buong araw. Until before 6 pm e may nareceive akong comment mula sa isang kaibigan na hindi ko masyadong pinaniniwalaan ang mga good news niya,, dahilan ko?? Kasi pag nag good news yun.., parang imposibleng mangyari yung balita niya .., mahilig magbiro yun.., not that I’m saying that he’s a liar. 

Ineexpect ko siyang I cocongrats ako para sa LET kahit wala pa namang result. At hindi nga ako nabigo, tama ang hinala ko.. Flatered naman ako kasi iniisip niyang pumasa ako kahit alam kong 10% lang ang possibility nun.. holiday ngayon., kaya hindi naman siguro ipopost ngayon ang resulta,, Gayunpaman,, ni check ko pa din para may karapatan akong magsabing "alam ko.., pero wag kang excited, nauna ka pa sa PRC mag release ng result, anak ka ba ng machine na nag check ng mga papel??"wow.. kafalmuch lang.. joke lang naman kasi yun, hindi sumaagi sa isip ko na papasa ako pero pinagdarasal ko yun araw araw.

At nung tingnan ko yung coolbuster.., hala.. meron na nga.. At naramdaman ko na ang excitement at kabang kinainggitan ko na isa sa mga nagtulak sa akin na kaharapin ang laban na kukumpleto sa diploma ko. 

Literal na nginig kamay kong ni check kung hindi nga siya nagbibiro.., kasi pag hindi ko pa nakikita ang pangalan ko sa list  hindi ako maniniwala.., At ng asa letter C na ko ng mga 9,493 pumasa out of 36,714 na nagtake e kumabog dibbib ko.., hindi ko matyempuhan sa mga Cruz,, at nung andun wow.. dahan dahan kong minumove yung scroll at tiningnan ang pangalan ko.., at naggdasal ako na sana naman andun talaga ako.. at wow.. totoo nga!! Tiningnan ko siya ng malapitan kaya tinutok ko yung monitor ni Oshi sa mga mata ko at ni check ko ang spelling.. at Woooow.. tama,. Ako yun.., pangalan ko yun.. kaya bago pa ako mag announce  sa fb ang tagumpay na pinagdasal ko araw araw ay gusto kong ishare sa tita ko na tumulong sa akin para magkaroon ako ng matutulugan na malapit sa USTe before the exam.. salamat sa kanya at sa manugang niya. Can’t thank them enough. ^^ kaso wala siya. Gusto kong sumigaw ng malakas sa sobrang saya kaso baka akalain ng mga kapit bahay namin may ipis na naman na papalapit sa akin. Kaya pinigil ko sarili ko na sumigaw,, kaya yes!!  na mahina pero may force na lang ang nasabi ko..

Gusto kong sabihin sa pusa namin kaso di naman kami close nun.., kakapalo ko lang sa kanya dahil inunahan niya ko sa ulam ko..

Ang saya..sobra.. dobleng saya yung feeling kesa nakita mo yung kaklase, pinsan, crush, at kakilala pero di naman kayo close na pumasa sa Board. Kasi pag may pumapasa sa board na kakilala ko e masaya ako para sa kanila kahit na may halong inggit na sana ako din.

Mayabang na kung mayabang.., pero inanounce ko na sa Fb na pumasa ako.. I won’t wait for anyone to congratulatulate me..
Hindi biro ang exam at hindi sapat ang mahirap para I describe yung exam.. dapat yung adjective dun e impossibleng ma take 1. ^^

Naalala ko yung panaginip ko last year at kung ano ang pakiramdam ko nung napanaginipan ko yun,,

Last year I dreamt of passing the board exam.., ang saya ko nun.., di ako makapaniwala kasi alam kong di naman ako nag take pero pumasa ako.. Pero kahit na panaginip lang yun e napasaya niya ko.


Para sigurahin na hindi lang sample result o joke yung nakita kong result, naghanap ako ng iba pang source…, kahit na masaya na ko.., gusto kong I confirm na totoo nga ang dahilan kung bakit ako masaya. Ni check ko yung isang site,, hala walang result dun.., at kinakabahan ako..

Hindi ako masyadong kumbinsido sa iisang site lang.. kaya parang napalitan ng kaba yung saya ko.. Yung pakiramdam ng batang nakatanggap ng regalo na hindi niya inexpect tapos baka bilang babawiin sa kanya dahil nagkamali ng pinagbigyan yung nag abot ng regalo.

Hanggang sa pinakita sa akin ng kaklase ko ang screen shot ng mga passers na nagsisimula ang surname sa letter C. positive. Andun ako. wow.., totoo nga,, pabiro kong nasabi na babantayan ko araw araw ang pangalan ko sa result baka kasi tanggalin. Wow.

Wala sina mama sa happy moment ko.., asa hospital sila kasi si bunso.., na typhoid. I just hope bunso will recover pretty soon and I know  they’re going to be proud once they knew the news.

Ganun pala yung pakiramdam ng masaya ka nga pero there is no one to share it to at the moment where you are at your happiest state.. Buti na lang at may facebook... At andun sina tita kaya tinatawag namin sila mama para sabihin ang magandang balita..

sabi ko ke mama..< sad voice> "Ma, lumabas na kanina yung resulta ng exam., hindi na ko magtatake ulit.."
sabi mama.," Bakit naman??"
sagot ko. " e kasi Mama, pumasa ako"
sabi ni mama.. " ang galing galing " kahit na alam kong pano nangyari yun?? ang susunod niyang sasabihin dahil nung mga panahong dapat nag rereview ako, smallville lang inatupag ko..

2 years in the making din ang victory na to.. after 4 LETs mabuti nalang at hinarap ko ang laban .. at wow.., unang take,, pasok! Ang galing ni Lord. I can never be more grateful.


at may isang bagay akong hindi nasabi ke mama..
 "Ma, total ngayon at pasado naman na ko sa board, ,  pwede ko na bang ibigay virginity ko?"

Virginity anyone? None? sad. 

<maldito.., di mo man ako kakilala.., peram lang ako nun.. tnx>