Thursday, September 29, 2011

The Boy I was and the Man I have become: Tupe to his Silver Year



Gaya ng mga nakaraang kaarawan ko.., just before the clock ticks 12.., magpapaalam lang ang isang bahagi ko.., sapagkat ilang minuto nalang isang bagong taon na para sa akin.. hindi na ko makakabalik…, kaya iiwan ko nalang dito ang mga nangyari sa taong iiwanan ko.., para may effect pag naisipan kong magbalik tanaw.., malay mo, ako pala yung bibida sa ‘the butterfly effect3’?? ^^

A lot of things happened in my 24th year,, mga masasaya.., mga pagkakataong gusto kong magbaril sa SM.., mga oras na feeling ko e papasa na kong maging drama actor.., at mga bangag moments.., I thank God that he let me experienced all of those before a more mature me has been born..

Akala ko naranasan ko na mga pwede kong maranasan bukod sa magkaron ng matinong lovelife at maging kasing powerful ni Pacquiao at ni Justin bieber, hindi pa pala.., there is more to life than of those I have encountered in the past.. Marami pang pwedeng mangyari na hindi ko inasahan.., maraming mga leksyon na saka mo na lang ma rerealize.., may mga tao pa palang dapat tayong makilala para  makita mo kung bakit ka nga ba nabubuhay..

Para akong kabilang sa isang reality show.., ang pagkakaiba lang, walang CCTV.., walang mga camera sa paligid.., at hindi ako magiging artista pagkatapos.. sana ganun na lang kadali ang buhay., may grand finale.., tas pwede kang interbyuhin ni boy abunda pagkatapos.

Natupad naman ang mga hinangad ko nung 23 pa ko.., ang pumasa sa LET.., at magkaroon ng trabaho.., ang totoo.., asa pagkilos natin nakasalalay ang lahat.., kung walang nangyayari sa iyo.., yun ay dahil wala kang ginagawa,, Aray ko naman.., opo titigil na ko sa pagpapacute at kikilos na ko para magka lovelife na ko.

Kung hindi ko hinarap ang takot ko.., malamang kinakabahan pa din ako na parang tanga pag nakakakita ako ng LET reviewers sa National Bookstore. Nakakahinga na ko ng wagas pag nakikita ako ng mga reviewers at natutuwa ako at nagpapasalamat dahil nalampasan ko siya,, Ngayon na may lisensaya na ko.., bukod sa plano ko itong ipa renew na kahit sa 2013 pa ang expiration date nito dahil hindi ako masaya sa picture.., plano ko ding magturo,, soon pero di pa ngayon,. Alam ko darating din ako dun..

I now have a job which I hope of having when  I was in col lege na naranasan ko naman after grad pero tinalikuran ko dahil sa mga di magagandang episodes ng buhay ko..,
Bumalik ako at nakarating naman ako.., natuwa naman ako dahil kinaya ko dahil di nga talaga siya ganun kadali.., naku.., kung alam mo lang na halos araw araw akong nagp praktis kung papano ko sasabihin sa TL ko na ayoko na po.., hindi ko na  po aantraying alisin niyo ko because I give up.., mag aartista na lang ako.

Ang buhay ay di gaya ng trabaho na magreresign ka kung pakiramdam mo ay hindi ka na masaya o simpleng ayaw mo na,, kelangan mong kayanin ang lahat gaano man kabigat ang pakiramdam mo para magpatuloy.., may oras para sa lahat.., nabubuhay tayo dahil may gagampanan pa tayo.., k aya I have applied the same principle on my job.., hindi basta bastang aalis nalang ako kasi ayoko na,, sabi nga ni mommy.., wag kayong aalis hanggat di kayo pinapaalis..


I’m really so thankful to my creator that a year has passed.., I will never be more thankful to the blessings.., lessons.., people He let me have.

Kahit ang tsunami sa japan, lindol nung nag ca calls kami ng ala una ng madaling araw.., ang bagyong Pedring.., pati ang pagpapagupit ni Justin bieber ay hindi hadlang para ipagpasalamat ko ang taon na sa akin ay nagdaan..,

I have survived my 24th year.., and I’m hoping that my 25th year will be more joyful., more fruitful , and more exciting..
Simple lang naman ang mga kahilingan ko e
Sana naman makapag enchanted kingdom na ko, magka lovelife, at mag trend sa twitter.
Bukod dun.., sana I hope to find stability.., and perform my purpose.

We deserve what’s happening to us and what we have.., maniwala ka.., kung anong nangyari sa sayo at kung anong meron ka ngayon.., yun ay dahil yung ang deserve mo.., kaya I’ll work harder to deserve what I want to have,, if I worked hard enough and what I want was not given.that  means God will give me more than what I think I deserve..


“tuper.., laban lang.., di ka nag iisa..”

after the training

 

Every shift.., I battle for survival.., for redemption.., at para  patunayan sa TL ko na tama lang na pinaglaban ako ni kuya P. para tumuloy sa production floor.

Kahit kada shift e ayoko na.., dahil parang ayaw ko ng pumasok dahil naiimagine ko na naman how the shift will look like.., for sure para na naman akong bata na pa.cute lang ang alam at magtatanong kung anong gagawin.

Pero nakaka survive ako dahil naniniwala akong things will just go better cause it can’t be any worst..

Palagi akong sinasabihan ni TL na use your search engine.., exhaust all your resources first,, tae.., déjà vu.., dahil yun din ang habilin ng mga mentors ko.., kulet ko lang e no..

Alam kong kung badtrip ako e dobleng badtrip sa akin ng TL ko at paniguradong dismayado ang mga mentors ko pag nalaman nilang di pa ko nag iimprove.. Di ko pa naalis ang ugali kong matanong

Ang totoo.., you have to show me not tell me so I would learn.., ang angas lang e no ,, umaatittude.., sabi nga ng TL ko nung minsan ay nagkaka engkwentro kami sa mga coaching sessions, ang kakulitan ang pinaka mahirap gamutin sa lahat..

Tinanong ako ni TL nun kung ano daw gagawin sa mga di nag iimprove.., andami kong mga tanong na hindi sinagot dahil akala ko e sapat na ang katahimikan para tumugon sa mga tanong niya.., pero dahil sinabi niyang kelangan kong dapat na ko sumagot.., I remember I said “ If I know I have done everything.., then I have to let that person go..”

Halos every mid shift.., iniisip ko kung papano ko simulan ang pagpapaalam ko sa TL ko.., dahil nararamdaman kong I’m not serving my purpose.., pero dahil sumasaya naman ako sa ilang mga calls bago matapos ang shift at dahil sa mga kawavemates ko.., kumapit ako.., inisip ko nalang yung napanod ko sa “facing the giants” , pinapikit ng coach  yung football player at pnagapang niya with a heavy man on the player’s back.., hindi napansin ni football player na anlayo na pala ng narating niya kahit hirap na hirap siya sa bawat gapang.., dahil sa motivation at sa mga  taongot ko mga kasama niya.., kinaya niya ang akala niyang hindi niya kaya..

Pag tinatanong ako ng mga wavemates ko nung mga unang araw naming na how’s my shifts.., una sagot ko not good.., tapos samga sumunod na araw.., sinasabi ko nang getting better kahit di naman masyado.., well.., totoo ngang fake it until you believe it.

Dumating yung mga araw na nagiging medyo magaan na yung shift.., araw araw ba naman ang dasal ko na “sana po Lord, makapagpakita po ako ng improvements..” di naman Niya ako binigo..

Pag gusto mo ang isang bagay, di ka basta bastang susuko kahit gaano mo man maramdaman ang hirap.., e gusto mo yun e..,  pinasok mo ng wala namang pumipilit.., tapos konting hirap lang e ayaw agad?? Paano mo malalamang malakas ka kung sa una ay aamin ka na , na mahina ka.

Na touch ako nung sinabi minsan ni TL ko na may potensyal ako.., pero sana daw gamitin ko yung potensyal nay un para magkaron ng saysay.., dahil wala namang halaga ang potensyal lang kung hindi ginamit. Atleast di ba  I have it inside me,, I just have to let it out..

We have 3 months from the date we’re hired to show to our tls that we deserve to stay.., ang hirap nun..Nagpaalam na ko kina mama nun na magreresign ako .., kaya plano ko na hindi umabot ng 3rd month review pero pano ko malalaman na papasa pala ako kung bago ako mag 3 months sa work ay sumuko na ko..

 Buti nalang kahit di madal.., di ako sumuko.. kasi tanggap ko naman kung ano man maging kahinatnan ng mga pangyayarinun dahil alam naming pareho ng TL ko na ginawa naman naming ang dapat naming gawin..

Buti nalang at naipasa ko at naiendorse ako sa susunod na level..

Basta wag lang dapat sumuko


Wednesday, September 28, 2011

The Day i lost my Noki


After the shift.., nagdecide ako na magpacute muna sa mall bago umuwi.., kung nandun ka lang nagpa pirma ka na sa akin dahil ang hot ko lang dahil sa aviator glasses..

Naglakad kami sa mall dahil mukha naman kaming tungaw kung magd dyip kami sa loob o sasakay sa tren.., hanap kami ng makakaininan., mga 2 years kaming nagtatalo kung saan kami kakain.., dahil grown up na ko.. sabi ko anywhere basta wag sa mga pambata.., wow attitude much. Ikaw na ang gwapo dahil sa aviator glasses na kakabili lang 2 days ago.

Yun.., we finally decided na kumain sa Jollibee pero madaming nakapila kaya nag iba ang plano.., lumipat kami ng mall and have decided na dun nalang kumain..

Nung andun na kami sa place.., I noticed that something’s missing.., tae may nawawala sa akin.., si Noki.., dahil ica calculate ko na sana kung magkano ang share naming sa oordrin namin.., I stayed calm.., dahil slim naman si Noki.., malamang asa singit lang siya ng bulsa bulsa ko.. nung sigurado na ko na nawawala na nga siya.., taimtim kong sinabi na “ guys..,  I think I lost my Noki.., kala nila biro lang kasi gusto ko lang tumakas, pero that’s a damn a good excuse don’t you think?? Pero totoo.., nawawala nga siya.. naku.., di naman ako nag panic dahil I’m planning naman na palitan na si Noki dahil I saw some good phones out there,, matagal na din serbisyo ni noki sa akin .., 2 years.. pero sinubukan pa din naming siyang hanapin dahil sayang  naman,, ganun nab a yon after 2 years pag nawala din a susubukang hanapin??

Una.., pakiramdam ko ayos lang.., madali lang naman bumili ng bagong phone..,andaming di naman kamahalan. Pero habang tumatagal,, narerealize ko na iba si Noki e.. wala siyang kapalit,, andun yung mga litrato ko.., ang gwapo ko pa naman  dun di ko pa sila nalilipat sa facebook.., at pano kung I post sa internet ang mga almost nude na photos ko?? Hehe


Kahit hindi halata dahil halos andami kong nakain na pansit palabok.., hindi ko malasahan ang kinain ko.., I felt that I lost a friend.., wala ng gigising sa akin.., wala ng kakanta sa akin pag nageemote na ko.., wala ng channel para makapag connect ako sa mga kaibigan ko.., wala na ang teleponong nakasama ko ng dalawang taon na katuwang ko sa mga nangyari sa mga oras na yun.., siya ang kasama ko sa mga awkward moments na kailangan kong magkunwaring may ka text o nag gagames.. kasama ko din siya mag capture ng mga moments dahil malinaw naman ang camera niya.., especially feeling ko na syett ang gwapo ko kaya dapat itong makunan ng camera at ipost sa facebook. Hindi ko na maririnig sa iba na “ ang cute naman ng phone mo kahit ang totoo ay nagseselos ako dahil naunang pinuring cute ang phone kesa sa akin.. bwisit lang dahil hindi na nagbebenta ang nokia ng gaanong model.. at para sa akin walang makakapalit sa kanya kahit hindi siya wifi capable at walang flash ang camera niya..

Sabi nga nung ad nung lumabbas yung phone.., it’s not just a phone.., it’s who we are..
I felt I lost a part of my self too.., kahit palagi ko lang siyang dine deadma dahil mas madalas kong kaharap ang notebook ko.., totoong mararamdaman mo lang ang halaga ng isang bagay pag wala na siya sa sayo..

Feeling ako ang malas ko lang nung araw na yun habang nags sink in sa akin na hindi lang cellphone ang nawala sa akin..,kundi isang kaibigan na kasama ko palagi.., parang nga siyang isang bahagi ng katawan ko.., hindi ko kayang lumabas ng walang phone.., wala akong akong alarm clock.. wala akong relo..

Inisip ko.., mas lalo nang mangyayari sa lovelife ko, dahil wala na ko telepeno.. malas.

Habang naglalakad ako sa mall mag isa at nagh hope pa din na kahit papano ay matisod ko siya sa daan at sanallphone  wala pang nakapulot dito.., pero.., nung wala na talaga.., naramdaman ko na ang pangit ng nangyari sa akin.., pero just when you thought you are the most doomed person in the world.., God will show you how lucky you are..
I saw a guy on a wheel chair na walang paa.., pero mukha namang masaya siya..
Kung siya nga walang dalawang  paa pero ngagawa pa niyang ngumiti.., ako pa na si nawalan lang ng cellphone na pwede namang palitan

Maybe it’s time for me to get a new phone at sana mabait yung nakapulot ke noki.., sana alagaan siya gaya ng pagaalaga ko at sana magwapuhan sila sa mga letrato ko..

I miss you Noki

Welcome to hell




Iisa lang ang habilin sa amin ni Mommy A. nung pakawalan na kami sa floor para harapin na ang labanan sa kung saan nila kami inihanda.. “ Huwag kayong aalis hanggat di kayo pinapaalis.”


Parang andaling gawin di ba?? Parang endurance challenge lang sa survivor kung saan bawal lang makatulog.

Batid kong di madali ang laban na kakaharapin ko.., pero ngayon pa ba ko susuko na nalampasan ko ang di ko kinaya nung nauna akong sumubok sa laban na kung ano ang meron ako ngayon..

“tupe.., umayos ka a.., hinabilinan ko na ang TL mo.., alam na niya .., sinabi ko na si Tupe.., makulet pero natututo..” naiyak naman ako kay mommy A.., parang gusto kong sumagot na “bakit di mo po sinabing gwapo din??”


Ibang iba ang unang araw sa production floor.., di ako nananakot sa mga aspiring callboys.., kung hirap ka na sa nesting,, hirap is an understatement when you are there,,
Perfect word is “welcome to hell baby” dahil andaming demonyong customer ang kakaharapin mo ng walong oras ng limited lang ang lifeline.. hindi kagaya ng nesting..

At para sa akin.., 1st day palang gusto ko ng bumitiw,, buti pala off namin the next day,, hehe.

Totoo ngang pagkatapos ng training nag uumpisa ang lahat,. Ang pintuan ng impyerno ay nagbukas na.

Kung pwede lang na umiyak habang kausap si customer at magmakaawang humingi ng pag iintindi dahil unang araw mo palang sumabak sa totoong laban e kada call ginawa ko na..

Hindi na din pwede ang tanong ng tanong,, e sakit ko pa naman yun.., tae.., I felt so alone.., para akong piniringan sa mata sa pinaikot ng 100 times at pinapalo ang palayok..

Pero alang alang sa mga taong nagtrain sa amin, sa pangakong hinding hindi ko sila bibiguin at sa pangarap kong magka lovelife,, nagkunwari akong kaya ko.., kahit na ang totoo.., gusto ko ng mag walk out,, kung may kotse lang ako.. hehehe

Para akong nagswimming lessons pero di pa ko talaga marunong lumangoy pero dahil tapos na ang oras ng pagtuturo at madami pang gustong matutong lumangoy at turn na nila na maturuan.. they have to set me in the ocean and see how far will I survive.. buti I have little salbabidas.., my team mates and some words from my TL.. “mag search ka muna”

Medyo strict si TL pero naiintindihan ko siya

Natapos ang shift na parang ambobo ko at ano lang ginawa ko training. Halos ubos ang boses ko at takot na kong pumasok sa susunod na shift dahil feeling ko pumalpak ako.

Pero dahil ayokong may mabigo.., lalangoy ako hanggang malunod.., bahala na.., I will still hold on Mommy A’s habilin kahit pakiramdam ko di na ko tao,. Pero dahil ako nga si Topher,, I have to let them see that I’m indeed Topher than yesterday


the return of the comeback


Finally

Totoong naiisip lang tao ang dapat niyang gawin kapag kulang na siya sa oras o wala na siyang pagkakataon pa gawin ang mga ito.., ayokong sayangin naman ang mga pagkakataon at sabihin sa huli na “sayang.., sana pala ginawa ko na noon”

Antagal kong nawala.., pero wala namang nakapansin.., emotero much??

Andaming nangyari sa buhay ko the past months.., pilit kong nade deadma anng page na to.., nawalan ng gana?? nawalan ng inspirasyon??  Tinamad?? Umaatittude?? O umaarte lang..

Nakakapagod pa din pala ang walang ginagawa.., darating at darating ka sa punto na “tama na.., oo gagawin ko na”

Alam mo yung feeling na pwede mong takbuhan pero di mo pwedeng takasan..,
Andaming mga sitwasyon na puro ganon.., kaya bakit mo pa papatagalin  laban kung kung laban.., ngayon na pa.., magka alalaman  na.., Why prolong the agony??
Pero minsan.., may tamang timing sa lahat.., haha excuse ng mga tinatamad?? pero may panahon sa lahat.., mararamdaman mo yun.., dapat kilos na bago mahuli ang lahat..

Yung feeling na once in an hour lang dumaan ang jeep.., antagal mong nagaantay pero nung may dumaan tiningnan mo yung cellphone mo o sinintas mo yung sapatos mo kaya nakalampas siya.., kaya yun.., you have to wait for another hour.., kakabad trip no??

Ganon din ang kinahitnan ng pahinang ito..,  alam mo namang di porket binuksan mo ang Microsoft word e automatic na yung mga idea na lalabas at magt-type ka nalang para makabuo ng isang entry..

There are times na I attempted to leave some entries here to show that this page still lives,, or Tupe still exist.., or may utak pa ko…, kaso minsan mas pinipili ko muna na magpacute sa facebook tapos pag handa na ko magsulat.., walang ng internet connection.. Basag.

I will not waste my free time.., I want to leave something in here before I turn a year older, arte lang.., Ang totoo.., para maiwan na ang lahat sa taong iiwanan ko.., para may fresh start sa susunod kong taon..

Magsisimula na ko ulit para makarami.., I just have limited time to do so..

Maghahabol ako parang nung estudyante days ko na aasikasuhin ko lang ang mga projects before the deadline.., ang kaibahan lang.., parang ganun din e.., ikaw may naiisip ka bang pinagkaiba?? It’s still a race between me and time.., 
May malulungkot pa din pag di ko nagawa ang dapat kong gawin.. ** sarili ko.
I will be graded by myself at kung sino pa man dyan ang gustong magbigay ng marka sa akin..,

O well.., ang buhay nga naman.. paulit ulit.., iba’t iba lang ang version.., parang Teleserye lang na nag rate.

Welcome back naman sa akin. Namis mo ko?? Kung alam mo lang na kung gaano ko kagusto makausap ka muli.

Friday, April 29, 2011

The Verdict Day



Sa lupit ng mga calls na mga sinagot namin.., may eliminations pa.. final eliminations.. at walang nakakaalam kung sino pa ang mga magpapatuloy.

Ginawa namun lahat ng mga makakaya namin.. nabaliw.., naiyak.., at nabago ang oras ng pagtulog namin.. Walang hindi binigay ang mga makakaya niya.., yung mga nabigatan sa laban ay piniling bumitiw sa mga unang rounds pa lang.., at mga matatapang ay nagpatuloy..

Hindi lahat ng mga nagpatuloy sa laban ay papalaring makakapagpatuloy pa.. there are some scores that we need to meet.., or atleast we should have shown them that we deserve to kept.

Final day ng nesting.., lahat nakaitim.., wala trip lang namin mag itim para magcelebrate,, napaka festive ng kulay namin hindi ba??

Inaamin kong kinakabahan ako.., kahit maganda yung score ko last eval kasi sinewerte.., hindi pa din ako safe kasi hindi umabot sa kota yung dalawang nakaraang evals ko.., sabi ni kuya P. na tagapalaga ng grupo kung saan ako nabibilang.., atleast we give him reason to defend us,, kung bakit dapat kaming iendorse sa floor,, pambihira.., andaling pakinggan.., pero parang mahirap din i meet.., iba iba kasing mga calls ang mga tinatanggap namin.. pero sana umabot kami sa pamantayan..

Last day.., ramdam ko ang tensyon.. , mga unang mga oras pa lang ng shift.., nalagasan na kami.., may nag walk out.. , hindi siguro nakayanan ang bigat ng wala akong maramdaman.., iniisip ko kung totoo ba talagang pumasa ako sa last eval.., dahil nasilip ko yung papel.. wow

Pinakuha kasi sa akin ni Boss J., na isa sa mga mentors namin yung mga papel na naglalaman ng mga evals namin.., e dahil usi ako.., sinilip ko.., i saw my name,, and i gor a good review.., i was really skeptic about what i saw.., i do not wanna think na yun na talaga yung score ko.., dahil trip kong kabahan.., hindi ko siya masyadong pinaniwalaam.. uso kasi ang kabahan nung araw na yun.

hindi kami nag take in ng calls.., chill lang kami.., at nagk kwentuhan ng mga buhay buhay.. habang ang ilan na kelangan may i meet na score sa team ni B.j e pinag calls para maipagtanggol para ipagpatuloy ang buhay puyat.

kami.., hindi namin.., makausap si kuya P., iniisip kasi niya kung paano kami maipagtatanggol lahat.. kasi goal ng mga mentors na mailaban at maiendorse lahat ang mga alaga niya sa totoong laban.

Kinulong kami sa isang kwarto.., habang ang mga mentors namin ay nasa deliberation room,, parang American idol lang.. ang arte.

May mga excited.., nasesenti.., at mga inaantok.. nakatulog yata ako sa paghihintay,, sana walang may crush sa akin na kumuha ng picture ko habang tulog.

Nung isa isa nang bumibisita sa amin ang mga tagapagtanggol namin.., naramdaman namin ang hirap nila sa loob ng delibiration room..

Dumanak ang luha noong isa isa ng nirereveal ang mga di pinalad na mameet yung target..

Nakakalungkot,, dahil may mga kakosa kami laya na talaga at di na namin makakasama sa puyatan.. nagf flashback sa akin ang mga pinag daanan naming mga petiks moments na nagpipictionary lang.., ngumangata ng mani.., pinaghehele ang mga tulog,, at ang pagpapalakas namin ng mga loob ng mga gusto ng bumitaw,,

Mamimis ko yung mga araw na magkakasama kami.., yung mga pantry moments.., dahil ang sarap mapabilang sa wave namin.., busog lang..


Mamimis ko yung mga kasamahan ko kahit alam kong i made a not so bait image.. pero sa personal.., mabait talaga ako... totoo.

Lahat lumuluha na.. alangan naman hindi ako makiluha?? wow.. hindi ko pinilit pumatak ang 2 luha ko.. naluha ako dahil sa mga umiiyak.. ramdam ko ang emosyon na kung ano man nag meron sila..

Yung dalawang mentors ng dalawang team ay nakapag announce na kung sino man ang mga nagpatuloy sa mga alaga nila at kung sino muna ang mga magpapahinga.., samantalang kami ay wala pa si kuya P.
Pero napag alaman namin na lahat ng mga alaga niya ay may shift bukas kasama ang mga bagong team nila,,

May mga nagpaalam na inexpect namin ,, at may mga hindi namin inakala.. at may mga nanatiling akala namin ay malalaglag.. 

Nakakalungkot man,, pero nagpapatuloy ang buhay.. life goes on.. may mga matitinding laban pa kelangan naming harapin.., kaya sabi ko na nung mga unang post ko.., bawal ang masyadong emosyon..

yes! sabi ko na nga ba at makakabalik ako.., i guess heto na to,, nararamdaman ko na..

This is redemption.. I have i arrived again.. balik buhay call boy na talaga ako.., at sana ay may access na yung tutut card ko sa tulugan area..

Simula pa lang ito ng totoong laban,, at dito na lahat magkakaalaman.





Thursday, April 14, 2011

Twisted: The 3rd round


Ang gabi ay magiging umaga.., at ang umaga ay magiging gabi,,, at ang mga sabado't linggo ay magiging normal na araw.. -- yan ay ang sumpang kakabit ng daan na pinili kong tahakin..

Nag umpisa na ang sumpa.. At magca calls na kami na hindi na filtered.. at mag uumpisa na kaming hatulan kung karapat dapat ba kaming maging mga full pledged call boys..

Mag eenchanted kingdom pa naman sana kami ng dalawa kong kaibigan sa isa sa mga sabado.., ngunit dahil my world will be so damn twisted,, napurnada na naman ang plano kong hamunin ang sarili ko sa pahiluhan at ang pagpapa cute sa Sta. Rosa Laguna. Pangatlong beses na tong enchanted journey kong hindi natuloy.. malamang the enchanted experience is not for me yet..bwisseeet.

Mag uumpisa ng madaling araw ang sked namin for nesting,, ang hamon ay di lamang sa puyatan, pag iingles.,  at pagpapatunay na may natutunan kami sa classroom training,, wala na kasing mga masasakyan sa kung saan man ako lupalop galing pagpatak ng mga bandang alas onse.., at pagpatak ng mga alas nuebe,, bus nalang ang option ko para makarating sa battle field.. kamusta naman kung gabi gabi akong magb bus?? mapupunta lang sa pamasahe ang mga kikitain ko..

kaya maaga nalang akong umaalis sa bahay,,  mga 8pm asa daan na ko.. at matutulog nalang ako dun..

Pero ang siste,, walang kapangyarihan ang tutut card ko na buksan ang sleeping lounge,, kaya madalas ay nag aantay ako ng mga papasok.., o magpapa assist ke manong guard na magpapa assist din sa mga kasamahan niya.., o babaluktot sa gaming room kahit binabawalan kaming matulog dun.. kulit lang,, kahit mejo mahirap matulog ng hindi nakahiga.., madali na lang sa amin gawin yun.., puyat e,,

First day ng nesting.., bwissett.., ako ang pinaka maaga.., hindi dahil sa excited ako,, nanigurado lang akong makakarating ako..
ayos naman siya.., hindi muna kasi kami nag calls nung araw na yun.. pero ramdam ko na ang kaba at ang intensity ng laban na haharapin namin..

dumating ang araw na kung saan ay wala na kaming takas,, auto in kung auto in,, nag umpisa sa partnering,, salitan,, hanggang sa kami nalang mag isa.. but since mga inakay pa lang kami.., may mga suporta kami..

we have 4 angels on the floor na gamabay sa amin sa bawat engkwentro namin sa mga walang alam na mga kano na bago pa lang kami kaya wala silang karapatang mang alipusta at dapat ay pasensyoso kasi nag uumpisa pa lang kaming matutunan ang lahat.. pero tae.., di nila alam yun.., at hindi kami pwedeng magbigay ng clue na bagito pa lang kami.. kaya may mga pagkakataong napapainit namin ang mga ulo nila kaya ganun nalang sila makapag request ng supervisor.., at mapamukha sa amin na ang tanga tanga namin at parang wala kaming silbi dahil hindi namin sila matulungan..

if they only knew yung pinag dadaanan namin,, sabagay mukhang di naman dapat kami kaawaan dahil pinasok namin ang mundo kung saan normal ang pagdanak ng dugo sa kaka english tapos minsan lang kami titirahin ng "do you speak english?" "could you transfer me to someone who speaks and understand english"
mga bwisit sila.. paksyet.

sa mga ganong tagpo kaya takot kaming pindutin ang auto in at sabikat paunahan kami sa pagpindot ng log out..

 Totoo ang tsismis na para kang na master reset pagdating ng nesting.., dahil halos lahat ng files na store sa memory mo e na wipe out.., hala.., i hate it.., effort pa man din ko makinig nun.., bwiset.., burado.., mareredeem lang yun sa mga dadaanan mong mga calls kaya dapat as early as training.., makadami ka na ng mga mahihirap na calls para alam mo na nag gagawin sa totoong mundo.


madaming luha ang dumanak sa training at may mga di kinaya ang preyzure kaya di na pumasok kinabukasan..

pero ako.., laban lang.., kapalan lang.., patibayan ng sikmura.., bawal ang sensitive sa mundong pinasok ko..

kaya yun.., kulit lang ako.., tanong sa mga gabay namin sa floor kada may concern hehehe.. habilin nga sa amin ay mag search muna ng sagot bago sila konsultahin.., nag sesearch naman ako.., totoo.., pero di ko mahanap ang sagot dahil mali naman pinag hanapan ko o minsan kulit lang.., nagveverify kahit napaka obvious naman ng sagot..

hinati kami sa tatlong grupo, para malaman kung sinong trainee ang aalagaan ng mga anghel namin sa floor.., sila din yung mag eevaluate sa amin.., tae.., ako.., dun pa lang.., wala akong team.., kulorum kung kulorum.., muntik na kong maiyak kasi parang pinapaalis na ko.. siyyettt.., sign na yata yun para wag kong ipagpilitan ang sarili ko sa mundo ng mga ingliserong puyat.., pero syempre naalala ko.., bawal pala ang sensitive kaya nginitian ko lang yun.., haha.., baka puyat nga din yung nag grupo sa amin.., baka na miss place lang yung pangalan ko kaya niya di nailagay.


Overall.., kakabaliw ang nesting namin.., palagi akong napag sasabihan ng go back to the customer.. at dinig sa ere ang "topher.., hold!" babalik naman talaga ko ke customer kaso pag may sagot na ko.. kulang ang 2 minutes para makapag tanong ng sagot dahil ang daming suki..

Di lahat ay papalaring mag move on sa next round at may target kaming score para pumasa,, higit pa sa goodluck ang kelangan namin.., kung may mas matindi pa sa powers ng himala.., that's what we need..

Di talaga siya madali.., pero ito ang pinasok namin kaya dapat naming kayanin..

super twisted.., pero hindi pa daw ito yun.., mas malala pa pag asa totoong mundo na kami.., sa battle field.., mas mababangis daw ang mga sasagupain namin.. hala .., kaya bawal ang mahina.., kasi dun.., nilalamon ang mga mahihina..

dapat kayanin ko to para makabalik na ko officially sa mundong minsan ko ng iniwan.. dapat to kinakaya.., kaya bawal gumaya sa mga umiiyak after nung malupit na call at sa mga nag dedecide na huwag ng ituloy ang laban.

Tuesday, April 12, 2011

No drama


i watched kitchen superstar this morning which is one of the shows na kaya ko panodin kasi pang umaga dahil free time at asa bahay lang,

i love the show.., but this post isn't about the cooking reality program.., naiiyak ako pag napapanod ko yung opening obb nila.., strange. kasi matagal ko ng kontrolado ang pagpatak ng tubig sa mata ko. hindi nga ko maiyak sa mga kadramahan sa tv at sa mga nang uutang na keso wala daw silang pang load., di na bumebenta sa akin ang drama. kaya medyo nakokornihan ako sa mga umiiyak sa sinehan at sa harap ng tv. titanic nga at the notebook ay di ako napaiyak

Pero last monday at kanina,, ka luha ako sa opening id ng kitchen superstar habang pinapakita ang mga contenders,, nung monday.., hindi ko lang pinansin.., kasi kulang ako sa tulog nun.., baka kako e epekto lang puyat.. at nagtutubig ang mga mata ko dahil sa antok.., but this morning,, it happened again.., that obb is not a tear jerker material but for me.., it made me cry..arte lang. pero may kurot talaga sa singit yung video kahit puro gamit sa kusina at mga nagluluto mga nandun.., ano yun?? baka gutom lang??

 think i know kung ano yung nakakaiyak dun.., maybe same reason as to why the susan boyle auditions video made my tears fall.., 
 kakaiyak kasi they never stop getting what want,, ngayon abot kamay na lang nila yung gusto nila kasi hindi tumigil sa pag abot

i'm about to surrender with the current battle that i have now,, bumibigat na kasi yung mundo ko.., parang hirap na kong pumunta sa work place sa gabi.., kaya i'm thinking to get another job ,, maybe change of career,, pero ngayon na alam ko na ang gusto ko.., and if i will not throw the white towel anytime soon i know   
i can have what i want here,, also i should work harder.. kasi sa mundo naman natin,, we only get what we deserve.. if you want something better,. you should prove that you deserve to have it,, ibibigay sa yo yun if you work hard for it.

well ewan ko.. , i'm on one point that i'm giving up and admitting that i'm not that strong to last sa pinasukan ko.., pero talo talaga ko pag inamin kong talo ako.., biggest loser.. and that i do not want to tagged as. 

pero looking back sa mga dinaanan ko.., maybe i'm tougher.. pero kung aalis ako ngayon.., siguro maiisipan ko pa ding magbalik sa mundo ng mga call boys.. i'll iss a lot of things and some people.., mga tatlo.. hehehe..
pero i'll hold on sa habilin ni mommy A. " pag di kayo pinapaalis,, wag kayong aalis.." at babaunin ko yung sabi ni pareng Og Mandito.. "If i persist long enough.., I know i will succed"

hindi ako mahina.., pero alam ko kung kelan ako aayaw,, sa ngayon,.. lalaban muna ko.. pag di ko na kaya.., then i have to move on..., o pag pinapaalis na ko.. hehehe

tandaan..,everyone starts at the bottom.., and if you quit,, you will never see your self at the top.., wala tayong genie o fairy god mother na tutupad ng mga pangarap natin .., tayo ay genie ng mga sarili natin.. kaya keep getting what you want.., bawal sumuko.. 

saludo ako sa mga taong tumutupad sa mga pangarap nila.., maraming salamat sa pag iinspire
at sa mga nega,, be positive,, kung nega talaga kayo.., solohin niyo na lang yan.., lakas pa naman makahawa nian..


Thursday, February 3, 2011

2nd stage: completed


Malinaw na naipangako ko sa mga nagdaan kong entries na kakayanin ko ang laban na pinasukan ko ng laban ngayon.., kelangan kong kayanin at ang pagsuko ang huling bagay na dapat kong maisip..

Pero nabanggit ko na bang kakompetensya ng account na nagpa realize sa akin na di pa ko handa na pumasok sa mundo ng mga call boys at call girls??  Oo.. kalaban siya kaya equally complicated siya.. naku.., napasubo ata ako..

Andito na rin lang naman ako.., might as well na ibigay ko ang sandaang porsyento ng kung anong kaya kong gawin.., itodo na.., bahala na sa kung saan makarating,, siguro dapat i convert ko ang malupit na naranasan ko sa kuko ng isang telecom account sa isang leksyon.. isang advantage.. dapat mas kayanin ko to.. hala.. tila mas lalong bumigat ang pressure.. pag napag tagumpayan ko to.. i'll be so totally back..

Product training.., ang part na dapat ay sineseryoso.., bawal laruin.., bawal idaan sa joke.., bawal tulugan.., kung hinde.., goodluck pag sinabak na kayo sa pagtutuos sa mga customers na nangangailangan ng tulong at nangangailangan ng taong mamumura.. haha

Hindi siya katulad ng language training na enjoy lang.., heto.., dapat ay nakakundisyon ang utak mo para iabsorb lahat ng mga hinihinging iabsorb ng utak mong hindi kataasan ang internal at external memory.., kaya nga nun.., feeling ko ay kelangan ko nang magpapalit ng utak dahil tila ay nadamage sa dami ng mga impormasyon na dapat namin matandaan o kahit makuha man lang ideya..

kaya sa pagkakataong ito,, ako si boy notebook.., take lang ng take ng mga notes.., parang high school na lecture lang lecture.., kasi parang mas tumatatak sa akin ang mga pinag aaralan pag sinusulat ko.. kahit hindi naglelecture ang iba,, ako sulat lang,, para may mabasa din sa bahay,, sulat lang ako kahit sabi ng trainer na hindi naman kelangan dahil sa knowledge base naman namin ang mga pinag aaralan namin at hindi adviseable ang mag memorize.., well,, tuloy pa din ako sa pagsulat.. kelangan ko tong gawin.., hindi kaya ng utak ko na tandaan ang lahat,,

sa product training.., kalaban mo ang sarili mo.. ako.., mukhang di lang sarili ko ang kalaban ko.., kung hindi ang mga taong may ayaw sa akin dahil sa mga pinanggagawa ko na hindi ko maiiwasan masyado lalo na kung naiinip ako at naghahanap ako ng outlet para makatakas muna sa pagkabuang,, kaya bumabato ako ng mga hirit na minsan ay kinakataaas ng kilay ng iba lalo ng mga taong nayayabangan sa akin dahil minsan e di ko mapigilang magmarunong dahil gusto kong malaman kung alam ko nga ba talaga,, haay,, hirap maging ako,, at dahil sa mga tendencies ko na magkorek ng mga ilang pagkakamali kaya mainit ang mata ng mga ilan sa akin..
oo., kasalanan ko .., at sinusubukan kong magpaka low profile..

May mga pagkakataong gusto kong mag quit.., dahil nakaka frustrtate minsan.., feeling ko kasi wala naman sa mga tao dun na gusto akong manatili.., sabi ko nga.., kung may botohan lang sa kung sino ang dapat tanggalin sa grupo namin.., landslide winner ako.., 

Pero inisip ko din.., na lumalaban ako hindi para i please sila,, hindi para makuha ko ang approval nila sa kung ano ang dapat kong sabihin at gawin.., andun ako.., para sa trabaho.., kaya nanatili ako.., at nagp pray na lang ako na sana transition na at may mga bago na kong ka team..

oo.., may mga pagkakataong napagod na ko sa mga nakapaligid sa akin sa training,,sa mga nauna kong scores sa mga assessments,, yung tipong perfect score ang lahat.., tapos ako na mayabang e red mark.., naku.. pero nung lumipas ang mga araw,, naayos naman.., siguro dahil nakapag adjust na sila sa ka epalan ko.. buti nalang at hindi ako umalis..


pero may mga taong nagtyaga naman sa akin at kinaya kung ang ugaling meron ako.. nagpapasalamat ako sa kanila.., dahil sa kanila.., nakatawid ako..

Naging masaya naman ang product training.., may mga kulitan moments,,at  mga petiks moments,, hala.., goodluck na lang talaga sa amin,, pero alam ko.., pag sama sama kaming humarap sa laban,, kaya naman.

Overall,, naging masaya naman ang 2nd stage ng training, lalo na pag break o lunch time.. hehehe.. kasi may baong pagkain ang iba naming kasama na ni s share,,, wow.. isa yun sa mga dahilan kaya masayang maging part ng wave namin..

Madami ding mga nakaka praning na naganap.. may time na nalate ako ng isang beses.., may pagkakataon na napagalitan kami dahil sa mga scores.., behavior at sa mga cellphones.. at sa mga hinaing ng iba tungkol sa pagtanggap ng calls..

ay oo nga pala.. pag c callboy nga pala ang pinasukan namin.. kaya dapat wag magreklamo o matakot sa pagtanggap ng mga tawag,, but i  have to defend my takot.., na feel ko kasi nung time na nag alinlangan ako sa pagtanggap ng mga tawag na hindi pa ko masyadong handa,, pero sabi ko nga.., dapat maaga pa lang ay harapin na namin ang mga takot namin.. para pag totoo na,.. ang tapang lang namin.. hmmp.

as early as product training.., nakatanggap na kami ng mga calls.. at sa akin.., hindi lang call.., sup call.. hala ako ang buena mano.. pero at least naranasan ko na siyang maaga.., may natutunan naman ako sa call na yun.. oo,. meron nga..

nung asa floor kami para tumanggap ng mga filtered calls.., pray lang kami ng avail avail avail at log out time.. baka ma bembang na naman kami sa mga customers na hindi alam at hindi nila dapat malaman na natututo pa lang kami kung papano lumipad

Nalampasan namin ang product training.., pero may 3 hindi na namin kasama.. nakakalungkot.., pero ganun talaga.., kaya sa buhay namin.., hindi masyadong adviseable ang maging emotional..

What comes after product training?? ang madugong nesting.., kaya super goodluck.., mag uumpisa na ang pagbaligtad ng mundo namin..



Tuesday, February 1, 2011

ang unang linggo ni Boy Angas



i got the first stage of the training cleared.., ayos naman.., hirap lang ako sa schedule kasi kelangan ko lang lumakad ng mabilis pag uwi para may masakyan akong jeep.. kasi pagpatak ng 10pm-- yung paglabas namin., paubos na mga jeep na bibyahe pauwi sa amin.. na endure ko naman yung uwian time.. nakakadating naman ako sa antayan kung saan ako susunduin ng 11 or before 11pm.. sa dulo kasi ako ng mundo nakatira.., ang layo sa high way at kelangan mo pang bumiyahe ng pagka layo layo..

ok na sana ang pagdating ko ng 11pm.., naaasar lang ako pag mas maaga ako kesa sa susundo sa akin.. o sa kapatid ko na kasabay kong uuwi.., na iirate ako.. dumarami ang galit ko.. e dapat naman kasi pagdating ko e uwi na agad.. ayoko sa lahat ang naghihintay pauwi.. lalo na at pagud paguran ako.. maldito much?? hindi naman masyado.. may rules lang ako na valid naman na hindi nasusunod..

sa training.., ayos naman.., refresh kung refresh.. may mga bagay na kelangang matutunan ulit.. tulad ng papano hindi mabangasan sa mukha dahil sa pagka epal.. natututunan ko naman siya ng pakonti konti..

first week yata yun nung may kinorek ako sa grammar out loud.. ewan ko nga ba,, di na ako nakapag isip masyado nun,, basta sinigaw ko na lang.. do does did..-- auxiliary verb + base form of the verb.. palibhasa yun ang ginagawa ko sa huling mindong ginalawan ko.., ang magtama ng mga obvious na grammatical errors..
nagpa sorry naman ako sa taong natamaan ng hagupit ni boy grammar.. nag explain akong automatic lumalabas sa akin yun lalo na pag aux verb issues..

nagka coaching  ako sa katabi ko na pareho ko ng propesyon pero may dumaan muna sa daang kelangang magpuyat.., na mejo hindi tama nag ginawa ko.., dapat daw in private na lang.., para hindi mapahiya yung tao..-- hindi ko naman intensyon mamahiya o magmayabang sa kung ano man ang alam ko.., pero parang yun ata ang nangyari,, i just created a not so good image..

feeling ko nga kung kelangang mag vote out sa training e unanimous na ako ang unang masisipa.. attitude problem much?? ewan attitude ba yun?? kung oo press 1.., kung hinde.., ililibre kita ng pizza pag nagkita tayo..

ang totoo.., nahiya ako pagkatapos nun.., feeling ko napaka insensitive ko.. pero ang intention ko lang naman talaga e malaman din ng mga mejo naguguluhan sa aspetong yun kung ano ang tama., sa akin ayos lang na itama nag pagkakamali ko sa harap ng mga learners na katulad ko.., sabi ko nga hindi pare pareho ang mga tao.. ang totoo.., sana hindi na lang ako nagsalita para mali na lang siya hangang sa may ibang magsabi sa kanya na pag ginamit mo ang do does did sa sentence.., dapat hindi ka gumamit ng past tense ng verb..

Pero anlaki ata ng epekto ng ginawa kong yun.., i just created a hater.., kasi napansin ko na yung taong yun e naghihintay na magkamali ako at kumukoment sa mga hirit ko kung may pagkakataon siya,, haaayy.. anlaki yata ng kasalanan ko..

sa ngayon.., makikita mo nalang sa mukha ko kung naka dinig ako ng mali sa grammar.. hindi mo naman mahahalata na may napansin akong mali kung hindi mo din napansin yun at npatingin ka sa akin.., ansama ko talagang tao..-- hindi ako perpekto pero may mga alam akong pakiramdam ko ay dapat malaman mo din kaya ako nag rereact minsan,, hindi para ipamukha sa yo ang pagkakamali mo.., kung hindi para hindi kana ulit magkamali dun.. kung may mapansin ka mang pagkakamali sa akin.., malugod kong tatanggapin ang pagtatama mo.., hindi ko ito pepersonalin,, tao lang naman tayo nagkakamali.., pero natutunan naman kung ano ang tama..

Natapos yung first week ng training sa isang call simulation.., and if you would ask how i did it.., palpak.. kinabahan pa din ako at may mga bagay akong nakalimutang gawin muna dahil nilamon ako ng kaba.., pero ang sabi ng nag assess sa akin na masyado daw akong sounded formal.. i just need to loosen up.. naintindihan niya wala pa akong alam sa product kaya hindi muna big deal kung ano man ang kapalpakan ang nangyari pero sa susunod,, hindi na yun mapapatawad..-- mabuti na siguro at nagkamali ako doon pa lang,, para mas tumatak na sa akin ang dapat,, =)

Well.., nalampasan ko ang stage 1.. at at stage 2?? product training,, ang medyo madugo at bawal ang tutulog tulog.. kaya naman.. sana

Wednesday, January 26, 2011

bago

Naumpisahan ko na ang pagbabalik sa mundong minsan ko ng iniwan,, kahit sabihin na nating hindi na ako estranghero sa mundong iyon.., andami pa ding bago sa akin.., andaming iba..

una.., sa kompanya,, iba to sa huli kong pinasukan.., though parehong may tutut card para makapasok sa mga pintuan, may mga guards na nagbabantay kung nagpipicturan kayo sa loob.., dume dress down at dume dress up.., may vendo machine para sa kape, may mga pagkakaiba siya sa pinanggalingan ko..madami pa ding papasukan na kelangan mo ng password.

iba ang mga terms na gamit sa ilang mga alam ko na,, mejo nalilito pa din ako dahil siguro bago at mas sanay ko sa mga terms na alam ko na,, para siyang palabas sa ibang bansa na iniba ang mga pangalan ng mga characters pag inexport dito.. parehong character.., iba ang pangalan

hindi mo na kelangan masyadong mag jacket,, hindi hard core ang lamig.. gusto ko minsan kasi di mo na kelangan magdala pa ng panlamig

ang cute ng loft na mas kilala ko sa tawag na pantry.. mas part na nakaka fast food.., nakaka greenwich.., at parang asa resto ka lang..

iba ang mga cast syempre.., ang mga wavemates ko.., though may mga characters na hawig sa mga characters na kilala ko na.. ayaw kong magkumpara kung alin ang alin kasi mas lulutang talaga yung unang grupong kinabilangan ko,, pero pareho namang mga baliw,, creative.., palaban.., maloko.., lumalaban sa mga hirit.., mga pasaway pero kontrolado naman.., mukhang masaya ang   mgabatch na kinabilangan ko.. mafe feel mo yung warmth ng company.. at sinasaway pa din ako,, sabi ko nga sumosobra na ko minsan,, sori naman..

yung trainer namin.., mabait.., pero nararamdaman kong minsan na gusto nia kong bangasan sa mukha sa sobrang epaloid ko.. e.. kasi ba naman ako.., mamamatay yata kung hindi ako makapagsalita at maka hirit,,
haaay,, kung may gamot lang sa botika neto.. lalaklakin ko silang lahat..

pero as i've said.., pinipigilan ko naman.., baka di ako maka uwi ng buhay..

bago bago bago---- makakapag adjust din ako. sana.
kasi ampangit kung mauna pa kong mawala sa kompanya kesa sa makapag adjust.






Bayad Utang

Tulad ng naipangako ko sa huling entry ko.., may mga kwento akong dapat i share.. kahit na hindi naman ako obligado o kahit wala naman talagang maaapektuhan kung hindi ko gagawin to.. gusto ko lang..

Pero hirap pa din ako.., wala na si Maldito.. o kung nagpalit na siya ng domain.., di ko alam kung san ko siya hahagilapin.., siguro sa ngayon.., kelangan kong tumayo mag isa.. Well kaya ko to..

This time.., dahil busy busyhan ang self confessed gwapitong blogger na may mga pinagdadaanan lately.., pero pinangako ko na isisingit ko to..

so uumpisahan ko ng saarguhin ang mga kwento bago pa sila mabaon sa limot,, at malamang heto na nga ang umpisa ng mga di kahabaang entries na pinapangarap ko noon.., at wala ng excuse ang mga inaanyahan kong magbasa.., kasi madalas nilang dahilan ang hahaba daw ng mga entries ko kaya tinatamad na sila.. sus,, hindi man lang ako binigyan ng chance makapag kwento.., jinudge agad sa haba.. sabagay naiintihan ko sila.., lalo na yung mga bayad lang ang oras nila sa cafe o siningit lang ang sa oras nila ang pag nenet dahil mamamatay ang mga tanim nila sa farmville,.. hehehe.. at ang iba naman,, limited lang ang kayang basahin ng mga mata nila.. pang 100 words lang.. tas aantukin na sila..

may oras ako noon kaya mahahaba ang mga entries ko.. ngayon na tulog lang ang gusto kong gawin sa free time ko at magpa cute para magka lovelife.., iiksihan ko na ang mga sinusulat ko..

Ngayon,, ito na.. ang aking muling pagkabuhay..

dapat handa ka na,, at ikalat mo na ang balita,, si tupe ay buhay na ulit

Wednesday, January 19, 2011

balik loob

hindi ako umabot sa kota kong sampung entries nung december.. andami kong gustong isulat at ikwento pero siguro tinamad o hindi ako nagkaron ng signal nung mga panahong sinisipag  akong magsulat o nagpapagod paguran lang ako.. . , o siguro.., nawalan na ko ng benchmark sa pagsusulat dahil nagsarado na ang domain ng aking sinusubaybayan na si maldito..

Ngayon.., babalik muli ako.., andami kong utang na kwento.., mga lamang utak.., mga karugtong ng mga huli kong kwento..

isa siguro kaya hindi ako makapag sulat nun ay dahil may mga spaces pa kong dapat i fill out.. pero sususbukan ko silang punan sa mga susunod na araw..

hindi ko to titigilan.., paninindigan ko ang page na to kahit mga lima lang ang mga nagt tyagang magbasa dito at tiyak na hinihintay nila ito.. wow

hindi ko na siguro pag susunud sunurin ang mga kwento.., kasi dun ako natatagalan e.., bahala nalang kayo.. lalabag muna ko sa chronological order

sa mga lima kong taga basa na mga kamag anak ko lahat at kaklase.., ito na.. i'll get back to writing.., namis niyo ko??

Ang umpisa ng pagbabalik

Napahinga ako ng 103 days sa pagiging functional at 19 months naman sa pagiging call boy.. Pagkatapos ng pakikipagbuno sa duwag na parte ng sarili ko, I dare my self again to be the man that I want my self to be.. an eligible bachelor.. I will not be that man if I will not do anything,, kaya kilos kilos na ko.., masyado ko nang inispoil ang sarili ko at wala naman akong mararating kung tutulog tulog lang ako at hindi bigyan ng hamunin ang sarili ko sa mahirap na laban..
                             
Bago ko pa suungin ang mundo na bukas na bukas na para sa akin., magbabalik muna ako sa mundong una kong ginalawan.. sa mundong pingarap ko nung college dahil sa sahod, sa twang, at sa mga kontrobersiya.., wanna see them for my self if they are real.

Hindi siya madali kaya hindi ako tumagal, umalis ako upang tahakin ang mas madaling daan, pero hindi din masyadong fun, swabe lang.. mejo easy easy.. pero kung may gusto kang marating., iisipin mong umalis pag may chance ka na at malakas na ulit ang loob mo at handa ka na sa stress, puyat, at pressure..

Ngayon.., nagbabalik na ko baon ang mga aral, lakas ng loob, at pangarap na makapag gym sa fitness first at iavail ang benefits sa maxicare card.

I can’t just screw up this chance.. bago ako tumuloy sa pagiging guro, titingnan ko ulit kung may buhay para sa akin on graveyard shifts with a good night differential rate., life where eyebags are inevitable, life where people do not sleep at night. Namis ko e.. kaya susubok ulit ako.

I have everything that I need.. I passed the exams, interview, drug test, I have signed a contract and I’m just so ready..

May nervousness pa din sa akin pagdating sa mga elimination moments during the training process.. Gagawin ko ang lahat para tumagal.. at ang tumagal din sa floor

Last Monday, my 2nd Cc journey have started. Nag umpisa na ang training. Kahit na hindi maganda ang schedule, kelangan kong kayanin.. bahala na.. para sa fitness first kelangang kong kayanin lahat ng ihahain sa akin including the possibility of not going home at night.

Pero good naman.. after my first night, wala naman masyadong problema sa pag uwi kundi ang paghihhintay sa mga susundo sa akin.

The five day language training turned out ok.. I got refreshed from the things I learned before,, I met new faces, mingled with different kinds of people.. nalaman ko na hindi na ko socio phobic kasi kayak o nang makipag kwentuhan sa mga di ko masyadong kakilala..

Ang tahimik ng mga taong nakapaligid sa akin sa training,, iilan lang ang mga hindi nahihiyang mag open up. At ang daldal ko.., sana hindi pa naiinis sa akin ang trainer namin.. I’m worried na sana hindi ako mapag initan dahil parang ang yabang ko ata dahil sa mga alam ko na hindi ko maitago,, unlike the other people in the training, antahimik.., nakakatakot, kasi pano kung tinatago lang nila mga alam nila,, ako wala nang mailalabas pag ubusan na ang laban.

Sinubukan kong magpakatahimik, pero di ko pa din mapigilang magbiro at magsalita.., ewan ko yun talaga ata ako.., pag may alam o may gustong sabihin.., di matahimik.. tsaka nag cocorrect ako pag may nadinig akong mali sa grammar o sa pronunciation.., nasanay na kasi sa dati kong mundo.. sana lang di minasama ng mga kinorek ko.. pero palagay ko parang nakasugat ata ako kahit di ko naman intensyon..  hay..

Pero sana magtagumpay ako this time.. kaya ko to..