I’ve been a bum for quite a while, tapos na ang LET excuse ko, at napagtagumpayan ko naman siya, so feeling ko, medyo bayad na ko sa mga araw na wala akong trabaho.
Sa ngayon, kelangan ko na talagang magka trabaho.. kasi nape pressure ako pag nag c count sila sa tv kung ilang araw nalang ang natitira at pasko na..
I guess I have to end my vacation.. Gusto ko na kasing magkaroon na ng kahulugan ang mga holidays.., kasi pag wala ka trabaho,, walang saysay ang holiday,, nakakaasar lang kasi that means,, walang pasok sa school ang mga makukulit mong kapatid.
Kung magtuturo ako.., I have to wait until next year kasi ayokong magturo ng hindi ko hawak ang aking lisensya—arte lang.
Seryoso.., next year pa lang kasi darating ang mga opportunities ko para dun.., yung mga nalaman kong schools na mag h hire e hanggang next year pa..
Totoong gusto kong magturo kung gusto lang,,pero parang mas gusto ko ang magka trabaho kahit hindi muna sa propesyon ko. Naiinip na kasi ko.., namimis ko na magka pera. Kaya kahit ano papatulan ko pati paghuhubad. Joke.
Nov 24. nag message sa akin via ang former colleague ko, tinanong sa akin kung intresado daw ba ko mag CSR,, hindi ko maalala eksakto sagot ko, pero I know.., walang kaso sa akin yun.. Kaya sinabihan niya ko mag apply sa isang CC sa may mall, para daw may kasama siya pag natanggap ako.., kasi siya tanggap na.. so na excite naman ako.. pero nag isip muna akong konti kung handa na ba talaga ako, o mag aantay na lang ako hanggang next year.. Pero um OO ako na mag apply pero sabi ko after tomorrow nalang kasi ang pangit ng buhok ko tapos wala pa kong printed resume tapos final jury na sa survivor , sayang naman kung hindi ko siya mapanood..
No comments:
Post a Comment