Dapat hindi lang iisa ang plano naten para malaman ng iba na nag iisip tayo.. para kung sakali mang may pagbabago na hindi natin inaasahan e hindi tayong magmukhang tanga na parang pag nagsuot ka ng damit at hindi kasya say o pilit mong pagkakasyahin dahil wala kang choice,, ang resulta., mukha kang suman na tanga.
Sa iba,, may sound ng uncertainty ang pagkakaroon ng ibang plano kasi if you want to make something possible.., you’ll do everything to make it happen.. because having a back up plan can make you feel it’s only ok not to do the first plan.
Sa akin naman, nagkakaroon ako ng dalawang plano para hindi I confuse ang sarili ko.. kasi alam ko naman kung ano uunahin.. Ayoko lang mabitin dahil ayokong mawalan ng choice. I hate it. Tsaka pag madami kang plano.. naghahanda ka lang sa mga posibleng maganap.
Bukod sa plano kong pasukin na ang mundong bukas na para sa akin.., plano ko ding pumasok ulit sa mundong minsan ay pinanggalingan ko na..
Kapag ang mga malalapit na kaibigan ang mga nagtanong sa akin na kung anon a plano ko matapos kongf maipasa ang exam, ang sagot ko e.. “ magbabalik na ko sa pagiging call boy. May mga ilan na sineseryo yun at magtatanong kung saan ako pupwesto at ang mga ilan ay ituturing yung biro. Ang totoo kasi.., pwede naman parehong seryosohin at ituring na biro yung sagot ko na yun.
Ang pagbalik ko sa dating mundo na hindi ko natagalan ay ang plano ko kung sakaling hindi ako makapasa sa exam.
After ko kasing nakapagpahinga,, palagay ko e handa na akong humarap ulit sa harap ng monitor at kabahan pag may pumasok ng tawag. Handa na ko ulit kaharapin si Avaya, guamit ng sandamakmak na mga acronyms, mahilo sa search engine, isaulo kung anong Aux ang 15 minute break at lunch time.
Palagay ko I’m tougher to face that battle again. Gusto kong bumalik para tingnan kung hanggang saan ako magtatagal this time.
Pero nung pumasa ako, pabiro ko pa ding sinasabi na magbabalik pa din ako..
Kasi parang naiimigine ko pag tinanong ang mga anak ko.., anong trabaho ng Papa niyo?? Sagot nila.., Our dad is a CSA.. he works in a callcenter,.. Wow cute.. ingliserong mga bata.. kasi mag e EOP kami sa bahay para paglaki nila,, may twang kagad.
Ngayon pa ba ako matatakot?? Ngayon na naka engkwento ko na ang pangyayaring inilagan ko nun at napag tagumpayan ito. Yabang lang.
Hindi lang lisensya ang naidulot sa akin ng pag pasa ko. Self confidence din. Dahil mejo nawalan na ko ng takot mag fail kasi alam ko, may mapupuntahan ako.
Ngayon nalilito na ko kung alin sa dalawa ang plan A at B. But one things for sure.. pareho ko silang gustong gawin kahit may pwersa na humuhila sa akin para hindi sila gawin.. pero ngayon.. kelangan kong wag intindihin ang mga takot ko bago maubos ang respeto ko sa sarili ko at ang aking freshness.
Now.., I’ll let some situations decide kung alin ang papasukan ko.., Yung gate ba?? o yung tutut door na kelangan mo pa ng tutut card para makapasok??
No comments:
Post a Comment